Ang Galit ng Panginoon sa Nineve
2 Ayaw ng Panginoong Diyos
na sumamba ang mga tao
sa ibang mga diyos.1:2 Ayaw … diyos: Sa literal, Ang Panginoon ay mapanibughuing Diyos.
Galit siya sa kanyang mga kaaway
at pinaghihigantihan niya sila.
3 Ang Panginoon
ay hindi madaling magalit,
ngunit dakila ang kanyang kapangyarihan
at tiyak na parurusahan niya ang nagkasala.
Kapag dumadaan siya,
umuugong ang hangin at bumabagyo.
Ang mga ulap ay parang alikabok
sa kanyang mga paa.
4 Sa utos lamang niyaʼy natutuyo
ang mga dagat at mga ilog.
Nalalanta ang mga tanim sa Bashan,
sa Bundok ng Carmel at sa Lebanon.
5 Nayayanig ang mundo sa kanyang presensya,
pati na ang mga bundok at mga burol,
at ang mga tao sa mundo ay nanginginig.
6 Sino ang makakatagal
sa matinding galit ng Panginoon?
Kapag siya ay nagalit,
para siyang bumubuga ng apoy,
at ang mga bato ay nabibiyak sa harap niya.
7 Ang Panginoon ay mabuti;
matibay siyang kanlungan
sa oras ng kagipitan,
at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya.
8 Sa pamamagitan ng rumaragasang baha
Pupuksain niya ang Nineve.
Tutugisin niya sila hanggang sa mamatay.1:8 hanggang sa mamatay: Sa literal, hanggang sa kailaliman; ang ibig sabihin, ang lugar ng mga patay.