Publicidade

Lamentações 3

1 Ako ang tao na nakakita ng pagdadalamhati sa pamalo ng iyong poot. 2 Ako'y kaniyang pinatnubayan at pinalakad sa kadiliman, at hindi sa liwanag. 3 Tunay na laban sa akin ay kaniyang iginagalaw ang kaniyang kamay na muli't muli buong araw. 4 Ang aking laman at aking balat ay pinatanda niya; kaniyang binali ang aking mga buto. 5 Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam. 6 Kaniyang pinatahan ako sa mga madilim na dako, gaya ng nangamatay nang malaon. 7 Kaniyang binakuran ako na anopa't ako'y hindi makalabas; kaniyang pinabigat ang aking tanikala. 8 Oo, pagka ako'y dumadaing, at humihinging tulong, kaniyang pinagsasarhan ang aking daing. 9 Kaniyang binakuran ang aking mga daan ng tinabas na bato, kaniyang iniliko ang aking mga landas. 10 Siya'y parang oso na nagaabang sa akin, parang leon sa mga kubling dako. 11 Kaniyang iniligaw ang aking mga lakad, at ako'y pinagwaraywaray niya; kaniyang ipinahamak ako; 12 Kaniyang iniakma ang kaniyang busog, at ginawa akong pinaka tanda sa pana. 13 Ang mga pana ng kaniyang lalagyan ng pana ay kaniyang isinasaksak sa aking mga bato ng katawan. 14 Ako'y naging kakutyaan sa aking buong bayan, at kanilang awit buong araw. 15 Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, kaniyang sinuya ako ng ajenjo. 16 Kaniya namang biningot ang aking mga ngipin ng mga maliliit na grava; kaniyang tinabunan ako ng mga abo. 17 At iyong inilayo ang aking kaluluwa sa kapayapaan; ako'y nakalimot ng kaginhawahan. 18 At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon. 19 Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo. 20 Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko. 21 Ito ang ginugunita ko sa aking pagiisip; kaya't may pagasa ako. 22 Sa mga kaawaan nga ng Panginoon ay hindi tayo nalipol, sapagka't ang kaniyang mga habag ay hindi nauubos. 23 Ang mga yao'y bago tuwing umaga, dakila ang inyong pagtatapat. 24 Ang Panginoon ay aking bahagi, sabi ng aking kaluluwa; kaya't ako'y aasa sa kaniya. 25 Ang Panginoon ay mabuti sa kanila na nangaghihintay sa kaniya, sa kaluluwa na humahanap sa kaniya. 26 Mabuti nga na ang tao ay umasa at maghintay na tahimik sa pagliligtas ng Panginoon. 27 Mabuti nga sa tao na magpasan ng pamatok sa kaniyang kabataan. 28 Maupo siyang magisa at tumahimik, sapagka't kaniyang iniatang sa kaniya. 29 Sumubsob siya sa alabok, kung gayo'y magkakaroon siya ng pagasa. 30 Ibigay niya ang kaniyang pisngi sa sumasakit sa kaniya; mapuspos siya ng kadustaan. 31 Sapagka't ang Panginoon ay hindi magtatakuwil magpakailan man. 32 Sapagka't bagaman siya'y nagpapapanglaw, gayon ma'y magpapakita siya ng habag ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga kaawaan. 