1 Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Hesus si Pedroat ang magkapatid na Santiagoat Juansa isang mataas na bundok nang sila-sila lang. 2 At habang nakatingin sila kay Hesus, nagbago ang kanyang anyo. Nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at ang damit niyaʼy naging puting-puti na parang liwanag. 3 Biglang nagpakita sa kanila sina Eliasat Moisesna nakikipag-usap kay Hesus.
4 Sinabi ni Pedrokay Hesus, "Panginoon, mabutiʼt narito tayo. Kung gusto nʼyo po, gagawa ako ng tatlong kubol: isa para sa inyo, isa para kay Moisesat isa para kay Elias."
5 Habang nagsasalita pa si Pedro, nabalot sila ng nakakasilaw na ulap. At may narinig silang tinig mula sa mga ulap na nagsasabi, "Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan. Pakinggan ninyo siya!"
6 Nang marinig iyon ng mga alagad, nagpatirapa sila sa takot. 7 Ngunit nilapitan sila ni Hesus at hinawakan. Sinabi niya, "Tumayo kayo. Huwag kayong matakot." 8 Pagtingin nila, wala na silang ibang nakita kundi si Hesus na lang.
9 Nang pababa na sila sa bundok, sinabihan sila ni Hesus, "Huwag ninyong sasabihin kahit kanino ang inyong nakita hanggaʼt ang Anak ng Tao ay hindi pa muling binubuhay."
10 Kaya tinanong siya ng kanyang mga alagad, "Bakit sinasabi po ng mga tagapagturo ng Kautusan na kailangan daw munang dumating si Eliasbago dumating ang Mesias?"
11 Sumagot si Hesus, "Totoo ʼyan, kailangan ngang dumating muna si Eliaspara ihanda ang lahat ng bagay. 12 Ngunit sinasabi ko sa inyo: dumating na si Elias. Kaya lang hindi siya nakilala ng mga tao at ginawa nila ang gusto nilang gawin sa kanya. Ganyan din ang gagawin nila sa Anak ng Tao, pahihirapan din nila." 13 At naunawaan ng mga alagad niya na ang tinutukoy niyaʼy si Juanna Tagapagbautismo.
Pinagaling ni Hesus ang Batang Sinasapian ng Demonyo
14 Pagbalik nina Hesus sa kinaroroonan ng maraming tao, lumapit sa kanya ang isang lalaki, lumuhod ito sa kanyang harapan at sinabi, 15 "Panginoon, maawa po kayo sa aking anak. May epilepsiya po siya at labis ang paghihirap niya kapag sinusumpong. Madalas siyang matumba sa apoy at madalas din siyang mahulog sa tubig. 16 Dinala ko siya sa mga alagad nʼyo, ngunit hindi po nila mapagaling."
17 Sumagot si Hesus, "Kayong henerasyon ng mga walang pananampalataya at baluktot ang pag-iisip! Hanggang kailan pa ba ako mananatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ba ako magtitiis sa inyo? Dalhin nʼyo rito ang bata!" 18 Sinaway ni Hesus ang masamáng espiritu at lumabas ito sa bata. At gumaling ang bata noon din.
19 Nang sila-sila na lang, lumapit kay Hesus ang kanyang mga alagad at nagtanong, "Bakit hindi po namin mapalayas ang demonyo?"
20 Sumagot si Hesus, "Dahil mahina ang pananampalataya ninyo. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung may pananampalataya kayo na kahit kasinlaki lang ng buto ng mustasa, masasabi ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon!’ at lilipat nga ito. Walang bagay na hindi ninyo magagawa. [ 21 Ngunit ang ganoong uri ng demonyo ay mapapalayas lang sa pamamagitan ng panalangin at pag-ayuno.]"17:21 Wala ang talatang ito sa ilang manuskrito.
