3 Habang nakaupo si Hesus sa Bundok ng mga Olibo, lumapit sa kanya ang mga alagad niya at nakipag-usap nang sarilinan. Sinabi nila, "Sabihin nʼyo po sa amin kung kailan mangyayari ang sinabi nʼyo. At ano po ang palatandaan ng muli nʼyong pagparito at ng katapusan ng mundo?"
4 Sumagot si Hesus, "Mag-ingat kayo upang hindi kayo malinlang ninuman. 5 Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan at sasabihing sila ang Mesias, at marami ang kanilang ililigaw. 6 Makakarinig kayo ng mga digmaan, at usap-usapan na may mga digmaan, ngunit huwag kayong matakot. Kinakailangang mangyari ang mga ito, ngunit hindi pa ito ang katapusan.