Publicidade

1 Coríntios 7

1 At tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin: Mabuti sa lalake ay huwag humipo sa babae. 2 Datapuwa't, dahil sa mga pakikiapid, ang bawa't lalake ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa, at bawa't babae ay magkaroon ng kaniyang sariling asawa. 3 Ibigay ng lalake sa asawa ang sa kaniya'y nararapat: at gayon din naman ang babae sa asawa. 4 Ang babae ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa: at gayon din naman ang lalake ay walang kapangyarihan sa kaniyang sariling katawan, kundi ang asawa. 5 Huwag magpigil ang isa't isa, maliban kung pagkasunduan sa ilang panahon, upang kayo'y mamalagi sa pananalangin, at muling kayo'y magsama, baka kayo'y tuksuhin ni Satanas dahil sa inyong kawalan ng pagpipigil. 6 Nguni't ito'y sinasabi ko na parang payo, hindi sa utos. 7 Kaya't ibig ko sana, na ang lahat ng tao ay maging gaya ko. Nguni't ang bawa't tao'y mayroong kanikaniyang kaloob na mula sa Dios, ang isa'y ayon sa paraang ito, at ang iba'y ayon sa paraan yaon. 8 Datapuwa't sinasabi ko sa mga walang asawa, at sa mga babaing bao, Mabuti sa kanila kung sila'y magsipanatiling gayon sa makatuwid baga'y gaya ko. 9 Nguni't kung sila'y hindi makapagpigil, ay magsipagasawa: sapagka't magaling ang magasawa kay sa mangagningas ang pita. 10 Datapuwa't sa mga may asawa ay aking ipinaguutos, Nguni't hindi ako, kundi ang Panginoon, na ang babae ay huwag humiwalay sa kaniyang asawa. 11 (Datapuwa't kung siya'y humiwalay, ay manatiling walang asawa, o kaya'y makipagkasundo sa kaniyang asawa); at huwag hiwalayan ng lalake ang kaniyang asawa. 12 Datapuwa't sa iba, ay ako ang nagsasabi, hindi ang Panginoon: Kung ang sinomang kapatid na lalake ay may asawang hindi sumasampalataya, at kung kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan. 13 At ang babaing may asawang hindi sumasampalataya, at kalooban niyang makipamahay sa kaniya, ay huwag niyang hiwalayan ang kaniyang asawa. 14 Sapagka't ang lalaking hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa, at ang babaing hindi sumasampalataya ay nagiging banal sa pamamagitan ng kaniyang asawa: sa ibang paraa'y ang inyong mga anak ay nangagkaroon ng kapintasan; nguni't ngayo'y mga banal. 15 Gayon ma'y kung humiwalay ang hindi sumasampalataya, ay bayaan siyang humiwalay: ang kapatid na lalake o kapatid na babae ay hindi natatali sa mga ganitong bagay: kundi sa kapayapaan kayo tinawag ng Dios. 16 Sapagka't paanong malalaman mo, Oh babae, kung maililigtas mo ang iyong asawa? o paanong malalaman mo, Oh lalake, kung maililigtas mo ang iyong asawa? 17 Ayon nga lamang sa ipinamahagi ng Panginoon sa bawa't isa, at ayon sa pagkatawag ng Dios sa bawa't isa, ay gayon siya lumakad. At gayon ang iniuutos ko sa lahat ng mga iglesia. 18 Tinawag baga ang sinomang taong tuli na? huwag siyang maging di tuli. Tinawag baga ang sinomang di tuli? huwag siyang maging tuli. 19 Ang pagtutuli ay walang anoman, at ang di pagtutuli ay walang anoman; kundi ang pagtupad sa mga utos ng Dios. 20 Bayaang ang bawa't isa'y manatili doon sa pagkatawag na itinawag sa kaniya. 21 Ikaw baga'y alipin ng ikaw ay tinawag? huwag kang magalaala: kung maaaring ikaw ay maging malaya, ay pagsikapan mo ng maging laya. 22 Sapagka't ang tinawag sa Panginoon nang siya'y alipin, ay malaya sa Panginoon: gayon din naman ang tinawag nang siya'y malaya, ay alipin ni Cristo. 