22 Habang nagtitipon sina Hesus at ang mga alagad niya sa Galilea, sinabi ni Hesus sa kanila, "Ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo sa kamay ng mga tao. 23 Papatayin siya, ngunit mabubuhay siyang muli sa ikatlong araw." At labis itong ikinalungkot ng mga alagad ni Hesus.
Pagbabayad ng Buwis para sa Templo
24 Pagdating nila sa Capernaum, lumapit kay Pedroang mga maniningil ng buwis at nagtanong, "Nagbabayad ba ng buwis para sa Templo ang inyong guro?"
25 Sumagot si Pedro, "Oo, nagbabayad siya."
Nang makabalik si Pedrosa tinutuluyan nila, tinanong siya ni Hesus, "Ano sa palagay mo, Pedro? Kanino nangongolekta ng mga buwis ang mga hari, sa mga anak nila o sa ibang tao?"
26 Sumagot si Pedro, "Sa ibang tao po."
Sinabi ni Hesus, "Kung ganoon, nangangahulugan na hindi kailangang magbayad ng buwis ang mga anak. 27 Ngunit kung hindi tayo magbabayad, baka sumama ang loob nila sa atin. Kaya pumunta ka sa lawa at mamingwit. Ibuka mo ang bibig ng unang isdang mahuhuli mo at makikita mo roon ang perang sapat na pambayad sa buwis nating dalawa. Kunin mo ito at ibayad sa mga nangongolekta ng buwis para sa Templo."
Pessoa
G4074
Pedro
ΠέτροςPétrosכֵּיפָאkeyfa
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Tiago, filho de Zebedeu e irmão de João, foi um dos doze apóstolos, chamado por Jesus junto ao mar da Galileia, e morreu à espada por ordem de Herodes (Atos 12:2).
João, filho de Zebedeu e irmão de Tiago, deixou o barco do pai para seguir Jesus, foi um dos doze apóstolos e esteve com ele na transfiguração (Marcos 1:19).
Elias, o tesbita, profeta em Israel nos dias de Acabe, enfrentou os profetas de Baal no monte Carmelo e foi levado ao céu num redemoinho (2 Reis 2:11).
Moisés, levita criado pela filha do faraó, foi chamado por Deus na sarça ardente, tirou Israel da escravidão do Egito e recebeu a lei no monte Sinai (Êxodo 3:4).
Pedro, chamado Simão, pescador da Galileia, foi um dos doze apóstolos; confessou Jesus como o Cristo, negou-o três vezes e depois pregou no Pentecostes (Mateus 16:16).
Moisés, levita criado pela filha do faraó, foi chamado por Deus na sarça ardente, tirou Israel da escravidão do Egito e recebeu a lei no monte Sinai (Êxodo 3:4).
Elias, o tesbita, profeta em Israel nos dias de Acabe, enfrentou os profetas de Baal no monte Carmelo e foi levado ao céu num redemoinho (2 Reis 2:11).
Elias, o tesbita, profeta em Israel nos dias de Acabe, enfrentou os profetas de Baal no monte Carmelo e foi levado ao céu num redemoinho (2 Reis 2:11).
Elias, o tesbita, profeta em Israel nos dias de Acabe, enfrentou os profetas de Baal no monte Carmelo e foi levado ao céu num redemoinho (2 Reis 2:11).
Elias, o tesbita, profeta em Israel nos dias de Acabe, enfrentou os profetas de Baal no monte Carmelo e foi levado ao céu num redemoinho (2 Reis 2:11).
João Batista, filho de Zacarias e Isabel, pregou no deserto o arrependimento, batizou Jesus no Jordão e foi decapitado por ordem de Herodes (Mateus 3:1).
A Galileia é a terra de Nazaré e de Caná, de onde Jesus veio para ser batizado por João no Jordão e de onde o seguiram multidões e mulheres (Marcos 1:9).
Cafarnaum é a cidade da Galileia, junto ao mar, onde Jesus foi viver ao deixar Nazaré; ali ele ensinou na sinagoga, e um centurião lhe pediu ajuda (Mateus 4:13).