1 Sapagka't, narito, ang Panginoon, ang Panginoon ng mga hukbo, ay nagaalis sa Jerusalem at sa Juda ng alalay at tungkod, ng buong alalay na tinapay at ng buong alalay na tubig; 2 Ng makapangyarihang lalake, at ng lalaking mangdidigma; ng hukom, at ng propeta, at ng manghuhula, at ng matanda; 3 Ng kapitan ng lilimang puin, at ng marangal na tao, at ng tagapayo, at ng bihasang manggagawa, at ng matalinong mangeenkanto. 4 At mga bata ang ilalagay kong maging kanilang mga pangulo, at mga sanggol ang magpupuno sa kanila. 5 At ang bayan ay mapipighati, bawa't isa'y ng iba, at bawa't isa'y ng kaniyang kapuwa: ang bata ay magpapalalo laban sa matanda at ang hamak laban sa marangal. 6 Pagka ang lalake ay hahawak sa kaniyang kapatid sa bahay ng kaniyang ama, na magsasabi: Ikaw ay may damit, ikaw ay maging aming pinuno, at ang pagkabagsak ito ay mapasa ilalim ng iyong kamay: 7 Sa araw na yaon ay manglalakas siya ng kaniyang tinig, na magsasabi, Hindi ako magiging tagapagpagaling; sapagka't sa aking bahay ay wala kahit tinapay o damit man; huwag ninyo akong gawing pinuno ng bayan. 8 Sapagka't ang Jerusalem ay giba, at ang Juda ay bagsak: sapagka't ang kanilang dila at ang kanilang mga gawa ay laban sa Panginoon, upang mungkahiin ang mga mata niyang maluwalhati. 9 Ang kanilang pagtatangi ng mga tao ay sumasaksi laban sa kanila; at kanilang ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan na gaya ng Sodoma, hindi nila ikinukubli. Sa aba ng kanilang kaluluwa! sapagka't sila'y nagsiganti ng kasamaan sa kanilang sarili. 10 Sabihin ninyo sa matuwid, na ikabubuti niya: sapagka't sila'y magsisikain ng bunga ng kanilang mga gawa. 11 Sa aba ng masama! ikasasama niya: sapagka't ang kagantihan sa kaniyang mga kamay ay mabibigay sa kaniya. 12 Tungkol sa aking bayan, mga bata ang mga mamimighati sa kanila, at mga babae ang mangagpupuno sa kanila. Oh bayan ko, silang nagsisipatnubay sa iyo, mangagliligaw sa iyo, at sisira ng daan ng iyong mga landas. 13 Ang Panginoon ay tumayo upang magsanggalang, at tumayo upang humatol sa mga bayan. 14 Ang Panginoon ay hahatol sa mga matanda ng kaniyang bayan, at sa mga pangulo niyaon; Kayo ang nagkainan sa ubasan: ang samsam sa dukha ay nasa inyong mga bahay; 15 Anong ibig ninyong sabihin na inyong dinidikdik ang aking bayan, at inyong ginigiling ang mukha ng dukha? sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo. 16 Bukod dito'y sinabi ng Panginoon, Sapagka't ang mga anak na babae ng Sion ay mga mapagmataas, at nagsisilakad na mga may kapalaluan at mga matang nakairap, na nagsisilakad at nagsisikendeng habang nagsisiyaon, at nagpapakalatis ng kanilang mga paa: 17 Kaya't papaglalangibin ng Panginoon ang bao ng ulo ng mga anak na babae ng Sion, at huhubdan ng Panginoon ang kanilang mga lihim na bahagi. 18 Sa araw na yaon ay aalisin ng Panginoon ang kagayakan ng kanilang mga hiyas ng paa, at ang mga hiyas ng ulo, at ang mga pahiyas na may anyong kalahating buwan; 19 Ang mga hikaw, at ang mga pulsera, at ang mga lambong na pangmukha; 20 Ang mga laso ng buhok, at ang mga kuwintas sa bukong-bukong, at ang mga pamigkis, at ang mga sisidlan ng pabango, at ang mga amuleto; 21 Ang mga singsing, at ang mga hiyas na pang-ilong; 22 Ang mga damit na pamista, at ang mga balabal, at ang mga panleeg, at ang mga supot; 23 Ang mga maliit na salamin, at ang mainam na kayong lino, at ang mga turbante, at ang mga lambong. 24 At mangyayari na sa halip na mga mainam na especia ay kabulukan; at sa halip na pamigkis ay panali; at sa halip na buhok na ayos ay kakalbuhan; at sa halip na pamigkis na mainam ay pamigkis na kayong magaspang; hero sa halip ng kagandahan. 25 Ang iyong mga lalake ay mangabubuwal sa pamamagitan ng tabak, at ang iyong mga makapangyarihan ay sa pakikipagdigma. 26 At ang kaniyang mga pintuang-bayan ay tataghoy at magsisitangis; at siya'y magiging giba at guho sa lupa.
