1 Si Pablo, na Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Timoteo, na ating kapatid sa Iglesia ng Dios na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya. 2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo. 3 Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, ang Ama ng mga kaawaan at Dios ng buong kaaliwan; 4 Na siyang umaaliw sa atin sa lahat ng kapighatian, upang ating maaliw ang nangasa anomang kapighatian, sa pamamagitan ng pagaliw na inialiw din sa atin ng Dios. 5 Sapagka't kung paanong sumasagana sa atin ang mga sakit ni Cristo, ay gayon din naman ang aming kaaliwan ay sumasagana sa pamamagitan ni Cristo. 6 Datapuwa't maging kami man ay mapighati, ay para sa inyong kaaliwan at kaligtasan; o maging kami man ay maaliw ay para sa inyong kaaliwan, na siyang gumagawa sa pagdadalitang may pagtitiis ng mga gayon ding pagbabata na amin namang binabata: 7 At ang aming pagasa tungkol sa inyo ay matibay; yamang nalalaman na kung paanong kayo'y mga karamay sa mga sakit, ay gayon din naman kayo sa kaaliwan. 8 Hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, ng tungkol sa mga kapighatian namin na nangyari sa Asia, na kami ay totoong nabigatan, ng higit sa aming kaya, ano pa't kami ay nawalan na ng pagasa sa buhay: 9 Oo, kami'y nagkaroon sa aming sarili ng hatol sa kamatayan, upang huwag kaming magkatiwala sa amin ding sarili, kundi sa Dios na bumubuhay na maguli ng mga patay: 10 Na siyang sa amin ay nagligtas sa gayong lubhang malaking kamatayan, at nagliligtas: na siya naming inaasahan na siya namang magliligtas pa sa amin; 11 Kayo naman na nagsisitulong ng inyong panalangin na patungkol sa amin; upang dahil sa kaloob na ipinagkaloob sa amin sa pamamagitan ng marami, ay makapagpasalamat ang maraming tao dahil sa amin. 12 Sapagka't ang aming pagmamapuri ay ito, ang pagpapatotoo ng aming budhi, ayon sa kabanalan at pagtatapat sa Dios, hindi ayon sa karunungan ng laman, kundi sa biyaya ng Dios, na kami'y nagugali ng gayon sa sanglibutan at lalong sagana pa nga sa inyo. 13 Sapagka't hindi namin kayo sinusulatan ng ibang mga bagay, maliban na sa inyong binabasa, o kinikilala, at umaasa ako na inyong kikilalanin hanggang sa katapusan: 14 Gaya naman ng inyong bahagyang pagkilala sa amin, na kami'y inyong kapurihan, gayon din naman kayo'y sa amin, sa araw ng Panginoong si Jesus. 15 At sa pagkakatiwalang ito ay ninasa kong pumariyan muna sa inyo, upang kayo'y mangagkaroon ng pangalawang pakinabang; 16 At magdaan sa inyo na patungo sa Macedonia, at muling buhat sa Macedonia ay magbalik sa inyo, at nang tulungan ninyo ako sa paglalakbay ko sa Judea. 17 Nang nasain ko nga ang ganito, ako baga kaya ay nagatubili? o ang mga bagay na ninasa ko, ay mga ninasa ko baga ayon sa laman, upang magkaroon sa akin ng oo, oo, at ng hindi, hindi? 18 Nguni't palibhasa'y ang Dios ay tapat, ang aming salita sa inyo ay di oo at hindi. 19 Sapagka't ang Anak ng Dios, si Jesucristo, na ipinangaral namin sa inyo, ako at si Silvano at si Timoteo, hindi naging oo at hindi, kundi sa kaniya ay naging oo. 20 Sapagka't maging gaano man ang mga pangako ng Dios, ay nasa kaniya ang oo: kaya nga naman na sa kaniya ang Siya Nawa sa ikaluluwalhati ng Dios sa pamamagitan namin. 21 Ngayon, siya na ang nagpapatibay sa amin na kasama ninyo kay Cristo, at nagpahid sa atin, ay ang Dios, 22 Na siyang nagtatak naman sa atin, at nagbigay ng patotoo ng Espiritu sa ating mga puso. 23 Datapuwa't ang Dios ang tinatawag kong maging saksi sa aking kaluluwa, na upang huwag kayong papagdamdamin ay hindi muna ako napariyan sa Corinto. 24 Hindi sa kami ay may pagkapanginoon sa inyong pananampalataya, kundi kami ay mga tagatulong sa inyong katuwaan: sapagka't sa pananampalataya kayo'y nangagsisitatag.