33 Sapagka't siya'y hindi kusang dumadalamhati, o nagpapapanglaw man sa mga anak ng mga tao. 34 Na yapakan sa ilalim ng paa ang lahat ng bihag sa lupa. 35 Na iliko ang matuwid ng tao sa harap ng mukha ng Kataastaasan, 36 Na iligaw ang tao sa kaniyang usap, hindi kinalulugdan ng Panginoon. 37 Sino siya na nagsasabi, at nangyayari, kung hindi iniuutos ng Panginoon? 38 Hindi baga sa bibig ng Kataastaasan nanggagaling ang masama't mabuti? 39 Bakit dumadaing ang taong may buhay, ang tao dahil sa parusa sa kaniyang mga kasalanan? 40 Ating usisain at suriin ang ating mga lakad, at manumbalik sa Panginoon. 41 Igawad natin ang ating puso sangpu ng ating mga kamay sa Dios sa langit. 42 Kami ay sumalangsang at nanghimagsik; ikaw ay hindi nagpatawad. 43 Tinakpan mo ang iyong sarili ng galit at hinabol mo kami; ikaw ay pumatay, ikaw ay hindi naawa. 44 Tinakpan mo ang iyong sarili ng alapaap, na anopa't hindi makadaan ang anomang panalangin. 45 Iyong ginawa kaming parang tapon at dumi sa gitna ng mga bayan. 46 Ibinukang maluwang ng lahat naming kaaway ang kanilang bibig laban sa amin. 47 Takot at ang hukay ay dumating sa amin, ang pagkasira at pagkagiba. 48 Ang mata ko'y dumadaloy ng mga ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan. 49 Ang mata ko'y dinadaluyan at hindi naglilikat, na walang pagitan. 50 Hanggang sa ang Panginoon ay tumungo, at tumingin mula sa langit. 51 Kinikilos ng aking mata ang aking kaluluwa, dahil sa lahat na anak na babae ng aking bayan. 52 Lubha nila akong hinahabol na parang ibon, na mga kaaway kong walang kadahilanan. 53 Kanilang pinaikli ang aking buhay sa bilangguan at hinagis ako ng bato. 54 Tubig ay nagsisihuho sa aking ulo; aking sinabi, Ako'y nahiwalay. 55 Ako'y tumawag sa iyong pangalan, Oh Panginoon, mula sa kababababaang hukay. 56 Iyong dininig ang aking tinig; huwag mong ikubli ang iyong pakinig sa aking hingal, sa aking daing. 57 Ikaw ay lumapit sa araw na ako'y tumawag sa iyo; iyong sinabi, Huwag kang matakot. 58 Oh Panginoon, iyong ipinagsanggalang ang mga usap ng aking kaluluwa; iyong tinubos ang aking buhay. 59 Oh Panginoon, iyong nakita ang aking pagkakamali; hatulan mo ang aking usap. 60 Iyong nakita ang lahat nilang panghihiganti, at ang lahat nilang pasiya laban sa akin. 61 Iyong narinig ang kanilang pagduwahagi, Oh Panginoon, at lahat nilang pasiya laban sa akin, 62 Ang mga labi ng nagsisibangon laban sa akin, at ang kanilang pasiya laban sa akin buong araw. 63 Masdan mo ang kanilang pagupo, at ang kanilang pagtayo; ako ang kanilang awit. 64 Ikaw ay magbibigay sa kanila ng kagantihan, Oh Panginoon, ayon sa gawa ng kanilang mga kamay. 65 Iyong papagmamatigasin ang kanilang puso, ang iyong sumpa sa kanila. 66 Iyong hahabulin sila sa galit, at iyong lilipulin sila mula sa silong ng langit ng Panginoon.

