Pular para o conteúdo
Publicidade

Zacarias 11

1 Kayong mga taga-,

buksan ninyo ang mga pintuan

ng inyong lungsod

upang makapasok ang apoy na susunog

sa inyong mga puno ng sedro.

2 Tumangis kayo!

Sapagkat kung paanong natumba

ang matatayog ninyong mga puno ng sedro,

ganoon din masisira ang mga puno ng sipres

at mga puno ng ensina ng .11:2 Ang mga punong binanggit dito ay sumisimbolo sa mga makapangyarihang bansa o sa mga hari nito.

3 Umiiyak ang mga pastol

dahil nasira ang kanilang berdeng pastulan.

Pati ang mga leon11:3 mga pastol … leon: Ang ibig sabihin, mga pinuno ng Israel. ay umaatungal

dahil nasira ang lambak ng

na kanilang tinitirhan.

Ang Dalawang Pastol

4 Ito ang sinabi ng Panginoon kong Diyos: "Alagaan mo ang mga tupang11:4 mga tupang: Ang ibig sabihin, mga taga-Israel. kakatayin. 5 Kinakatay sila ng mga bumibili sa kanila at hindi napaparusahan ang mga ito. Ang mga nagtitinda naman sa kanila ay nagsasabi, ‘Purihin ang Panginoon! Mayaman na ako!’ Pati ang kanilang mga pastol ay hindi naaawa sa kanila. 6 Sapagkat hindi ko na rin kahahabagan ang mga nakatira sa lupaing ito," sabi ng Panginoon. "Ipapaubaya ko ang bawat tao sa kamay ng kanyang kapwa at ng kanyang hari. Ipapahamak nila ang lupaing ito, at hindi ko ito ililigtas sa kanilang mga kamay."

7 Kaya inalagaan ko ang mga tupang kakatayin ng mga nagbebenta ng mga tupa.11:7 mga tupa: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, lalung-lalo na ang mga walang silbing tupa. Kumuha ako ng dalawang tungkod; ang isa ay tinawag kong Kabutihan11:7 Kabutihan: O Maganda. at ang isa naman ay tinawag kong Pagkakaisa. 8 Pinaalis ko ang tatlong pastol sa loob lamang ng isang buwan.

Naubos na ang pasensya ko sa kanila,11:8 sa kanila: O sa mga tupa. at sila rin ay galit sa akin. 9 Pagkatapos, sinabi ko sa mga tupa, "Hindi na ako ang inyong pastol. Hayaang mamatay ang mga naghihingalo at mapahamak ang mga mapapahamak. At ang mga matitira ay hayaang kainin ang laman ng isaʼt isa."

10 Pagkatapos, kinuha ko ang tungkod na tinatawag na Kabutihan at binali ko upang ipahiwatig na ipinawalang-bisa ng Panginoon ang kanyang kasunduan sa mga tao. 11 Kaya ng araw ding iyon, ipinawalang-bisa ang kasunduan. At nalaman ng mga nagbebenta ng mga tupa11:11 mga nagbebenta ng mga tupa: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, mga walang silbi. na nanonood sa akin na may mensahe ang Panginoon sa mga ginagawa kong ito.

12 Sinabi ko sa kanila, "Kung sa palagay ninyo ay dapat akong bigyan ng sahod, ibigay ninyo ang sahod ko. Ngunit kung hindi, sa inyo na lang." Kaya binayaran nila ako ng tatlumpung pirasong pilak bilang sahod ko.

13 Sinabi ng Panginoon sa akin, "Ilagay mo ang pilak na iyan sa kabang-yaman11:13 kabang-yaman: Ito ang nasa Syriac. Sa Hebreo, mamamalayok. ng Templo." Kaya kinuha ko ang tatlumpung pirasong pilak, na inaakala nilang sapat na bilang aking sahod, at inilagay ko iyon sa kabang-yaman ng templo ng Panginoon.

14 Pagkatapos, binali ko ang pangalawang tungkod na tinatawag na Pagkakaisa upang ipahiwatig na naputol na ang magandang pagsasamahan ng Juda at ng Israel.

15 Sinabing muli ng Panginoon sa akin, "Magkunwari kang isang walang kuwentang pastol ng mga tupa. 16 Sapagkat may ilalagay akong isang pastol sa lupaing ito na hindi aalalahanin ang mga naghihingalo, o hahanapin ang mga nawawala,11:16 nawawala: Ito ang Septuagint at Latin Vulgate. Sa Hebreo, batang tupa. o gagamutin ang mga sugatan, o pakakainin ang malulusog. Sa halip, kakainin niya ang karne ng matatabang tupa at bubunutin ang mga kuko ng mga ito.

17 Kahabag-habag ang walang kuwentang pastol,

na nagpabaya sa mga tupa!

Nawaʼy putulin ng espada

ang kanyang kamay

at tusukin nito

ang kanyang kanang mata!

Nawaʼy lubusang matuyot

ang kanyang kamay

at tuluyang mabulag

ang kanyang kanang mata."

Lugar Bíblico
Região / Território
Líbano
Hoje: Jezzine
לְבָנוֹןlevanon
O Líbano é uma terra de montanhas e cedros, de onde se cortava madeira com a ajuda dos sidônios e onde Salomão construiu o que quis, além de Jerusalém e do resto de seu domínio (1 Reis 9:19).
33,54° N, 35,58° L
Citado em 57 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Região / Território
Basã
Hoje: Saham al Jawlan
בָּשָׁןbashan
Basã é a terra do reino de Ogue, que reinou em Astarote e Edrei e foi derrotado por Moisés. Coube à tribo de Manassés, e nela ficava Golã, cidade de refúgio (Josué 13:12).
32,78° N, 35,93° L
Citado em 53 versículos
Ver página completa
Lugar Bíblico
Rio / Ribeiro
Jordão
Hoje: Rio Jordão
יַרְדֵּןyardenἸορδάνηςIordanēs
Jordão é o rio em cujo meio Josué ergueu doze pedras, onde pararam os sacerdotes que levavam a arca da aliança. A fronteira da terra descia ao longo do rio até o mar Salgado (Josué 4:9).
31,76° N, 35,56° L
Citado em 202 versículosTb.: rio Jordão
Ver página completa
Todos os capítulos de Zacarias 14
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.