1 Paulus, ved Guds vilje Kristi Jesu apostel, og broderen Timoteus - til den Guds menighet som er i Korint, tillikemed alle de hellige som er i hele Akaia:2 Nåde være med eder og fred fra Gud vår Fader og den Herre Jesus Kristus!3 Lovet være Gud og vår Herre Jesu Kristi Fader, miskunns Fader og all trøsts Gud,4 han som trøster oss i all vår trengsel, forat vi skal kunne trøste dem som er i all slags trengsel, med den trøst hvormed vi selv blir trøstet av Gud!5 For likesom Kristi lidelser kommer rikelig over oss, så er og vår trøst rikelig ved Kristus.6 Men lider vi trengsel, da er det eder til trøst og frelse; trøstes vi, da er det eder til en trøst som viser sig kraftig i tålmod under de samme lidelser som vi lider;7 og vårt håp om eder er fast, da vi vet at likesom I har del i lidelsene, så skal I og ha del i trøsten.8 For vi vil ikke, brødre, at I skal være uvitende om at den trengsel som kom over oss i Asia, var overmåte tung, mere enn vi kunde bære, så vi endog mistvilte om livet;9 ja, vi hadde opgjort med oss selv at vi måtte dø, forat vi ikke skulde sette vår lit til oss selv, men til Gud, som opvekker de døde,10 han som fridde oss og frir oss fra slik en død, han som vi har det håp til at han og herefter vil fri oss derfra,11 idet også I kommer oss til hjelp med bønn, forat det fra manges munn må lyde rikelig takksigelse for oss, for den nåde som er oss gitt.12 For dette er vår ros: vår samvittighets vidnesbyrd om at vi har vandret i verden, og særlig hos eder, i Guds hellighet og renhet, ikke i kjødelig visdom, men i Guds nåde.13 For vi skriver ikke annet til eder enn det I leser eller skjønner, og jeg håper at I og skal skjønne det inntil enden14 - likesom I jo for en del har skjønt oss - at vi er eders ros, likesom og I er vår på den Herre Jesu dag.15 Og i tillit til dette vilde jeg komme til eder først, forat I skulde få ennu en nåde,16 og fra eder dra til Makedonia, og så fra Makedonia igjen komme til eder og få følge av eder til Judea.17 Da jeg nu altså vilde dette, gikk jeg da kan hende lettsindig frem? eller hvad jeg foresetter mig, foresetter jeg mig det på kjødelig vis, så at der hos mig skulde være både ja, ja og nei, nei?18 Så sant Gud er trofast: mitt ord til eder er ikke ja og nei!19 For Guds Sønn, Kristus Jesus, han som blev forkynt iblandt eder ved oss, ved mig og Silvanus og Timoteus, han var ikke ja og nei, men ja er der blitt i ham;20 for så mange som Guds løfter er, i ham har de sitt ja, derfor får de og ved ham sitt amen, Gud til ære ved oss.21 Men den som binder oss tillikemed eder fast til Kristus, og som salvet oss, det er Gud,22 han som og satte sitt innsegl på oss og gav Ånden til pant i våre hjerter.23 Men jeg kaller Gud til vidne for min sjel at det var for å skåne eder jeg ennu ikke er kommet til Korint;24 ikke at vi er herrer over eders tro, men vi arbeider med på eders glede; for I står i troen.