Pular para o conteúdo
Publicidade

2 Timoteo 4

1 Inaatasan kita sa presensya ng Diyos at ni Kristo Hesus, na siyang hahatol sa mga buháy at mga patay, at muling babalik at maghahari: 2 Maging handa ka sa pangangaral ng Salita ng Diyos sa anumang panahon. Ilantad mo ang mga maling aral; pagsabihan ang mga tao sa mga mali nilang gawain, at patatagin ang pananampalataya nila sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo. 3 Sapagkat darating ang panahon na ayaw nang makinig ng mga tao sa tamang aral. Sa halip, hahanap sila ng mga gurong magtuturo lamang ng gusto nilang marinig para masunod nila ang kanilang layaw. 4 Hindi na nila pakikinggan ang katotohanan at babaling sila sa mga aral na gawa-gawa lang ng tao. 5 Ngunit ikaw, maging mapagpigil ka sa lahat ng oras; magtiis ka sa mga paghihirap. Gawin mo ang tungkulin mo bilang tagapangaral ng Magandang Balita, at tuparin mo ang mga tungkulin mo bilang lingkod ng Diyos.

6 Ang buhay ko ay iaalay na, dahil dumating na ang panahon ng pagpanaw ko. 7 Puspusan akong nakipaglaban sa paligsahan. Natapos ko ang dapat kong takbuhin. Nanatili akong tapat sa pananampalataya. 8 At ngayon, may inilaan ang Diyos sa akin na korona ng katuwiran.4:8 korona ng katuwiran: Ang ibig sabihin ay "may gantimpalang ibibigay sa kanya ang Diyos dahil sa matuwid niyang pamumuhay." Ibibigay ito sa akin ng makatarungang Panginoon sa araw ng paghuhukom niya. At hindi lang ako ang bibigyan, kundi maging ang lahat ng nananabik sa pagbabalik niya.

Mga Personal na Bilin

9 Pagsikapan mong makadalaw rito sa akin sa lalong madaling panahon 10 dahil iniwanan ako ni Demas at nagpunta siya sa Tesalonica. Iniwanan niya ako dahil mas mahal niya ang mga bagay sa mundong ito. Si Cresente naman ay nagpunta sa , at si Tito sa Dalmatia. 11 Si Lucas lang ang kasama ko. Kaya isama mo na rin si sa pagpunta mo rito dahil malaki ang maitutulong niya sa mga gawain ko. 12 Si Tiquico namaʼy pinapunta ko sa Efeso. 13 Pagpunta mo ritoʼy dalhin mo ang balabal ko na iniwan ko kay Carpo sa . Dalhin mo rin ang mga aklat ko, lalo na iyong mga gawa sa balat ng hayop.

14 Napakasamá ng ginawa sa akin ng panday na si Alejandro. Ang Panginoon na ang bahalang magparusa sa kanya ayon sa kanyang ginawa. 15 Mag-ingat ka rin sa kanya dahil sinasalungat niya nang husto ang mga ipinangangaral natin.

16 Walang sumáma sa akin sa unang paglilitis sa akin; iniwan ako ng lahat. Patawarin sana sila ng Diyos. 17 Ngunit hindi ako pinabayaan ng Panginoon; binigyan niya ako ng lakas na maipahayag nang husto ang Magandang Balita sa mga hindi Hudyo. Iniligtas niya ako sa tiyak na kamatayan.4:17 sa tiyak na kamatayan: Sa literal, sa bunganga ng leon. 18 Ililigtas ako ng Panginoon sa lahat ng kasamaan, at dadalhin niya akong ligtas sa kanyang kaharian sa langit. Purihin ang Diyos magpakailanman! Amen!

Mga Pangwakas na Pagbati

19 Ikumusta mo ako kina Priscila at Aquila at sa pamilya ni Onesiforo.

20 Si Erasto ay nanatili sa , at si Trofimo namaʼy iniwan ko sa dahil may sakit siya. 21 Sikapin mong makarating dito bago magtaglamig.

Kinukumusta ka nina Eubulo, Pudente, Lino, Claudia at ng lahat ng mga kapatid dito.

22 Sumainyong lahat nawa ang Panginoon at ang biyaya niya.

Lugar Bíblico
Região / Território
Galácia
Hoje: Galácia (Anatólia Central), Turquia
ΓαλατίαGalatia
Galácia é uma região com igrejas, às quais Paulo escreveu uma carta; ele também percorreu a região, junto com a Frígia, fortalecendo os discípulos (Atos 18:23).
39,27° N, 32,98° L
Citado em 6 versículos
Ver página completa
Pessoa
G3138
Marcos
ΜᾶρκοςMa͂rkos
Marcos, também chamado João, foi auxiliar de Barnabé e Paulo na viagem a Chipre e à Panfília, mas os deixou em Perge e voltou a Jerusalém; depois Barnabé o levou consigo a Chipre (Atos 15:39).
Significado: “Martelo, consagrado”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Trôade
Hoje: Dalyan (Trôade), Turquia
ΤρωάςTrōas
Trôade é o lugar onde Paulo e seus companheiros ficaram sete dias, depois de navegarem de Filipos após a Festa dos Pães sem Fermento; de lá também se navegou direto para a Samotrácia (Atos 20:6).
39,75° N, 26,16° L
Citado em 6 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Corinto
Hoje: Corinto, Grécia
ΚόρινθοςKorinthos
Corinto é a cidade onde Paulo ficou um ano e meio ensinando a palavra de Deus e onde muitos creram e foram batizados; havia ali uma igreja de Deus (Atos 18:11).
37,91° N, 22,88° L
Citado em 11 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Mileto
Hoje: Miletus
ΜίλητοςMilētos
Mileto foi o lugar de onde Paulo mandou chamar os presbíteros da igreja de Éfeso e onde Trófimo foi deixado doente; os viajantes chegaram ali depois de passar por Quio e Samos (Atos 20:17).
37,53° N, 27,28° L
Citado em 3 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de 2 Timoteo 4
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.