1 Jeg er den mann som har sett elendighet under hans vredes ris.2 Mig har han ledet og ført i mørke og ikke i lys.3 Bare mot mig vender han atter og atter sin hånd den hele dag.4 Han lot mitt kjøtt og min hud fortæres; han knuste mine ben.5 Han bygget en mur mot mig og omringet mig med bitterhet og møie.6 På mørke steder lot han mig bo som de for lenge siden døde.7 Han murte igjen for mig, så jeg ikke kan komme ut; han gjorde mine lenker tunge.8 Om jeg enn ropte og skrek, lukket han sitt øre for min bønn.9 Han tilmurte mine veier med hugne stener, mine stier gjorde han krokete.10 En lurende bjørn var han mot mig, en løve i skjul.11 Mine veier gjorde han til avveier, han sønderrev mig og ødela mig.12 Han spente sin bue og stilte mig op til mål for sin pil.13 Han lot sitt koggers sønner fare inn i mine nyrer.14 Jeg er blitt til latter for alt mitt folk, til en spottesang for dem hele dagen.15 Han mettet mig med bitre urter, han gav mig rikelig malurt å drikke.16 Han knuste mine tenner, han gav mig småsten å ete, han trykte mig ned i asken.17 Du forkastet mig og tok bort min fred; jeg glemte det som godt er,18 og jeg sa: Det er forbi med min kraft og mitt håp til Herren.19 Kom i hu min elendighet og min landflyktighet - malurt og galle!20 Min sjel kommer det i hu og er nedbøiet i mig.21 Dette vil jeg ta mig til hjerte, derfor vil jeg håpe:22 Herrens miskunnhet er det at det ikke er forbi med oss; for hans barmhjertighet har ennu ikke ende.23 Den er ny hver morgen, din trofasthet er stor.24 Herren er min del, sier min sjel; derfor håper jeg på ham.25 Herren er god mot dem som bier efter ham, mot den sjel som søker ham.26 Det er godt at en bier i stillhet efter Herrens frelse.27 Det er godt for en mann at han bærer åk i sin ungdom,28 at han sitter ene og tier, når han* legger byrder på ham, / {* Herren.}29 at han trykker sin munn i støvet og sier: Kanskje det ennu er håp -30 at han vender sitt kinn til den som slår ham, lar sig mette med hån.31 For Herren forkaster ikke til evig tid,32 men om han bedrøver, så forbarmer han sig igjen efter sin rike miskunnhet;33 for det er ikke av hjertet han plager eller bedrøver menneskenes barn.34 Når nogen knuser alle jordens fanger under sine føtter,35 bøier mannens rett for den Høiestes åsyn36 eller gjør en mann urett i hans sak - mon Herren ikke ser det?37 Hvem talte så det skjedde, uten at Herren bød det?38 Er det ikke fra den Høiestes munn både de onde og de gode ting utgår?39 Hvorfor klager et menneske som lever? Enhver klage over sin egen synd!40 La oss ransake våre veier og granske dem, og la oss vende om til Herren!41 La oss løfte vårt hjerte og våre hender til Gud i himmelen!42 Vi har syndet og vært gjenstridige; du har ikke tilgitt.43 Du innhyllet dig i vrede og forfulgte oss; du slo ihjel, du sparte ikke.44 Du innhyllet dig i skyer, så ingen bønn trengte igjennem.45 Til skarn og utskudd gjorde du oss midt iblandt folkene.46 De spilte op sin munn mot oss alle våre fiender.47 Gru og grav er blitt oss til del, ødeleggelse og undergang.48 Bekker av tårer rinner fra mitt øie fordi mitt folks datter er gått under.49 Mitt øie rinner og har ikke ro, det får ingen hvile,50 før Herrens øie ser ned fra himmelen.51 Mitt øie volder min sjel smerte for alle min stads døtres skyld.52 Hårdt jaget de mig som en fugl de som var mine fiender uten årsak.53 De vilde gjøre ende på mitt liv, de vilde kaste mig i brønnen, og de kastet sten på mig.54 Vannene strømmet over mitt hode; jeg sa: Jeg er fortapt.55 Jeg påkalte ditt navn, Herre, fra den dypeste brønn.56 Du hørte min røst; lukk ikke ditt øre for mitt rop, men la mig få lindring!57 Du var nær den dag jeg kalte på dig; du sa: Frykt ikke!58 Herre, du har ført min sjels sak, du har frelst mitt liv.59 Herre, du har sett den urett jeg har lidt; døm i min sak!60 Du har sett all deres hevn, alle deres onde råd mot mig.61 Du har hørt deres hån, Herre, alle deres onde råd mot mig,62 mine motstanderes tale og deres tanker mot mig den hele dag.63 Akt på dem når de sitter, og når de står op! De synger spottesanger om mig.64 Du vil gjøre gjengjeld mot dem, Herre, efter deres henders gjerning.65 Du vil legge et dekke over deres hjerte, din forbannelse vil bli dem til del.66 Du vil forfølge dem i vrede og ødelegge dem, så de ikke mere finnes under Herrens himmel.

Veja também

Publicidade
Lamentações
Ver todos os capítulos de Lamentações
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-