15 Nang magdapit-hapon na, lumapit kay Hesus ang mga alagad niya at sinabi, "Liblib ang lugar na ito at gumagabi na. Paalisin nʼyo na po ang mga tao nang makapunta sila sa mga karatig-nayon at bayan upang makabili ng pagkain."
16 Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, "Hindi na nila kailangang umalis. Kayo ang magpakain sa kanila."
17 Sumagot sila, "Mayroon lang po tayong limang tinapay at dalawang isda."
18 "Dalhin ninyo ang mga ito sa akin," ang sabi ni Hesus. 19 Inutusan niya ang mga tao na maupo sa damuhan. Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang tinapay at ibinigay sa mga alagad niya para ipamigay sa mga tao. 20 Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang pagkain, at nakapuno sila ng labindalawang kaing. 21 Ang bilang ng mga lalaking kumain ay mga limang libo, maliban pa sa mga babae at mga bata.