Pular para o conteúdo
Publicidade

Nahum 3:8-10

OASD Ang Salita ng Diyos

8 Higit bang mabuti ang Nineve

kaysa sa lungsod ng Tebes

na malapit sa Ilog Nilo?

Ang ilog na ito ang pinakapader ng Tebez

na nagsisilbing proteksyon nito.

9 Ang Etiopia3:9 Etiopia: Sa Hebreo, Cush. at ang buong Ehipto

ang pinanggagalingan ng lakas ng Tebez,

at ang akala niyaʼy mananatili ito

magpakailanman.

Ang Put at ang Libya

ay mga bansang kakampi rin niya.

10 Ganoon pa man, naging bihag pa rin

ang kanyang mga mamamayan

at dinala sa ibang lugar.

Ang kanilang mga anak

ay pinagdudurog sa mga lansangan.

Ginapos ng kadena ang kanilang

mga tinitingalang mamamayan

at pinaghiwa-hiwalay para gawing alipin

sa pamamagitan ng palabunutan.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    8 Ikaw baga’y mabuti pa sa Noamon, Jer. 46:25.na natatayo sa gitna ng mga ilog, na may tubig sa palibot niya; na ang katibaya’y ang dagat, at ang kaniyang kuta ay nasa dagat?

    9 Etiopia at Egipto ang kaniyang mga naging katibayan, at walang hanggan; Ezek. 27:10.Phut at 2 Cron. 12:3.Lubim ang iyong mga naging katulong.

    10 Gayon ma’y siya’y nadala, siya’y pumasok sa pagkabihag; ang kaniyang mga anak naman ay pinagputolputol sa dulo ng lahat ng mga lansangan; at pinagsapalaran ang kaniyang mga marangal na tao, at ang lahat niyang mahal na tao ay nangasabiran ng mga tanikala.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

Naum
Ver todos os capítulos de Naum