Magpakabanal Kayo
13 Kaya palagi ninyong ihanda ang inyong isipan na gawin ang kalooban ng Diyos. Magpakatatag kayo at lubos na umasa na matatanggap nʼyo ang mga pagpapalang ibibigay sa inyo kapag dumating na si Hesu-Kristo. 14 Bilang masunuring mga anak ng Diyos, huwag kayong padadala sa masasamang hilig ninyo noong hindi pa kayo nakakakilala sa Diyos. 15 Banal ang Diyos na tumawag sa inyo, kaya dapat magpakabanal din kayo sa lahat ng ginagawa ninyo. 16 Sapagkat sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, "Magpakabanal kayo dahil banal ako."1:16 Lev. 11:44, 45; 19:2.