Ang Pagmamalasakit ni Hesus sa Templo
12 Pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati. 13 Sinabi niya sa kanila, "Sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan.’21:13 Isa. 56:7. Ngunit ginawa ninyong ‘pugad ng mga tulisan!’21:13 Jer. 7:11."