1 At kanilang ipinasok ang kaban ng Dios, at inilagay sa gitna ng tolda na itinayo ni David para roon: at sila'y nagsipaghandog ng mga handog na susunugin, at mga handog tungkol sa kapayapaan sa harap ng Dios. 2 At nang si David ay makatapos na maghandog ng handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan, ay kaniyang binasbasan ang bayan sa pangalan ng Panginoon. 3 At siya'y nagbigay sa bawa't isa sa Israel, sa lalake at gayon din sa babae, sa bawa't isa ng isang tinapay, at ng isang bahaging laman, at isang binilong pasas. 4 At siya'y naghalal ng ilan sa mga Levita upang magsipangasiwa sa harap ng kaban ng Panginoon, at upang magsipagdiwang at mangagpasalamat, at mangagpuri sa Panginoon, sa Dios ng Israel: 5 Si Asaph ang pinuno, at ang ikalawa niya'y si Zacharias, si Jeiel, at si Semiramoth, at si Jehiel, at si Eliab, at si Benaias, at si Obed-edom, at si Jeiel, na may mga salterio at mga alpa; at si Asaph na may mga simbalo, na tumutunog ng malakas; 6 At si Benaias at si Jahaziel na mga saserdote na mga may pakakak na palagi, sa harap ng kaban ng tipan ng Dios. 7 Nang magkagayo'y nang araw na yao'y unang iniutos ni David ang magpasalamat sa Panginoon, sa pamamagitan ng kamay ni Asaph at ng kaniyang mga kapatid. 8 Oh kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon, magsitawag kayo sa kaniyang pangalan; Ipakilala ninyo sa mga bayan ang kaniyang mga gawa. 9 Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya; Salitain ninyo ang lahat niyang mga kamanghamanghang gawa. 10 Mangagpakaluwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: Mangagalak ang puso niyaong nagsisihanap sa Panginoon. 11 Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang lakas; Hanapin ninyo ang kaniyang mukha na palagi. 12 Alalahanin ninyo ang kaniyang kamanghamanghang mga gawa na kaniyang ginawa; Ang kaniyang mga kababalaghan, at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig; 13 Oh kayong binhi ng Israel na kaniyang lingkod, Kayong mga anak ni Jacob na kaniyang pinili. 14 Siya ang Panginoon nating Dios; Ang kaniyang mga kahatulan ay nasa sangkalupaan. 15 Alalahanin ninyo ang kaniyang tipan magpakailan man, Ang salita na kaniyang iniutos sa libolibong sali't saling lahi; 16 Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham, At ang kaniyang sumpa kay Isaac: 17 At pinatotohanan din kay Jacob na pinaka palatuntunan, Kay Israel na pinaka walang hanggang tipan: 18 Na sinasabi, Sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan, Ang kapalaran ng inyong mana: 19 Noong kayo'y kakaunting tao sa bilang; Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon; 20 At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa, At mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan. 21 Hindi niya tiniis na gawan sila nino man ng kasamaan; Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila; 22 Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang aking mga pinahiran ng langis, At huwag ninyong saktan ang aking mga propeta. 23 Kayo'y magsiawit sa Panginoon, buong lupa, Ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw. 24 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa gitna ng mga bansa, Ang kaniyang mga kamanghamanghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan. 25 Sapagka't dakila ang Panginoon, at marapat na purihing mainam: Siya rin nama'y marapat na katakutan ng higit sa lahat na dios. 26 Sapagka't lahat ng dios ng mga bayan ay mga diosdiosan: Nguni't nilikha ng Panginoon ang mga langit. 27 Karangalan at kamahalan ang nangasa harap niya: Kalakasan at kasayahan ang nangasa kaniyang tahanan. 28 Mangagbigay kayo sa Panginoon, kayong mga angkan ng mga bayan, Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at ng kalakasan. 29 Inyong ibigay sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan: Mangagdala kayo ng handog, at magsiparoon kayo sa harap niya: Inyong sambahin ang Panginoon sa ganda ng kabanalan. 30 Manginig sa harap niya ang buong lupa: Ang sanglibutan nama'y natatatag na hindi makikilos. 31 Mangagsaya ang mga langit, at magalak ang lupa; At sabihin nila sa gitna ng mga bansa, Ang Panginoon ay naghahari. 32 Umugong ang dagat at ang kapunuan niyaon; Matuwa ang parang at ang lahat na nandoon; 33 Kung magkagayo'y aawit ang mga puno ng kahoy sa gubat dahil sa kagalakan sa harap ng Panginoon, Sapagka't siya'y naparirito upang hatulan ang lupa. 34 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti: Sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. 35 At sabihin ninyo, Iligtas mo kami, Oh Dios ng aming kaligtasan, At pisanin mo kami, at iligtas mo kami sa mga bansa, Upang kami ay pasalamat sa iyong banal na pangalan, At magtagumpay sa iyong kapurihan. 36 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, Mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sinabi ng buong bayan, Siya nawa: at pinuri ang Panginoon. 37 Sa gayo'y iniwan niya roon sa harap ng kaban ng tipan ng Panginoon, si Asaph at ang kaniyang mga kapatid upang magsipangasiwang palagi sa harap ng kaban, gaya ng kinakailangan ng gawain sa araw-araw: 38 At si Obed-edom pati ng kanilang mga kapatid, ay anim na pu't walo; si Obed-edom din na anak ni Jeduthun at si Asa ay upang maging mga tagatanod-pinto: 39 At si Sadoc na saserdote, at ang kaniyang mga kapatid na mga saserdote, sa harap ng tabernakulo ng Panginoon sa mataas na dako na nasa Gabaon, 40 Upang maghandog na palagi ng mga handog na susunugin sa Panginoon sa ibabaw ng dambana ng handog na susunugin sa umaga at hapon, ayon sa lahat na nangasusulat sa kautusan ng Panginoon na kaniyang iniutos sa Israel; 41 At kasama nila si Heman at si Jeduthun, at ang nalabi sa mga pinili, na nangasaysay sa pangalan upang pasalamat sa Panginoon, sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man; 42 At kasama nila si Heman at si Jeduthun na may mga pakakak at mga simbalo sa mangagpapatunog ng malakas, at mga may panugtog sa mga awit sa Dios: at ang mga anak ni Jeduthun upang mangalagay sa pintuang-daan. 43 At ang buong bayan ay nagsiuwi bawa't tao sa kanikaniyang bahay: at si David ay bumalik upang basbasan ang kaniyang sangbahayan.
