Publicidade

Levítico 14

1 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi, 2 Ito ang magiging kautusan tungkol sa may ketong, sa kaarawan ng kaniyang paglilinis, siya'y dadalhin sa saserdote: 3 At ang saserdote ay lalabas sa kampamento; at titingnan ng saserdote, at, narito, kung ang salot na ketong ay gumaling sa may ketong; 4 Ay ipagutos nga ng saserdote na ikuha siya na lilinisin, ng dalawang ibong malinis na buhay, at kahoy na cedro, at grana, at hisopo; 5 At ipaguutos ng saserdote, na patayin ang isa sa mga ibon, sa isang sisidlang lupa sa ibabaw ng tubig na umaagos. 6 Tungkol sa ibong buhay, ay kaniyang kukunin at ang kahoy na cedro, at ang grana at ang hisopo, at babasain pati ng ibong buhay, sa dugo ng ibong pinatay sa ibabaw ng tubig na umaagos: 7 At iwiwisik niya na makapito doon sa kaniya na lilinisin sa ketong, at ipakikilalang malinis, at pawawalan ang ibong buhay sa kalawakan ng parang. 8 At siya na lilinisin ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magaahit ng lahat niyang buhok, at maliligo sa tubig; at magiging malinis: at pagkatapos ay papasok sa kampamento, datapuwa't tatahan sa labas ng kaniyang tolda na pitong araw. 9 At mangyayaring sa ikapitong araw, ay muling magaahit ng lahat niyang buhok, sa kaniyang ulo, at sa kaniyang baba, at sa kaniyang kilay, na anopa't aahitin niya ang lahat niyang buhok; at kaniyang lalabhan ang kaniyang mga suot, at kaniyang paliliguan ang kaniyang laman sa tubig, at magiging malinis. 10 At sa ikawalong araw ay kukuha siya ng dalawang korderong lalake na walang kapintasan, at ng isang korderong babae ng unang taon na walang kapintasan, at ng isang handog na harina na tatlong ikasangpung bahagi ng isang epa ng mainam na harina na hinaluan ng langis, at ng isang log na langis. 11 At ihaharap ang taong lilinisin ng saserdoteng naglilinis sa kaniya, at gayon din ang mga bagay na yaon, sa harap ng Panginoon, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: 12 At kukuha ang saserdote ng isa sa mga korderong lalake at ihahandog na pinakahandog sa pagkakasala, at ng log ng langis, at aalugin na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon: 13 At papatayin ang korderong lalake sa pinagpapatayan ng handog dahil sa kasalanan at ng handog na susunugin, sa dako ng santuario: sapagka't kung paanong ang handog dahil sa kasalanan ay sa saserdote, gayon din ang handog dahil sa pagkakasala; bagay ngang kabanalbanalan: 14 At ang saserdote ay kukuha sa dugo ng handog dahil sa pagkakasala, at ilalagay ng saserdote sa pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa; 15 At kukuha ang saserdote sa log ng langis, at ibubuhos sa ibabaw ng palad ng kaniyang kaliwang kamay: 16 At itutubog ng saserdote ang kanang daliri niya sa langis na nasa kaniyang kaliwang kamay, at magwiwisik siyang makapito ng langis ng kaniyang daliri sa harap ng Panginoon: 17 At sa lumabis sa langis na nasa kaniyang kamay, ay maglalagay ang saserdote sa ibabaw ng pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa, sa ibabaw ng dugo ng dahil sa pagkakasala: 18 At ang labis sa langis na nasa kamay ng saserdote, ay ilalagay nito sa ulo niyaong lilinisin: at itutubos sa kaniya ng saserdote sa harap ng Panginoon. 19 At ihahandog ng saserdote ang handog dahil sa kasalanan, at itutubos sa kaniya, na lilinisin dahil sa kaniyang karumihan; at pagkatapos ay papatayin ang handog na susunugin: 20 At ihahandog ng saserdote ang handog na susunugin at ang handog na harina sa ibabaw ng dambana: at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y magiging malinis. 21 At kung siya'y dukha at ang kaniyang kaya ay hindi aabot, ay kukuha nga siya ng isang korderong lalake na handog dahil sa pagkakasala, na aalugin upang itubos sa kaniya, at ng ikasampung bahagi ng isang epa na mainam na harina, na hinaluan ng langis na pinakahandog na harina, at ng isang log ng langis; 22 At ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati, kung alin ang aabutin ng kaniyang kaya; at ang isa'y magiging handog dahil sa kasalanan, at ang isa'y handog na susunugin. 23 At sa ikawalong araw ay kaniyang dadalhin sa saserdote sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan upang gamitin sa kaniyang paglilinis sa harap ng Panginoon. 24 At kukunin ng saserdote ang korderong handog dahil sa pagkakasala at ang log ng langis, at aalugin ng saserdote na pinakahandog na inalog sa harap ng Panginoon. 