15 Hindi baʼt pinag-isa kayo ng Diyos sa katawan at sa espiritu para maging kanya?2:15 Hindi … kanya: O Walang taong gagawa ng ganyan kung pinangungunahan siya ng Espiritu kahit papaano. At bakit niya kayo pinag-isa? Sapagkat gusto niyang magkaroon kayo ng mga anak na makadiyos. Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa babaeng pinakasalan ninyo noong inyong kabataan.
16 Sapagkat sinabi ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, "Ayaw kong maghiwalay ang mag-asawa. Kung hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, itoʼy pagmamalupit sa asawang babae," sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa inyong asawa.Panginoon