1 Så førte de Guds ark inn og satte den midt i det telt som David hadde reist for den, og de bar frem brennoffer og takkoffer for Guds åsyn.2 Og da David var ferdig med å ofre brennofferet og takkofferne, velsignet han folket i Herrens navn.3 Og han utdelte til hver enkelt i Israel, både mann og kvinne, et brød og et stykke kjøtt og en rosinkake.4 Og han satte nogen av levittene til å gjøre tjeneste foran Herrens ark og til å prise og takke og love Herren, Israels Gud:5 Asaf var den øverste, næst efter ham kom Sakarja og så Je'iel og Semiramot og Jehiel og Mattitja og Eliab og Benaja og Obed-Edom og Je'iel med harper og citarer; Asaf skulde slå på cymblene6 og prestene Benaja og Jahasiel stadig blåse i trompetene foran Guds pakts-ark.7 Den dag satte David første gang Asaf og hans brødre til å synge Herrens pris:8 Pris Herren, påkall hans navn, kunngjør blandt folkene hans store gjerninger!9 Syng for ham, lovsyng ham, grund på alle hans undergjerninger!10 Ros eder av hans hellige navn! Deres hjerte glede sig som søker Herren!11 Spør efter Herren og hans makt, søk hans åsyn all tid!12 Kom i hu hans undergjerninger som han har gjort, hans under og hans munns dommer,13 I, hans tjener Israels avkom, Jakobs barn, hans utvalgte!14 Han er Herren vår Gud; hans dommer er over all jorden.15 Kom evindelig hans pakt i hu, det ord han fastsatte for tusen slekter,16 den pakt han gjorde med Abraham, og hans ed til Isak!17 Han stadfestet den som en rett for Jakob, som en evig pakt for Israel,18 idet han sa: Dig vil jeg gi Kana'ans land til arvelodd,19 da I var en liten flokk, få og fremmede der.20 Og de vandret fra folk til folk og fra et rike til et annet folk.21 Han tillot ikke nogen å gjøre vold imot dem, og han straffet konger for deres skyld:22 Rør ikke ved mine salvede, og gjør ikke mine profeter noget ondt!23 Syng for Herren, all jorden! Forkynn fra dag til dag hans frelse!24 Fortell blandt hedningene hans ære, blandt alle folkene hans undergjerninger!25 For stor er Herren og høilovet, og forferdelig er han over alle guder.26 For alle folkenes guder er intet; men Herren har gjort himmelen.27 Høihet og herlighet er for hans åsyn, styrke og glede er på hans sted.28 Gi Herren, I folkeslekter, gi Herren ære og makt!29 Gi Herren hans navns ære, bær frem gaver og kom for hans åsyn, tilbed Herren i hellig prydelse!30 Bev for hans åsyn, all jorden! Jorderike står fast, det rokkes ikke.31 Himmelen glede sig, og jorden fryde Sig, og de skal si iblandt hedningene: Herren er blitt konge.32 Havet bruse og alt som fyller det! Marken fryde sig og alt som er på den!33 Da jubler trærne i skogen for Herrens åsyn; for han kommer for å dømme jorden.34 Lov Herren! For han er god, hans miskunnhet varer evindelig.35 Og si: Frels oss, du vår frelses Gud, og samle oss og utfri oss fra hedningene til å love ditt hellige navn, rose oss av å kunne prise dig!36 Lovet være Herren, Israels Gud, fra evighet og til evighet! Og alt folket sa amen og lovet Herren.37 Så lot han Asaf og hans brødre bli der foran Herrens pakts-ark for stadig å gjøre tjeneste foran arken, hver dag det som skulde gjøres på den dag,38 og Obed-Edom og deres brødre, åtte og seksti, Obed-Edom, sønn av Jeditun, og Hosa som dørvoktere.39 Men presten Sadok og hans brødre prestene lot han bli foran Herrens tabernakel på haugen i Gibeon.40 forat de stadig skulde ofre Herren brennoffer på brennofferalteret morgen og aften og gjøre alt det som skrevet står i den lov som Herren hadde gitt Israel,41 og sammen med dem Heman og Jedutun og de andre utvalgte, som var nevnt ved navn, forat de skulde love Herren, fordi hans miskunnhet varer evindelig,42 og hos dem - Heman og Jedutun - var der trompeter og cymbler til bruk for dem som skulde spille, og likeledes andre instrumenter til sangen ved gudstjenesten. Og Jedutuns sønner var dørvoktere.43 Derefter drog alt folket hver til sitt, og David vendte hjem for å velsigne sitt hus.