Pular para o conteúdo
Publicidade

Leviticus 26:14-46

Ang Parusa sa mga Sumusuway

14,15 " ‘Ngunit kung hindi kayo makikinig sa akin, at hindi ninyo susundin ang aking mga utos at tuntunin, nilalabag ninyo ang kasunduan ko sa inyo. 16 Kaya ganito ang gagawin ko sa inyo. Bigla kayong masisindak sa takot dahil padadalhan ko kayo ng mga sakit na hindi gumagaling, at lagnat na magpapadilim ng inyong paningin at magpapahina ng inyong katawan. Magtatanim kayo, pero hindi rin ninyo pakikinabangan dahil sasalakayin kayo ng inyong mga kalaban at kukunin nila at kakainin ang inyong mga ani. 17 Pababayaan ko kayong matalo ng inyong mga kalaban, at kayoʼy sasakupin nitong mga napopoot sa inyo. At dahil sa takot ay tatakas kayo kahit walang humahabol sa inyo.

18 " ‘At kung hindi pa rin kayo makikinig sa akin, parurusahan ko kayo ng pitong beses.26:18 pitong beses: Ang ibig sabihin, pitong beses ang tindi. Ganito rin sa talata 21|LEV 26:21 at 24|LEV 26:24. 19 Aalisin ko ang katigasan ng inyong ulo sa pamamagitan ng hindi pagpapadala ng ulan sa inyo, kaya matitigang ang inyong mga lupain.26:19 hindi … lupain: Sa literal, Gagawin ko ang ulap na gaya ng bakal at ang bukid na gaya ng tanso. 20 Mawawalan ng kabuluhan ang inyong pagbabanat ng buto, dahil wala kayong aanihin sa inyong mga lupain at hindi rin mamumunga ang inyong mga punongkahoy.

21 " ‘At kung patuloy pa rin kayong hindi makikinig sa akin, dadagdagan ko pa ng pitong beses ang tindi ng parusa sa inyo. 22 Padadalhan ko kayo ng mababangis na hayop at papatayin nila ang inyong mga anak at mga alagang hayop. At dahil dito, kakaunti na lang ang matitira sa inyo at iilan-ilan na lang ang makikitang naglalakad sa daan ninyo.

23 " ‘Kung hindi pa rin kayo makikinig at patuloy pa rin na susuway sa akin, 24 ako na ang makakalaban ninyo at parurusahan ko kayo ng pitong beses. 25 Ipapasalakay ko kayo sa inyong mga kalaban para parusahan kayo dahil sa inyong pagsuway sa kasunduan natin. Kahit na magtago kayo sa loob ng inyong lungsod, padadalhan ko pa rin kayo ng salot. At dahil dito, mapipilitan kayong sumuko sa inyong mga kalaban. 26 Kukulangin kayo ng pagkain, kaya iisang kalan ang paglulutuan ng tinapay ng sampung babae at iyon ay paghahati-hatian pa ninyo. Makakakain nga kayo pero hindi kayo mabubusog.

27 " ‘At kung hindi pa rin kayo makikinig at patuloy pang susuway sa akin, 28 magagalit na ako sa inyo at kakalabanin ko kayo, at parurusahan ko kayo ng pitong beses.26:28 pitong beses: Tingnan ang talababa sa 26:18. 29 Mapipilitan kayong kumain ng sarili ninyong anak dahil sa gutom. 30 Wawasakin ko ang inyong mga sambahan sa matataas na lugar, pati na ang mga altar na sunugan ng insenso. Itatapon ko ang inyong mga bangkay sa ibabaw ng mga diyos-diyosan ninyong walang buhay at itatakwil ko kayo. 31 Wawasakin ko ang inyong mga lungsod at mga sambahan. At hindi na ako malulugod sa samyo ng inyong mga handog. 32 Wawasakin ko ang inyong lupain at magtataka ang inyong mga kalaban na sasakop nito. 33 Pasasapitin ko sa inyo ang digmaan at pangangalatin ko kayo sa mga bansa. Mawawasak at magiging walang silbi ang inyong mga bayan at mga lungsod. 34,35 Habang bihag kayo ng inyong mga kalaban sa ibang lugar, makakapagpahinga na ang inyong lupain. Sapagkat noong nakatira pa kayo sa inyong lupain, hindi ninyo ito pinagpahinga kahit na sa panahon ng pagpapahinga ng inyong lupain. Ngunit ngayon ay makakapagpahinga na ito habang nasa ibang lugar kayo.

