Pular para o conteúdo
Publicidade

Leviticus 26:3-13

3 " ‘Kung susundin ninyo ang aking mga tuntunin at mga utos, 4 pauulanin ko sa inyong lugar sa tamang panahon para umani ng sagana ang lupain ninyo at mamunga ng marami ang mga punongkahoy. 5 Kaya gigiik kayo ng mga butil hanggang sa panahon ng pamimitas ng ubas, at ang pamimitas naman ng ubas ay magpapatuloy hanggang sa panahon ng paghahasik. Kaya magiging sagana kayo sa inyong pagkain at mamumuhay kayong payapa sa inyong lupain.

6 " ‘Bibigyan ko ng kapayapaan ang inyong lupain kaya makakatulog kayo nang walang kinatatakutan. Palalayasin ko ang mababangis na hayop sa inyong lugar, at walang kalaban na sasalakay sa inyo. 7 Kayo ang sasalakay sa inyong mga kalaban at papatayin ninyo sila. 8 Tatalunin ng lima sa inyo ang isang daan, at ang isang daan sa inyo ay tatalunin ang sampung libo.

9 " ‘Iingatan ko kayo at pararamihin para matupad ko ang aking pangako sa inyo. 10 At dahil sa kasaganaan ng inyong ani, ang inyong kakainin ay mula pa sa dati ninyong inani, na hindi pa nauubos sa lalagyan hanggang sa dumating ang bagong ani na papalit dito. 11 Maninirahan akong kasama ninyo at hindi ko kayo pababayaan. 12 Akoʼy magiging kasama ninyo, at patuloy akong magiging Diyos ninyo, at patuloy kayong magiging mga mamamayan ko. 13 Ako ang Panginoon na inyong Diyos na naglabas sa inyo sa Ehipto upang hindi na kayo alipinin ng mga taga-. Pinalaya ko na kayo, kaya wala na kayong dapat ikahiya.

Lugar Bíblico
Região / Território
Egito
Hoje: Egito (Vale do Nilo)
מִצְרַ֫יִםmitsrayimΑἴγυπτοςAiguptos
Egito é a terra para onde Abrão desceu por causa da fome e para onde Jacó e seus filhos foram. Como o faraó se recusou a deixar Israel sair, o Senhor matou ali todos os primogênitos (Êxodo 13:15).
30,13° N, 31,31° L
Citado em 658 versículos
Ver página completa
Todos os capítulos de Leviticus 27
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.