23 Sa halaga kayo'y binili; huwag kayong maging mga alipin ng mga tao. 24 Mga kapatid, bayaang ang bawa't isa'y manatili sa Dios sa kalagayang itinawag sa kaniya. 25 Ngayon, tungkol sa mga dalaga ay wala akong utos ng Panginoon: nguni't ibinibigay ko ang aking pasiya, na tulad sa nagkamit ng habag ng Panginoon upang mapagkatiwalaan. 26 Inaakala ko ngang mabuti ito dahil sa kasalukuyang kahapisan, sa makatuwid baga'y mabuti ngang ang tao'y manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan. 27 Natatali ka ba sa asawa? huwag mong pagsikapang ikaw ay makakalag. Ikaw baga'y kalag sa asawa? huwag kang humanap ng asawa. 28 Nguni't kung ikaw ay magasawa, ay hindi ka nagkakasala; at kung ang isang dalaga ay magasawa, ay hindi siya nagkakasala. Datapuwa't ang mga gayon ay magkakaroon ng kahirapan sa laman: at ibig ko sanang kayo'y iligtas. 29 Nguni't sinasabi ko ito, mga kapatid, ang panahon ay pinaikli, upang mula ngayon ang mga lalaking may asawa ay maging mga tulad sa wala; 30 At ang mga nagsisiiyak, ay maging tulad sa mga hindi nagsisiiyak; at ang nangagagalak, ay maging tulad sa hindi nangagagalak; at ang mga nagsisibili, ay maging tulad sa mga walang inaari; 31 At ang mga nagsisigamit ng sanglibutan, ay maging tulad sa hindi nangagpapakalabis ng paggamit: sapagka't ang kaasalan ng sanglibutang ito ay lumilipas. 32 Datapuwa't ang ibig ko ay mawalan kayo ng kabalisahan. Ang walang asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, kung paanong makalulugod sa Panginoon: 33 Nguni't ang may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan, kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa, 34 At nagkakabahagi ang isipan. Gayon din naman ang babaing walang asawa at ang dalaga, ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, upang siya'y maging banal sa katawan at sa espiritu man; nguni't ang babaing may asawa ay nagsusumakit sa mga bagay ng sanglibutan, kung paanong makalulugod sa kaniyang asawa. 35 At ito'y sinasabi ko sa inyong sariling kapakinabangan; hindi upang alisin ko ang inyong kalayaan, kundi dahil sa bagay na nararapat, at upang kayo'y makapaglingkod sa Panginoon nang walang abala. 36 Nguni't kung iniisip ng sinomang lalake na hindi siya gumagawa ng marapat sa kaniyang anak na dalaga, kung ito'y sumapit na sa kaniyang katamtamang gulang, at kung kailangan ay sundin niya ang kaniyang maibigan, hindi siya nagkakasala; bayaang mangagasawa sila. 37 Subali't ang nananatiling matibay sa kaniyang puso, na walang kailangan, kundi may kapangyarihan tungkol sa kaniyang sariling kalooban, at pinasiyahan sa kaniyang sariling puso na ingatan ang kaniyang sariling anak na dalaga, ay mabuti ang gagawin. 38 Kaya nga ang nagpapahintulot sa kaniyang anak na dalaga na magasawa ay gumagawa ng mabuti; at ang hindi nagpapahintulot na siya'y magasawa ay gumagawa ng lalong mabuti. 39 Ang babaing may asawa ay natatalian samantalang nabubuhay ang kaniyang asawa; nguni't kung patay na ang kaniyang asawa, ay may kalayaan siyang makapagasawa sa kanino mang ibig niya; sa kalooban lamang ng Panginoon. 40 Nguni't lalong maligaya siya kung manatili ng ayon sa kaniyang kalagayan, ayon sa aking akala: at iniisip ko na ako'y may Espiritu rin naman ng Dios.

