Pular para o conteúdo
Publicidade

Daniel 9

24 "Isang yugto ng pitumpung pito9:24 Isang yugto ng pitumpung pito: Sa literal, pitong 70. ang itinakda ng Diyos sa banal na lungsod at sa mga kababayan mo upang tigilan nila ang pagrerebelde sa Diyos, upang mapatawad ang kanilang kasalanan, upang mapairal ng Diyos ang walang hanggang katuwiran, upang matupad ang pangitain at propesiya, at upang maihandog na muli ang Pinakabanal na Lugar.

25 "Dapat mong malaman at maintindihan na mula sa panahong iniutos na muling itayo ang Jerusalem hanggang sa pagdating ng pinunong hinirang ng Diyos ay lilipas muna ang apatnapuʼt siyam na taon.9:25 apatnapuʼt siyam na taon: Sa literal, pitong pito. At sa loob ng 434 na taon9:25 434 na taon: Sa literal, pitong 62. ay muling itatayo ang Jerusalem na may mga plasa at tanggulan. Magiging magulo sa panahong iyon. 26 Pagkatapos ng 434 na taon, papatayin ang pinunong hinirang ng Diyos at walang tutulong sa kanya.9:26 at walang tutulong sa kanya: O walang matitira sa kanya. Darating ang isang hari at sisirain ng mga tauhan niya ang bayan at ang templo. At ayon sa itinakda ng Diyos, ang pagwasak at digmaan ay magpapatuloy hanggang sa katapusan. Ang katapusan ay darating na parang baha. 27 Ang haring iyon ay gagawa ng matibay na kasunduan sa napakaraming tao sa loob ng pitong taon. Ngunit pagkatapos ng tatloʼt kalahating taon, patitigilin niya ang mga paghahandog at ilalagay niya ang kasuklam-suklam na bagay na magiging dahilan ng pagpapabaya sa Templo. Mananatili ito roon hanggang sa dumating ang katapusan ng hari na itinakda ng Diyos."

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Veja também