Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 16

Ang Paghingi ng Mahimalang Tanda

Marcos 8:11-13; Lucas 12:54-56

1 May mga Pariseo at mga Saduceo na lumapit kay Hesus para subukin siya. Hiniling nilang magpakita siya ng tanda mula sa Diyos bilang patunay na siya ay sugo ng Diyos.

2 Ngunit sinabi ni Hesus sa kanila, "Kapag palubog na ang araw at mapula ang langit, sinasabi ninyo, ‘Magiging maayos ang panahon bukas.’ 3 At kapag umaga at makulimlim ang langit, sinasabi ninyo, ‘Uulan ngayon.’ Alam ninyo ang kahulugan ng mga palatandaang nakikita ninyo sa langit, ngunit bakit hindi ninyo alam ang kahulugan ng mga nangyayari ngayon? 4 Kayong henerasyon ng masasama at hindi tapat sa Diyos! Humihingi kayo ng tanda, ngunit walang ipapakita sa inyo maliban sa tandang katulad ng nangyari kay ." Pagkatapos, umalis si Hesus.

Ang Pampaalsa ng mga Pariseo at mga Saduceo

Marcos 8:14-21

5 Nang makatawid sina Hesus sa lawa, naalala ng mga alagad niyang hindi sila nakapagbaon ng kahit anong tinapay. 6 Sinabi ni Hesus sa kanila, "Mag-ingat kayo sa pampaalsa16:6 pampaalsa: Ang tinutukoy ni Hesus dito ay ang masasamang ugali ng mga Pariseo at mga Saduceo na maaaring makahawa sa kanila. ng mga Pariseo at mga Saduceo."

7 Nag-usap-usap ang mga alagad ni Hesus. Akala nila, kaya niya sinabi iyon ay dahil wala silang dalang tinapay.

8 Ngunit alam ni Hesus ang pinag-uusapan nila, kaya sinabi niya, "Napakaliit naman ng inyong pananampalataya! Bakit ninyo pinag-uusapan ang hindi ninyo pagdadala ng tinapay? 9 Hindi pa ba kayo nakakaunawa? Nakalimutan na ba ninyo ang ginawa ko sa limang tinapay para mapakain ang limang libong tao? Hindi ba ninyo naalala kung ilang kaing ang napuno ninyo ng mga natirang pagkain? 10 Nakalimutan na rin ba ninyo ang ginawa ko sa pitong tinapay upang mapakain ang apat na libong tao, at kung ilang kaing ang napuno ninyo ng mga natirang pagkain? 11 Hindi ba ninyo naiintindihang hindi tinapay ang tinutukoy ko nang sabihin kong, ‘Mag-ingat kayo sa pampaalsa ng mga Pariseo at mga Saduceo?’ " 12 At saka lang nila naintindihan na hindi pala sila pinag-iingat sa pampaalsa kundi sa mga turo ng mga Pariseo at mga Saduceo.

Ipinahayag ni Pedro na si Hesus ang Mesias

Marcos 8:27-30; Lucas 9:18-21

13 Nang makarating si Hesus sa lupain ng Cesarea na sakop ng Filipos, tinanong niya ang kanyang mga alagad, "Ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa Anak ng Tao?"

14 Sumagot sila, "May mga nagsasabi pong si na Tagapagbautismo. May nagsasabi ring si , at ang iba namaʼy nagsasabing si  o isa sa mga propeta."

15 Tinanong sila ni Hesus, "Ngunit sa inyo, sino ako?"

16 Sumagot si , "Kayo po ang Mesias, ang Anak ng Diyos na buháy."

17 Sinabi ni Hesus sa kanya, "Pinagpala ka ng Diyos, na anak ni Jonas. Sapagkat hindi tao ang nagpahayag sa iyo ng bagay na ito kundi ang aking Amang nasa langit. 18 At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si .16:18 Pedro: Ang ibig sabihin, "bato". At sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya, at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan. 19 Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng Langit. Anuman ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot mo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit." 20 Pagkatapos nito, mahigpit na pinagbilinan ni Hesus ang kanyang mga alagad na huwag ipaalam kahit kanino na siya ang Mesias.

Ipinahayag ni Hesus ang Kanyang Kamatayan

Marcos 8:31–9:1; Lucas 9:22-27

21 Mula noon, ipinaalam na ni Hesus sa mga alagad niya na dapat siyang pumunta sa  at dumanas ng maraming paghihirap sa kamay ng mga pinuno ng mga Hudyo, ng mga namamahalang pari at ng mga tagapagturo ng Kautusan. At siyaʼy ipapapatay nila, ngunit sa ikatlong araw ay muli siyang mabubuhay.

22 Kaya dinala ni Pedro si Hesus sa isang tabi at sinabihan, "Huwag sanang ipahintulot ng Diyos, Panginoon! Hindi ito kailanman mangyayari sa inyo!"

23 Hinarap ni Hesus si at sinabi, "Lumayo ka saʼkin, Satanas! Pinipigilan mo akong gawin ang kalooban ng Diyos, dahil hindi ayon sa kalooban ng Diyos ang iniisip mo kundi ayon sa kalooban ng tao!"

24 At sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, "Ang sinumang gustong maging alagad ko ay kinakailangang itakwil ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. 25 Sapagkat ang sinumang naghahangad na iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakaroon nito. 26 Ano naman ang mapapala ng tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, ngunit mapapahamak naman ang kanyang buhay? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay? 27 Sapagkat ang Anak ng Tao ay darating kasama ang mga anghel, at taglay ang dakilang kapangyarihan ng Ama. Sa araw na iyon, gagantimpalaan niya ang bawat isa ayon sa kanyang mga gawa.

28 "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hanggaʼt hindi nila nakikita ang Anak ng Tao na dumarating bilang Hari."

Pessoa
H3124
Jonas
יוֹנָהyonah
Jonas, filho de Amitai, foi o profeta de Gate-Héfer que fugiu do Senhor rumo a Társis, foi lançado ao mar e depois proclamou em Nínive que a cidade seria destruída em quarenta dias (Jonas 3:4).
Citado em 24 versículos
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
João
ἸωάννηςI̓ōánnēsיוֹחָנָןyochanan
João Batista, filho de Zacarias e Isabel, pregou no deserto o arrependimento, batizou Jesus no Jordão e foi decapitado por ordem de Herodes (Mateus 3:1).
Significado: “O Senhor é gracioso”
Ver página completa
Pessoa
H452
Elias
אֵלִיָּהוּeliyahu
Elias, o tesbita, profeta em Israel nos dias de Acabe, enfrentou os profetas de Baal no monte Carmelo e foi levado ao céu num redemoinho (2 Reis 2:11).
Significado: “O Meu Deus é o Senhor (Javé)”
Ver página completa
Pessoa
Tribo de Levi
Jeremias
ΙερεμιουIeremiouיִרְמְיָהוּyirəmyahu
Jeremias, sacerdote de Anatote, profetizou a Judá nos últimos dias do reino, anunciou a destruição de Jerusalém pela Babilônia e foi perseguido e preso por isso (Jeremias 1:1).
Significado: “O Senhor exalta / estabelece”
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Jerusalém
Hoje: Jerusalém, Israel
ἹερουσαλήμHierousalēmיְרוּשָׁלִַ֫םyerushalaim
Jerusalém é a cidade do templo de Deus, onde moraram filhos de Judá e de Benjamim; o exército babilônio derrubou os muros da cidade (2 Reis 25:10).
31,78° N, 35,23° L
Citado em 955 versículos
Ver página completa
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Significado: “Pedra, rocha”
Ver página completa
Todos os capítulos de Mateo 28
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.