Pular para o conteúdo
Publicidade

Lucas 9:28-36

28 Mga walong araw matapos sabihin ni Hesus iyon, isinama niya sina Pedro, Juan at Santiago sa isang bundok upang manalangin. 29 Habang nananalangin si Hesus, nagbago ang anyo ng kanyang mukha. Ang damit niya ay naging puting-puti at nakakasilaw tingnan. 30 Biglang nagpakita ang dalawang lalaki, sina Moises at Elias, at nakipag-usap sa kanya. 31 Nakakasilaw din ang kanilang anyo, at ang pinag-uusapan nila ni Hesus ay ang tungkol sa kanyang kamatayan na malapit nang maganap sa Jerusalem. 32 Tulog na tulog noon sina Pedro, pero nang magising sila, nakita nila ang nagliliwanag na anyo ni Hesus at ang dalawang lalaking nakatayo sa tabi niya. 33 Nang paalis na ang dalawang lalaki, sinabi ni Pedro kay Hesus, "Guro, mabuti poʼt narito kami9:33 kami: O tayo.. Gagawa po kami ng tatlong kubol: isa para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias." (Ang totoo, hindi niya alam ang sinasabi niya.)

34 At habang nagsasalita pa si Pedro, tinakpan sila ng ulap at natakot sila. 35 May narinig silang tinig mula sa ulap na nagsasabi, "Ito ang aking Anak, na aking pinili. Pakinggan ninyo siya!" 36 Nang tumigil ang tinig, nakita nilang mag-isa na lang si Hesus. Hindi muna nila sinabi kahit kanino ang mga nasaksihan nila noong mga panahong iyon.

Nagpagaling si Hesus ng Batang Sinasaniban

(Mat. 17:14-18; Mar. 9:14-27)

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.