1 Ang mabuting pangalan ay maigi kay sa mahalagang unguento; at ang kaarawan ng kamatayan kay sa kaarawan ng kapanganakan. 2 Maigi ang pasa bahay ng tangisan, kay sa bahay ng pistahan: sapagka't siyang wakas ng lahat ng mga tao; at ilalagak ng may buhay sa kaniyang puso. 3 Kapanglawan ay maigi kay sa pagtawa: sapagka't sa kapanglawan ng mukha ay sumasaya ang puso. 4 Ang puso ng pantas ay nasa bahay ng tangisan; nguni't ang puso ng mangmang ay nasa bahay ng kasayahan. 5 Maigi ang makinig ng saway ng pantas kay sa isang tao'y makinig ng awit ng mga mangmang. 6 Sapagka't kung paano ang lagitik ng mga tinik sa ilalim ng palyok, gayon ang tawa ng mangmang: ito ma'y walang kabuluhan. 7 Tunay na nagpapamangmang sa pantas ang pagkapighati; at ang suhol ay sumisira ng unawa. 8 Maigi ang wakas ng isang bagay kay sa pasimula niyaon: at ang matiising loob ay maigi kay sa palalong loob. 9 Huwag kang magagalitin sa iyong kalooban: sapagka't ang galit ay nagpapahinga sa sinapupunan ng mga mangmang. 10 Huwag mong sabihin, Ano ang kadahilanan na ang mga unang araw ay maigi kay sa mga ito? sapagka't hindi ka naguusisang may katalinuhan tungkol dito. 11 Karunungan ay mabuting gaya ng mana: oo, lalong marilag sa ganang kanila na nakakakita ng araw. 12 Sapagka't ang karunungan ay sanggalang, sa makatuwid baga'y gaya ng salapi na sanggalang: nguni't ang karilagan ng kaalaman, ay iniingatan ng karunungan ang buhay niya na nagtatangkilik niyaon. 13 Gunitain mo ang gawa ng Dios: sapagka't sinong makapagtutuwid ng ginawa niyang baluktot? 14 Sa kaarawan ng kaginhawahan ay magalak ka, at sa kaarawan ng kahirapan ay gumunita ka: oo, ginawa ng Dios ang isa sa siping ng isa, upang ang tao ay huwag makasumpong ng anomang bagay na mangyayari pagkamatay niya. 15 Lahat ng ito ay nakita ko sa mga kaarawan ng aking walang kabuluhan: may matuwid na namamatay sa kaniyang katuwiran, at may masama na humahaba ang buhay sa kaniyang masamang gawa. 16 Huwag kang lubhang magpakamatuwid; ni huwag ka mang lubhang magpakapantas: bakit sisirain mo ang iyong sarili? 17 Huwag kang magpakasamang lubha, ni magpakamangmang man: bakit ka mamamatay bago dumating ang iyong kapanahunan? 18 Mabuti na ikaw ay manghawak dito; oo, doon man ay huwag mong iurong ang iyong kamay: sapagka't siyang natatakot sa Dios ay lalayo sa lahat na yaon. 19 Karunungan ay kalakasan sa pantas, na higit kay sa sangpung pinuno na nangasa bayan. 20 Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala. 21 Huwag ka rin namang makinig sa lahat ng mga salita na sinasalita, baka marinig mong sinusumpa ka ng iyong alipin: 22 Sapagka't madalas ding nalalaman ng iyong sariling puso, na ikaw ay sumumpa rin sa mga iba. 23 Lahat ng ito ay tinikman ko sa karunungan: aking sinabi, Ako'y magiging pantas: nguni't malayo sa akin. 24 Ang nilikha ay malayo at totoong malalim; sinong makaaabot? 25 Ako'y pumihit at inilagak ang aking puso na umalam, at sumiyasat, at humanap ng karunungan, at ng kadahilanan ng mga bagay, at umalam na ang kasamaan ay kamangmangan, at ang kamangmangan ay kaululan: 26 At nakasumpong ako ng bagay na lalong mapait kay sa kamatayan, sa makatuwid baga'y ang babae na ang puso ay mga silo at mga bitag, at ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga panali: ang nalulugod sa Dios ay tatakas sa kaniya; nguni't ang makasalanan ay makukuha niya. 27 Narito, ito'y aking nasumpungan, sabi ng Mangangaral, na iniaagapay ang isang bagay sa iba, upang matagpuan ang kadahilanan: 28 Na hinahanap pa ng aking kaluluwa, nguni't hindi ko nasumpungan: isang tao sa isang libo ang aking nasumpungan; nguni't isang babae sa lahat ng mga yaon ay hindi ko nasumpungan. 29 Narito, ito lamang ang aking nasumpungan, na ginawang matuwid ng Dios ang tao; nguni't nagsihanap sila ng maraming katha.