25 At kaniyang papatayin ang korderong handog dahil sa pagkakasala, at kukuha ang saserdote ng dugo ng handog dahil sa pagkakasala, at ilalagay sa pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa: 26 At magbubuhos ang saserdote ng langis sa ibabaw ng palad ng kaniyang kaliwang kamay: 27 At makapitong magwiwisik ang saserdote ng kaniyang kanang daliri, ng langis na nasa kaniyang kaliwang kamay, sa harap ng Panginoon: 28 At maglalagay ang saserdote ng langis na nasa kaniyang kamay, sa pingol ng kanang tainga niyaong lilinisin, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang kamay, at sa daliring hinlalaki ng kaniyang kanang paa, sa ibabaw ng pinaglagyan ng dugong handog dahil sa pagkakasala: 29 At ang labis ng langis na nasa kamay ng saserdote ay ilalagay niya sa ulo niyaong lilinisin, upang itubos sa kaniya sa harap ng Panginoon. 30 At kaniyang ihahandog ang isa sa mga batobato o sa mga inakay ng kalapati, kung alin ang kaniyang kaya; 31 Kung alin ang abutin ng kaniyang kaya, na ang isa'y handog dahil sa kasalanan, at ang isa'y handog na susunugin, pati ng handog na harina: at itutubos ng saserdote doon sa malilinis sa harap ng Panginoon. 32 Ito ang kautusan tungkol sa may salot na ketong, na ang kaniyang kaya ay hindi abot sa nauukol sa kaniyang paglilinis. 33 At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sinasabi, 34 Pagka kayo'y nakapasok na sa lupain ng Canaan, na ibibigay kong pag-aari sa inyo, at ako'y naglagay ng salot na ketong sa alin mang bahay sa lupain ninyong inaari; 35 Ay yayaon ang may-ari ng bahay at magbibigay alam sa saserdote, na sasabihin, Tila mandin mayroong parang salot sa bahay: 36 At ipaguutos ng saserdote na alisan ng laman ang bahay bago pumasok ang saserdote na kilalanin ang tila salot, upang ang lahat na nasa bahay ay huwag mahawa: at pagkatapos ay papasok ang saserdote upang tingnan ang bahay: 37 At titingnan ang salot, at kung makita ngang ang tila salot ay nasa mga panig ng bahay na may ukit na namemerde, o namumula at tila malalim kaysa panig; 38 Ay lalabas nga ang saserdote sa bahay hanggang sa pintuan ng bahay at ipasasara ang bahay na pitong araw: 39 At babalik ang saserdote sa ikapitong araw, at titingnan: at, narito, kung makita ngang kumalat ang salot sa mga panig ng bahay; 40 Ay ipaguutos nga ng saserdote na bunutin ang mga batong kinaroonan ng tila salot at ipatatapon sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal: 41 At ipakakayas ang palibot ng loob ng bahay, at ang argamasang inalis na kinayas ay itatapon sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal: 42 At magsisikuha ng ibang mga bato, at ihahalili sa mga batong yaon, at magsisikuha ng ibang argamasa at siyang ihahaplos sa mga panig ng bahay. 43 At kung muling bumalik ang tila salot, at sumibol sa bahay, pagkatapos na mabunot ang mga bato; at pagkatapos makayas ang bahay, at pagkatapos na mahaplusan ng argamasa; 44 Ay papasok nga ang saserdote at titingnan, at, narito, kung makita ngang ang salot ay kumalat sa bahay ay ketong na nakakahawa sa bahay; ito'y karumaldumal. 45 At gigibain niya ang bahay na yaon, ang mga bato at ang mga kahoy, at ang lahat ng argamasa ng bahay; ay dadalhin sa labas ng bayan sa dakong karumaldumal. 46 Bukod dito'y ang pumasok sa bahay na yaon ng buong panahong nasasara ay magiging karumaldumal hanggang sa hapon. 47 At ang mahiga sa bahay na yaon ay maglalaba ng kaniyang mga suot; at ang kumain sa bahay na yaon ay maglalaba ng kaniyang mga suot. 48 At kung papasok ang saserdote, at, narito, kung hindi nga kumalat ang salot sa bahay, pagkatapos na nahaplusan ng argamasa; ay ipakikilala nga ng saserdote na malinis ang bahay, sapagka't gumaling sa salot. 49 At upang linisin ang bahay ay kukuha ng dalawang ibon, at ng kahoy na cedro, at ng grana, at ng hisopo: 50 At papatayin ang isa sa mga ibon sa isang sisidlang lupa sa ibabaw ng tubig na umaagos: 51 At kukunin niya ang kahoy na cedro, at ang hisopo, at ang grana, at ang ibong buhay, at babasain sa dugo ng ibong pinatay, at sa tubig na umaagos, at wiwisikang makapito ang bahay: 52 At kaniyang lilinisin ng dugo ng ibon ang bahay at ng agos ng tubig, at ng ibong buhay at ng kahoy na cedro, at ng hisopo, at ng grana: 53 Datapuwa't pawawalan ang ibong buhay sa labas ng bayan, sa kalawakan ng parang: gayon tutubusin ang bahay: at magiging malinis. 54 Ito ang kautusan tungkol sa sarisaring salot na ketong at sa tina, 55 At sa ketong ng suot, at ng bahay. 56 At sa pamamaga at sa langib, at sa pantal na makintab: 57 Upang ituro kung kailan karumaldumal, at kung kailan malinis: ito ang kautusan tungkol sa ketong.

