38 at sinabi niya sa kanila, "Para akong mamamatay sa labis na kalungkutan. Dito lang kayo at samahan ninyo akong magpuyat."
39 Lumayo siya nang kaunti, nagpatirapa at nanalangin, "Aking Ama, kung maaari po ay ilayo nʼyo sana sa akin ang mga paghihirap26:39 ang mga paghihirap na darating: Sa literal, kopa. Ganito rin sa talata 42|MAT 26:42. na darating. Ngunit hindi ang kalooban ko ang masusunod kundi ang kalooban ninyo."