1 Bedre er et godt navn enn god olje, og bedre dødsdagen enn den dag en blir født.2 Bedre er det å gå til sørgehus enn til gjestebudshus, fordi i sørgehuset ender hvert menneskes liv, og den som lever, legger sig det på hjerte.3 Bedre er gremmelse enn latter; for mens ansiktet er sørgmodig, er hjertet vel til mote.4 De vises hjerte er i sorgens hus, men dårenes hjerte i gledens hus.5 Bedre er det å høre skjenn av en vis enn å høre sang av dårer;6 for som tornene spraker under gryten, så er det når dåren ler; også dette er tomhet.7 For urettmessig vinning gjør den vise til dåre, og bestikkelse ødelegger hjertet.8 Bedre er enden på en ting enn begynnelsen, bedre å være tålmodig enn overmodig.9 Vær ikke for hastig i din ånd til å vredes; for vreden bor i dårers barm.10 Si ikke: Hvorav kommer det at de fremfarne dager var bedre enn de som nu er? For det er ikke av visdom du spør om det.11 Visdom er jevngod med arvegods, ja ennu ypperligere for dem som ser solen;12 for å være i visdommens skygge er som å være i skyggen av rikdom, men kunnskapens fortrin er at visdommen holder sin eier i live.13 Se på Guds verk! For hvem kan gjøre rett det som han har gjort kroket?14 På en god dag skal du være ved godt mot, og på en ond dag skal du tenke på at Gud har gjort den og, like så vel som den andre, forat mennesket ikke skal finne noget efter sig*. / {* d.e. ikke skal vite noget av hvad som skal skje efter ham.}15 Alt dette har jeg sett i mitt tomme liv: Mangen rettferdig går til grunne tross sin rettferdighet, og mangen ugudelig lever lenge tross sin ondskap.16 Vær ikke altfor rettferdig og te dig ikke overvettes vis! hvorfor vil du ødelegge dig selv*? / {* nemlig ved fariseisk egenrettferdighet og selvklokskap; LUK 18, 11.}17 Vær ikke altfor urettferdig*, og vær ikke en dåre! Hvorfor vil du dø før tiden? / {* All synd kan du vel ikke undgå (FRK 7, 20. 1KG 8, 46. JAK 3, 2.), men tro ikke derfor at du kan overgi dig til det onde.}18 Det er godt at du holder fast ved det ene, men du skal heller ikke slippe det andre; for den som frykter Gud, finner en utvei av alt dette.19 Visdommen er et sterkere vern for den vise enn ti mektige menn i en by;20 for det finnes ikke et rettferdig menneske på jorden, som bare gjør godt og aldri synder.21 Akt heller ikke på alt det folk sier, ellers kunde du få høre din tjener banne dig!22 For du vet jo med dig selv at også du mange ganger har bannet andre.23 Alt dette har jeg prøvd med visdom; Jeg sa: Jeg vil vinne visdom, men den er ennu langt borte fra mig.24 Det som er langt borte og dypt, dypt skjult - hvem kan finne det?25 Jeg så mig om, og min attrå var å vinne kunnskap og å granske og søke efter visdom og klokskap og å forstå at ugudelighet er dårskap, og at dårskapen er galskap.26 Og jeg fant noget som er bitrere enn døden: kvinnen - hun er et garn og hennes hjerte en snare, og hennes hender er lenker; den som tekkes Gud, slipper fra henne, men synderen blir fanget av henne.27 Se, dette fant jeg ut, sier predikeren, idet jeg la det ene til det andre for å finne hovedsummen.28 Det som jeg stadig har søkt, men ikke har funnet, det er: En mann har jeg funnet blandt tusen, men en kvinne har jeg ikke funnet blandt dem alle.29 Se, dette er det eneste jeg har funnet ut, at Gud skapte mennesket som det skulde være, men de søker mange kunster.