1 Men vedkommende det som I skrev om, da er det godt for et menneske ikke å røre en kvinne;2 men for hors skyld skal hver mann ha sin egen hustru, og hver kvinne sin egen mann.3 Mannen gjøre sin skyldighet mot hustruen, og likeså hustruen mot mannen;4 hustruen råder ikke over sitt eget legeme, men mannen; likeså råder heller ikke mannen over sitt eget legeme, men hustruen.5 Hold eder ikke fra hverandre uten efter samråd, for en tid, for å leve i bønn, og kom så sammen igjen, forat ikke Satan skal friste eder, fordi I ikke makter å være avholdende!6 Dette sier jeg som tillatelse, ikke som påbud;7 jeg ønsker at alle mennesker var som jeg; men hver har sin egen nådegave av Gud, den ene så, den andre så.8 Til de ugifte og til enkene sier jeg: Det er godt for dem om de vedblir å være som jeg;9 men kan de ikke være avholdende, da la dem gifte sig! for det er bedre å gifte sig enn å lide brynde.10 De gifte byder jeg, dog ikke jeg, men Herren, at en hustru ikke skal skille sig fra sin mann;11 men er hun skilt fra ham, da vedbli hun å være ugift eller forlike sig med sin mann - og at en mann ikke skal skille sig fra sin hustru.12 Til de andre sier jeg, ikke Herren: Dersom en bror har en vantro hustru, og hun samtykker i å bo hos ham, da skille han sig ikke fra henne!13 og om en hustru har en vantro mann, og denne samtykker i å bo hos henne, da skille hun sig ikke fra sin mann!14 For den vantro mann er helliget ved sin hustru, og den vantro hustru er helliget ved broren; ellers var jo eders barn urene, men nu er de hellige.15 Men dersom den vantro skiller sig, da får han så gjøre; broren eller søsteren er ikke trælbundet i slike ting, men Gud har kalt oss til fred.16 For hvad vet du, hustru, om du kan frelse din mann? eller hvad vet du, mann, om du kan frelse din hustru?17 Dog vandre hver således som Herren har gitt ham, som Gud har kalt ham! Og således foreskriver jeg i alle menigheter.18 En blev kalt som omskåret, han dra ikke forhud over; en er blitt kalt som uomskåret, han la sig ikke omskjære!19 Det kommer ikke an på omskjærelse, og det kommer ikke an på forhud, men på å holde Guds bud.20 Hver bli i det kall han blev kalt i!21 Blev du kalt som træl, da gjør dig ingen sorg av det; men kan du også bli fri, så gjør heller bruk derav!22 For den træl som er kalt i Herren, er Herrens frigitte; likeså er også den frie som er kalt, Kristi træl.23 I er dyrt kjøpt; bli ikke menneskers træler!24 I den stand enhver blev kalt i, brødre, i den bli han hos Gud!25 Om jomfruene har jeg ikke noget bud av Herren, men jeg sier min mening som en som har fått miskunn av Herren til å være troverdig.26 Jeg mener da dette at det for den nærværende nøds skyld er godt for et menneske å leve således.27 Er du bundet til en kvinne, da søk ikke å bli løst fra henne; er du ikke bundet til en kvinne, da søk ikke en kvinne!28 Men om du også gifter dig, synder du ikke, og om jomfruen gifter sig, synder hun ikke; men de som det gjør, vil få trengsel for sitt kjød, jeg derimot vil spare eder.29 Men dette sier jeg, brødre: Tiden er kort, så at herefter de som har hustruer, skal være som de som ingen har,30 og de som gråter, som de som ikke gråter, og de som gleder sig, som de som ikke gleder sig, og de som kjøper, som de som ikke eier noget,31 og de som bruker verden, som de som ikke bruker den; for denne verdens skikkelse forgår.32 Jeg vil gjerne at I skal være fri for omsorg. Den ugifte har omsorg for det som hører Herren til, hvorledes han kan tekkes Herren;33 men den gifte har omsorg for det som hører verden til, hvorledes han kan tekkes sin hustru.34 Og det er forskjell på hustruen og jomfruen; den ugifte kvinne har omsorg for det som hører Herren til, at hun kan være hellig både på legeme og ånd; men den gifte kvinne har omsorg for det som hører verden til, hvorledes hun kan tekkes sin mann.35 Dette sier jeg til eders eget gagn, ikke for å sette en snare for eder, men for å fremme det som sømmer sig: å henge fast ved Herren.36 Men dersom nogen mener at han gjør urett mot sin ugifte datter om hun er over ungdomsalderen, og det må så være, han gjøre det han vil; han synder ikke; la dem gifte sig!37 Men den som står fast i sitt hjerte og ikke har noget som tvinger ham, men har frihet til å følge sin egen vilje og har satt sig dette fore i sitt hjerte at han vil holde sin datter ugift, han gjør vel.38 Så gjør da den vel som bortgifter, og den gjør bedre som ikke bortgifter.39 En hustru er bundet så lenge hennes mann lever; men når hennes mann er hensovet, da har hun frihet til å gifte sig med hvem hun vil, bare det skjer i Herren.40 Men lykkeligere er hun om hun blir som hun er, efter min mening; men jeg tror også å ha Guds Ånd.

Veja também

Publicidade
1 Coríntios
Ver todos os capítulos de 1 Coríntios
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-