Kung Magkasala ang Isang Kapatid
15 "Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan. Pagsabihan mo siya tungkol sa ginawa niya. Kung makikinig siya sa iyo, magkakaayos kayong muli at mapapanumbalik ang inyong magandang samahan. 16 Subalit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka ng isa o dalawa pa upang ang lahat ng mapag-usapan ay mapapatotohanan ng dalawa o tatlong saksi18:16 mapag-usapan ay mapapatotohanan ng dalawa o tatlong saksi. Deu. 19:15.. 17 Kung ayaw niyang makinig sa kanila, ipaalam ito sa iglesya, at kung pati sa iglesya ay ayaw niyang makinig, ituring ninyo siya bilang isang taong hindi kumikilala sa Diyos o isang tiwaling maniningil ng buwis.