Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Colosas 1:15-20

OASD Ang Salita ng Diyos

Ang Kataas-taasang Kapangyarihan ng Anak ng Diyos

15 Si Kristo ang larawan ng di-nakikitang Diyos, at siya ang may kapangyarihan sa lahat ng nilikha. 16 Sapagkat sa pamamagitan niya, at para sa kanya, nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, ang nakikita pati rin ang di-nakikita, katulad ng mga espiritung naghahari at namamahala, mga espiritung namumuno at may kapangyarihan. 17 Bago pa man likhain ang anumang bagay, naroon na si Kristo, at sa pamamagitan niya ang lahat ay nananatiling nasa kaayusan. 18 Si Kristo ang ulo ng iglesya1:18 iglesya: Ang ibig sabihin, "mga mananampalataya ni Kristo." na kanyang katawan. Siya ang pinagmulan nito, ang unang nabuhay sa mga patay, nang sa gayoʼy maging pinakadakila siya sa lahat. 19 Sapagkat minabuti ng Diyos na ang pagka-Diyos niya ay manahan nang lubos kay Kristo, 20 at sa pamamagitan ni Kristo, ipagkakasundo sa kanya ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa sa pamamagitan ng dugong itinigis ni Kristo sa krus.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    15 Na 2 Cor. 4:4.siya ang larawan ng 1 Tim. 1:17.Dios na di nakikita, Apoc. 3:14.ang panganay ng lahat ng mga nilalang;

    16 Sapagka’t Juan 1:3.sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga Ef. 1:21.pagsakop o mga Col. 2:10,15.pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan Heb. 2:10.niya at ukol sa kaniya;

    17 At siya’y Juan 1:1.una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya.

    18 At Ef. 1:22,23.siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga’y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang 1 Cor. 15:20,23;Apoc. 1:5.panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan.

    19 Sapagka’t minagaling ng AmaJuan 1:16;Col. 2:9.na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya;

    20 At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, 2 Cor. 5:18.maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Colossenses
Ver todos os capítulos de Colossenses