Ang Pampaalsa ng mga Pariseo at ni Herodes
14 Nakalimutan ng mga alagad ni Hesus na magdala ng tinapay. Iisa lang ang baon nilang tinapay sa bangka. 15 Sinabi ni Hesus sa kanila, "Mag-ingat kayo sa pampaalsa8:15 pampaalsa: Ang tinutukoy ni Hesus dito ay ang masasamang ugali ng mga Pariseo at ni Herodes na maaaring makahawa sa kanila. ng mga Pariseo at ni Herodes."
16 Nag-usap-usap ang mga alagad ni Hesus. Akala nila, kaya niya sinabi iyon ay dahil wala silang dalang tinapay.
17 Alam ni Hesus kung ano ang pinag-uusapan nila kaya sinabi niya sa kanila, "Bakit kayo nagtatalo-talo na wala kayong dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaunawa? Hindi ba ninyo ito naiintindihan? Matigas pa rin ba ang mga puso ninyo? 18 May mga mata kayo, pero hindi kayo makakita. May mga tainga kayo, pero hindi kayo makarinig. Nakalimutan nʼyo na ba 19 nang pagpira-pirasuhin ko ang limang tinapay para sa limang libong tao? Ilang kaing ang natira?"
Sumagot sila, "Labindalawa po!"
20 Nagtanong pa si Hesus, "At nang pagpira-pirasuhin ko ang pitong tinapay para sa apat na libong tao, ilang kaing ang natira?"
Sumagot sila, "Pito po!"
21 At sinabi ni Hesus sa kanila, "Hindi nʼyo pa rin ba nauunawaan?"