Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Efeso 4:17-19

OASD Ang Salita ng Diyos

Ang Bagong Buhay kay Kristo

17 Sa pangalan ng Panginoon, iginigiit kong huwag na kayong mamuhay gaya ng mga taong hindi nakakakilala sa Diyos. Walang kabuluhan ang iniisip nila, 18 dahil nadiliman ang isipan nila sa pag-unawa ng mga espirituwal na bagay. At nawalay sila sa buhay na ipinagkaloob ng Diyos dahil sa kamangmangan nila at katigasan ng kanilang puso. 19 Nawalan na sila ng kahihiyan, kaya nawili sila sa kahalayan at laging sabik na sabik gumawa ng karumihan.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    17 Ito nga ang sinasabi ko, at sinasaksihan sa Panginoon, Ef. 2:2.na kayo’y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil, Rom. 1:21.sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip,

    18 Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, Ef. 2:12.ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa Gawa 17:30;1 Ped. 1:14.kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;

    19 Na sila 1 Tim. 4:2.sa Rom. 1:24,26.di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.