Ipinahayag ni Pedro na si Hesus ang Mesias
13 Nang makarating si Hesus sa lupain ng Cesarea na sakop ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, "Ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa Anak ng Tao?"
14 Sumagot sila, "May mga nagsasabi pong si Juan na Tagapagbautismo. May nagsasabi ring si Elias, at ang iba namaʼy nagsasabing si Jeremias o isa sa mga propeta."
15 Tinanong sila ni Hesus, "Ngunit sa inyo, sino ako?"
16 Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Mesias, ang Anak ng Diyos na buháy."