Ang Pinakadakila sa Kaharian ng Langit
1 Nang oras ding iyon, lumapit kay Hesus ang kanyang mga alagad at nagtanong, "Sino po ba ang pinakadakila sa kaharian ng Langit?"
2 Tinawag ni Hesus ang isang maliit na bata at pinatayo sa harapan nila, 3 at sinabi, "Sinasabi ko sa inyo ang totoo, kung hindi kayo magbabago at magiging tulad ng maliliit na bata, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng Langit. 4 Ang sinumang nagpapakababa tulad ng batang ito ang siyang pinakadakila sa kaharian ng Langit.