Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Efeso 2:1,4,5,8-10

OASD Ang Salita ng Diyos

Binuhay Kayo Kasama ni Kristo

1 Noong una, itinuring kayong mga patay dahil sa mga pagsuway ninyo at mga kasalanan.

4 Ngunit napakamaawain ng Diyos at napakadakila ng pag-ibig niya sa atin, 5 na kahit itinuring tayong patay dahil sa mga kasalanan natin, muli niya tayong binuhay kasama ni Kristo. (Kaya naligtas tayo dahil lamang sa biyaya ng Diyos.) 8 Sapagkat dahil sa biyaya ng Diyos ay naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Kristo. Kaloob ito ng Diyos, at hindi galing sa inyo. 9 Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, upang walang maipagmalaki ang sinuman. 10 Nilikha tayo ng Diyos; at sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, binigyan niya tayo ng bagong buhay, upang gumawa tayo ng kabutihan na noon paʼy itinalaga na ng Diyos na gawin natin.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    1 At kayo’y binuhay niya, Col. 2:13.nang kayo’y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,

    4 Nguni’t ang Dios, palibhasa’y mayaman sa awa, dahil sa kaniyang malaking pagibig na kaniyang iniibig sa atin,

    5 Bagama’t Rom. 5:6,8,10.tayo’y mga patay dahil sa ating mga kasalanan, Rom. 6:4,5.tayo’y binuhay na kalakip ni Cristo (sa pamamagitan ng biyaya kayo’y nangaligtas),

    8 Sapagka’t sa biyaya tal.5;Rom. 8:24.kayo’y nangaligtas Rom. 4:16.sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito’y hindi sa inyong sarili, Juan 6:44,65.ito’y kaloob ng Dios;

    9 Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, Rom. 11:6.upang ang sinoman ay huwag magmapuri.

    10 Sapagka’t tayo’y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, Ef. 1:4.na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.