1 For se, Herren, Israels Gud, hærskarenes Gud, tar bort fra Jerusalem og Juda støtte og stav, hver støtte av brød og hver støtte av vann,2 helt og krigsmann, dommer og profet, spåmann og eldste,3 høvedsmann over femti og hver høit aktet mann, rådsherre og håndverksmester og kyndig åndemaner.4 Og jeg vil sette barn til styrere over dem, og guttekåthet skal herske over dem.5 Blandt folket skal den ene undertrykke den andre, hver mann sin næste; den unge skal sette sig op mot den gamle, den ringeaktede mot den høit ærede.6 Når en da tar fatt på en annen i hans fars hus og sier: Du har en kappe, du skal være vår fyrste, og denne ruin* skal være under din hånd, / {* staten i dens elendige forfatning.}7 så skal han samme dag svare og si: Jeg vil ikke være læge, og i mitt hus er det intet brød og ingen klær; I skal ikke sette mig til folkets fyrste.8 For Jerusalem snubler, og Juda faller, fordi deres tunge og deres gjerninger er mot Herren, de trosser hans herlighets øine.9 Uttrykket i deres ansikter vidner mot dem, og om sin synd taler de åpent som folket i Sodoma, de dølger den ikke; ve deres sjeler, for de volder sig selv ulykke!10 Si om den rettferdige at det går ham godt! For han skal ete frukten av sine gjerninger.11 Ve den ugudelige! Ham går det ille; for det hans hender har gjort, skal gjøres mot ham selv.12 Mitt folks herskere er barn, og kvinner råder over det. Mitt folk! Dine førere er forførere, og den vei du skal gå, har de ødelagt.13 Herren treder frem for å føre sak, og han står der for å dømme folkene.14 Herren møter i retten sitt folks eldste og dets høvdinger: I har avgnaget vingården! I har rov fra de fattige i husene hos eder!15 Hvorledes kan I tråkke mitt folk ned og knuse de fattige? sier Herren, Israels Gud, hærskarenes Gud.16 Og Herren sa: Fordi Sions døtre er overmodige og går med kneisende nakke og lar øinene løpe om, går og tripper og klirrer med sine fotringer,17 skal Herren gjøre Sions døtres isse skurvet, og Herren skal avdekke deres blusel.18 På den dag skal Herren ta bort de prektige fotringer og soler* og halvmåner**, / {* smykker som forestiller solen.} / {** DMR 8, 21.}19 øredobbene og kjedene og slørene,20 hodeprydelsene og fotkjedene og beltene og lukteflaskene og tryllesmykkene,21 signetringene og neseringene,22 høitidsklærne og kåpene og de store tørklær og pungene,23 speilene* og de fine linneter og huene og florslørene. / {* 2MO 38, 8.}24 Og det skal skje: I stedet for balsam skal det være stank, og for belte rep, og for kunstig krusede krøller skallet hode, og for vid kappe trang sekk, brennemerke for skjønnhet.25 Dine menn skal falle for sverdet, og dine helter i krigen.26 Og hennes* porter klager og sørger, og utplyndret sitter hun på jorden. / {* Jerusalems.}