10 At sa ikapitong araw ng pagdiriwang, masayang-masaya ang hari dahil sa labis na nainom. Ipinatawag niya sina Mehuman, Bizta, Harbona, Bigta, Abagta, Zetar at Carcas, ang kanyang pitong eunukong nag-aasikaso sa kanya. 11 Ipinasundo niya si Reyna Vasti sa kanila. Ipinasabi niyang isuot ng reyna ang kanyang korona para ipakita ang kagandahan niya sa mga pinuno at mga panauhin, dahil talagang maganda ito. 12 Pero nang masabi ng mga lingkod sa reyna ang gusto ng hari, sinabi nitong ayaw niyang pumunta roon. Kaya lubhang nagalit ang hari sa kanya.
19 "Kaya kung inyong mamarapatin, Mahal na Hari, iminumungkahi naming magpalabas kayo ng isang kautusan at maisusulat ito bilang batas ng Persia at Media na hindi na mababago. Isasaad dito na hindi na maaaring humarap pa sa inyo si Vasti, at papalitan ninyo siya ng reynang higit na karapat-dapat kaysa sa kanya.