1 Og Herren talte til Moses og sa:2 Dette er loven om den spedalske, når han skal renses: Han skal føres til presten;3 og presten skal gå utenfor leiren, og når da presten ser på ham og finner at han er helbredet for sin spedalskhet,4 da skal presten befale at det for den som lar sig rense, skal tas to levende rene fugler og sedertre og karmosinrød ull og isop,5 og la dem slakte den ene fugl over et lerkar som er fylt med rinnende vann.6 Så skal han ta den levende fugl og sedertreet og den karmosinrøde ull og isopen og dyppe dem sammen med den levende fugl i blodet av den fugl som er slaktet over det rinnende vann,7 og sprenge syv ganger på den som lar sig rense for spedalskhet, og således rense ham, og den levende fugl skal han la flyve sin vei bortover marken.8 Og den som lar sig rense, skal tvette sine klær og rake av alt sitt hår og bade sig i vann, så er han ren, og derefter kan han gå inn i leiren; men han skal holde sig utenfor sitt telt i syv dager.9 Den syvende dag skal han rake av alt sitt hår, både sitt hodehår og sitt skjegg og sine øienbryn - alt sitt hår skal han rake av, og han skal tvette sine klær og bade sitt legeme i vann, så er han ren.10 Den åttende dag skal han ta to værlam uten lyte og et årsgammelt hunlam uten lyte og til matoffer tre tiendedeler av en efa fint mel, blandet med olje, og så en log* olje. / {* et mål for flytende varer.}11 Og presten som forestår renselsen, skal stille den mann som lar sig rense, og de ting han skal ofre, frem for Herrens åsyn, ved inngangen til sammenkomstens telt.12 Så skal presten ta det ene værlam og bære det frem til skyldoffer sammen med den tilhørende log olje, og han skal svinge dem for Herrens åsyn.13 Værlammet skal slaktes på det sted hvor syndofferet og brennofferet blir slaktet, på det hellige sted; for likesom syndofferet, således hører også skyldofferet presten til, det er høihellig.14 Så skal presten ta av skyldofferets blod og stryke på den høire ørelapp på den som lar sig rense, og på hans høire tommelfinger og på hans høire stortå.15 Og presten skal ta av den tilhørende log olje og helle i sin venstre hånd16 og så dyppe sin høire pekefinger i oljen som han har i sin venstre hånd, og sprenge av oljen med sin finger syv ganger for Herrens åsyn.17 Og av resten av oljen som er i hans hånd, skal presten stryke noget på den høire ørelapp på den som lar sig rense, og på hans høire tommelfinger og på hans høire stortå, ovenpå blodet av skyldofferet.18 Og det som enda er tilovers av oljen som presten har i sin hånd, skal han helle på hodet på den som lar sig rense. Og således skal presten gjøre soning for ham for Herrens åsyn.19 Så skal presten ofre syndofferet og gjøre soning for den som lar sig rense for sin urenhet; og derefter skal han slakte brennofferet.20 Og presten skal ofre brennofferet og matofferet på alteret og således gjøre soning for ham, så er han ren.21 Men er det en fattig mann, som ikke har råd til så meget, da skal han ta et værlam til skyldoffer - det skal svinges til soning for ham - og en tiendedel av en efa fint mel, blandet med olje, til matoffer, og en log olje22 og to turtelduer eller to dueunger, efter som han har råd til; den ene skal være til syndoffer, og den andre til brennoffer.23 På den åttende dag av sin renselse skal han bære dette frem til presten, til inngangen til sammenkomstens telt, for Herrens åsyn.24 Og presten skal ta skyldofferlammet og den tilhørende log olje og svinge dem for Herrens åsyn.25 Og de skal slakte skyldofferlammet, og presten skal ta av skyldofferets blod og stryke på den høire ørelapp på den som lar sig rense, og på hans høire tommelfinger og på hans høire stortå.26 Så skal presten helle av oljen i sin venstre hånd,27 og med