36,37 " ‘Kayong mga natitirang buháy na binihag at dinala ng inyong mga kalaban sa kanilang lugar ay padadalhan ko ng labis na pagkatakot. At kahit na kaluskos lang ng dahon sa ihip ng hangin ay katatakutan ninyo, tatakas kayong parang hinahabol upang patayin, kahit walang humahabol sa inyo. At habang tumatakas kayo, magbabanggaan kayo at magkakandarapa. Hindi kayo makakalaban sa inyong mga kalaban. 38 Mamamatay kayo sa lugar ng inyong mga kalaban. 39 At ang matitira sa inyoʼy unti-unting mamamatay dahil sa inyong mga kasalanan at sa mga kasalanan ng inyong mga ninuno.

40,41 " ‘Dahil sa inyong pagtataksil at pagsuway sa akin, kinalaban ko kayo at ipinabihag sa inyong mga kalaban. Ngunit kung ipapahayag ninyo ang inyong mga kasalanan at ang kasalanan ng inyong mga ninuno, at titigilan na ang inyong pagmamatigas, at tatanggapin ang mga parusa para sa inyong mga kasalanan, 42 tutuparin ko ang kasunduan ko sa inyong mga ninuno na sina , , at at ibabalik ko kayo sa inyong lupain. 43 Ngunit kinakailangang paalisin ko muna kayo sa inyong lupain bilang parusa sa inyong mga kasalanan dahil sa pagsuway ninyo sa aking mga utos at mga tuntunin. At para makapagpahinga ang lupain ninyo habang wala kayo roon. 44 Ngunit kahit na pinarurusahan ko kayo, hindi ko kayo itatakwil habang kayoʼy nasa lupain ng inyong mga kalaban. Hindi ko kayo lilipulin na walang matitira sa inyo. Sapagkat hindi ko maaaring sirain ang kasunduan ko sa inyo, dahil ako ang Panginoon na inyong Diyos. 45 Tutuparin ko ang kasunduan ko sa inyong mga ninuno na inilabas ko sa Ehipto para maipakita ko sa mga bansa ang aking kapangyarihan. Ginawa ko ito sa inyong mga ninuno para maging Diyos nila ako. Ako ang Panginoon.’ "

46 Ito ang mga utos at mga tuntuning ibinigay ng Panginoon sa mga Israelita roon sa Bundok ng sa pamamagitan ni .

Pessoa
H85
Abraão
אַבְרָהָ֔םavərahamΑβρααμAbraam
Abraão, chamado por Deus, deixou a sua terra rumo a Canaã, recebeu a promessa de ser pai de muitas nações e foi pai de Isaque, o filho da promessa (Gênesis 12:1).
Significado: “Pai de uma multidão”
Ver página completa
Pessoa
H3327
Isaque
יִצְחָ֑קyitsəchoqΙσαακIsaak
Isaque foi o filho que Deus prometeu a Abraão e Sara na velhice; o pai quase o ofereceu em sacrifício no monte Moriá, e ele foi pai de Esaú e Jacó (Gênesis 22:2).
Significado: “Ele ri (riso)”
Ver página completa
Pessoa
H3290
Jacó
יַעֲקֹ֑בyaaqovΙακωβIakob
Jacó, filho de Isaque, comprou de Esaú o direito de primogenitura, lutou com Deus em Peniel e recebeu o nome Israel; seus doze filhos deram origem às tribos (Gênesis 32:28).
Significado: “Aquele que segura pelo calcanhar (suplantador)”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Monte / Elevação
Monte Sinai
Hoje: Jebel Musa
סִינַיsinayΣινᾶSina
O Monte Sinai é o monte onde o Senhor falou com Moisés e lhe deu as duas tábuas do testemunho, tábuas de pedra escritas pelo dedo de Deus (Êxodo 31:18).
28,54° N, 33,97° L
Citado em 30 versículosTb.: Sinai, monte Sinai
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Moisés
מֹשֶׁ֔הmoshehΜωϋσῆςMōüsē͂s
Moisés, levita criado pela filha do faraó, foi chamado por Deus na sarça ardente, tirou Israel da escravidão do Egito e recebeu a lei no monte Sinai (Êxodo 3:4).
Significado: “Tirado das águas”
Ver página completa
Todos os capítulos de Leviticus 27
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.