Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 20

Ang Kahilingan ng Isang Ina

20 Pagkatapos nito, lumapit kay Hesus ang ina ni Santiago at ni Juan na mga anak ni Zebedeo, kasama ang kanyang mga anak. Lumuhod siya kay Hesus dahil may gusto siyang hilingin.

21 Tinanong siya ni Hesus, "Ano ang gusto mo?"

Sumagot siya, "Kung maaari po sana, kapag naghahari na kayo, paupuin nʼyo ang dalawa kong anak sa tabi nʼyo; isa sa kanan at isa sa kaliwa."

22 Ngunit sinagot sila ni Hesus, "Hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Kaya ba ninyong inumin ang nasa kopang iinuman ko?"

Sumagot sila, "Opo, kaya namin."

23 Sinabi ni Hesus, "Maaaring iinom nga kayo sa kopang iinuman ko, ngunit hindi ako ang pumipili kung sino ang uupo sa kanan o sa kaliwa ko. Ang mga itoʼy para sa mga taong pinaglaanan ng aking Ama."

Veja também