Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Taga-Efeso 6:14-17

OASD Ang Salita ng Diyos

14 Kaya maging handa kayo. Gawin ninyong sinturon ang katotohanan. Isuot ninyo ang pagkamatuwid bilang pananggalang sa dibdib ninyo. 15 Isuot ninyo bilang sapatos ang pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan. 16 Hindi lang iyan, gamitin din ninyo bilang panangga ang pananampalataya ninyo upang hindi kayo tablan ng mga panunukso ni Satanas na parang mga palasong nagliliyab. 17 Isuot ninyo bilang helmet ang tinanggap ninyong kaligtasan, at gamitin ninyo bilang espada ang Salita ng Diyos na kaloob ng Espiritu.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    14 Is. 11:5;1 Ped. 1:13.Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na Is. 59:17;1 Tes. 5:8.may sakbat na baluti ng katuwiran,

    15 At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;

    16 Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.

    17 At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at Heb. 4:12.ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.