29 "Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan,
‘magdidilim ang araw,
hindi na magliliwanag ang buwan,
at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit.
Ang mga kapangyarihan sa kalawakan ay mayayanig.’24:29 Isa. 13:10; 34:4.
30 "Pagkatapos, makikita sa langit ang tanda ng kanyang pagbabalik, at maghihinagpis ang lahat ng tao sa mundo dahil dito. At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na mula sa ulap na taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian. 31 Sa malakas na tunog ng trumpeta ay ipapadala niya ang kanyang mga anghel sa lahat ng lugar sa mundo upang tipunin ang kanyang mga pinili.