25 " ‘Kung maghirap ang inyong kapwa Israelita at napilitan siyang ipagbili ang kanyang lupain, ang pinakamalapít niyang kamag-anak ang tutubos ng lupaing kanyang ipinagbili.
47 " ‘Kung sa labis na kahirapan ay ipinagbili ng isang Israelita ang kanyang sarili bilang alipin sa isang dayuhang naninirahang kasama ninyo, o sa kamag-anak ng dayuhang iyon, 48 ang Israelitang iyon ay maaari pang tubusin kahit nabili na sila. Maaari siyang tubusin ng kanyang kapatid, 49 tiyuhin, pinsan, o sinumang malapít niyang kamag-anak. Maaari ring siya mismo ang tumubos ng kanyang sarili kung kaya na niya.