Pular para o conteúdo
Publicidade

Mateo 21:12-17

OASD Ang Salita ng Diyos

Ang Pagmamalasakit ni Hesus sa Templo

12 Pumasok si Hesus sa patyo ng Templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda at namimili roon. Itinaob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng pera at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati. 13 Sinabi niya sa kanila, "Sinasabi ng Diyos sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan.’21:13 Isa. 56:7. Ngunit ginawa ninyong ‘pugad ng mga tulisan!’21:13 Jer. 7:11."

14 May mga bulag at pilay na lumapit kay Hesus doon sa Templo, at pinagaling niya silang lahat. 15 Nagalit ang mga namamahalang pari at mga tagapagturo ng Kautusan nang makita nila ang mga himalang ginawa ni Hesus, at nang marinig nila ang mga batang sumisigaw doon sa Templo ng, "Purihin ang Anak ni David!"

16 Sinabi nila kay Hesus, "Naririnig mo ba ang sinasabi nila?"

Sumagot si Hesus, "Oo. Hindi ba ninyo nabasa ang sinasabi ng Kasulatan? Sinabi doon,

Kahit ang mga bata at sanggol

ay tinuruan ng Diyos na magpuri sa kanya."21:16 Salmo 8:2. Ito ay hango sa saling Septuagint.

17 Pagkatapos, iniwan sila ni Hesus. Lumabas siya ng lungsod at nagpunta sa , at doon siya nagpalipas ng gabi.

Lugar Bíblico
Cidade / Povoado
Betânia
Hoje: Al Eizariya
ΒηθανίαBēthania
Betânia é o povoado de Lázaro, de Maria e de sua irmã Marta, a cerca de quinze estádios de Jerusalém; Jesus passou ali a noite e esteve na casa de Simão, o leproso (João 11:1).
31,77° N, 35,26° L
Citado em 12 versículos
Ver página completa

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    12 At pumasok si Jesus sa templo ng Dios, at itinaboy niya ang lahat na nangagbibili at nangamimili sa templo, at ginulo niya ang mga dulang ng mga mamamalit ng salapi, at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati;

    13 At sinabi niya sa kanila, Nasusulat, Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan, datapuwa’t ginagawa ninyong yungib ng mga tulisan.

    14 At nagsilapit sa kaniya sa templo ang mga bulag at mga pilay, at sila’y kaniyang pinagaling.

    15 Datapuwa’t nang makita ng mga pangulong saserdote at ng mga eskriba ang mga katakatakang bagay na kaniyang ginawa, at ang mga batang nagsisigawan sa templo at nangagsasabi, Hosana sa Anak ni David; ay nangagalit sila,

    16 At sinabi nila sa kaniya, Naririnig mo baga ang sinasabi ng mga ito? At sinabi sa kanila ni Jesus, Oo: kailan man baga’y hindi ninyo nabasa, Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong nilubos ang pagpupuri?

    17 At sila’y kaniyang iniwan, at pumaroon sa labas ng bayan sa Betania, at nakipanuluyan doon.

Direitos das traduções citadas
Todos os capítulos de Mateo 28
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.