sin høire pekefinger skal han sprenge syv ganger for Herrens åsyn av oljen som han har i sin venstre hånd.28 Så skal presten stryke noget av oljen som han har i sin hånd, på den høire ørelapp på den som lar sig rense, og på hans høire tommelfinger og på hans høire stortå, ovenpå det sted hvor blodet av skyldofferet er.29 Og det som enda er tilovers av oljen som presten har i sin hånd, skal han helle på hodet på den som lar sig rense, for å gjøre soning for ham for Herrens åsyn.30 Så skal han ofre den ene av turtelduene eller av dueungene - det som han har råd til -31 som syndoffer og den andre som brennoffer sammen med matofferet; og presten skal gjøre soning for den som lar sig rense, for Herrens åsyn.32 Dette er loven om den som lider av spedalskhet, men ikke har råd til å ofre meget når han skal renses.33 Og Herren talte til Moses og Aron og sa:34 Når I kommer inn i Kana'ans land, som jeg gir eder til eiendom, og jeg lar spedalskhet komme på noget hus i det land I får i eie,35 da skal den som eier huset, gå og melde det til presten og si: Det ser ut for mig som det er kommet spedalskhet på huset.36 Så skal presten la huset rydde, før han selv kommer for å se på flekkene, så ikke alt det som er i huset, skal bli urent; og derefter skal han komme og se på huset.37 Dersom han da, når han ser på flekkene, finner at flekkene på husets vegger viser sig som grønnlige eller rødlige fordypninger som synes å ligge dypere enn veggen,38 da skal han gå ut av huset til husets dør, og han skal stenge huset og holde det tillåst i syv dager.39 Den syvende dag skal presten komme igjen, og når han da ser på det og finner at flekkene har bredt sig ut på husets vegger,40 da skal han la de stener som flekkene er på, brytes ut og kastes utenfor byen, på et urent sted.41 Derefter skal huset skrapes innvendig rundt omkring, og det støv som er skrapet av, skal kastes utenfor byen, på et urent sted.42 Så skal de ta andre stener og sette dem inn istedenfor de gamle stener, og de skal ta nytt ler og overstryke huset med.43 Bryter flekkene ut igjen på huset efterat stenene er tatt ut og huset skrapet og overstrøket,44 da skal presten komme og se på det, og dersom han da finner at flekkene har bredt sig ut på huset, da er det ondartet spedalskhet på huset; det er urent.45 Og da skal de rive huset ned, både stener og treverket og alt leret, og føre det utenfor byen, til et urent sted.46 Den som går inn i huset i hele den tid det holdes tillåst, skal være uren til om aftenen,47 og den som ligger i huset, skal tvette sine klær, og den som eter i huset, skal tvette sine klær.48 Men dersom presten, når han kommer og ser på det, finner at flekkene ikke har bredt sig ut på huset efterat det er blitt overstrøket, da skal han si huset rent; for da er ondet borte.49 Så skal han, forat huset kan bli renset, ta to fugler og sedertre og karmosinrød ull og isop.50 Den ene fugl skal han slakte over et lerkar som er fylt med rinnende vann,51 og så skal han ta sedertreet og isopen og den karmosinrøde ull og den levende fugl og dyppe dem i blodet av den fugl som er slaktet, og i det rinnende vann og sprenge på huset syv ganger.52 Og han skal rense huset med fuglens blod og med det rinnende vann og med den levende fugl og med sedertreet og med isopen og med den karmosinrøde ull53 og så la den levende fugl flyve utenfor byen, bortover marken; således skal han gjøre soning for huset, så det blir rent.54 Dette er loven om alle slags spedalskhet og om skurv55 og om spedalskhet på klær og på hus56 og om knuter i huden og om utslett og om lyse flekker på huden -57 til oplysning om når noget er urent, og når det er rent. Dette er loven om spedalskhet.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-