23 Nang dumating na si Hesus sa bahay ng namumuno sa sinagoga, nakita niya ang mga manunugtog ng plauta sa libing at ang maraming taong nagkakagulo. 24 Sinabi niya, "Magsilabas kayo! Hindi patay ang bata kundi natutulog lang." Ngunit pinagtawanan lamang siya ng mga ito. 25 Nang mapalabas na ang mga tao, pumasok siya at hinawakan sa kamay ang bata, at bumangon ito.