1 Siyang bumabasag ay sumampa sa harapan mo: ingatan mo ang katibayan, bantayan mo ang daan, palakasin mo ang iyong mga balakang, patibayin mo ang iyong kapangyarihan na mainam, 2 Sapagka't ibinabalik ng Panginoon ang karilagan ng Jacob na gaya ng karilagan ng Israel: sapagka't ang mga tagatuyo ay nagsituyo sa kanila, at sinira ang mga sanga ng kanilang mga puno ng ubas. 3 Ang kalasag ng kaniyang mga makapangyarihang lalake ay pumula, ang matapang na lalake ay nakapanamit ng matingkad na pula: ang mga karo ay nagsisikislap ng patalim sa kaarawan ng kaniyang paghahanda, at ang mga sibat na abeto ay nagsisigalaw ng kakilakilabot. 4 Ang mga karo ay nagsisihagibis sa mga lansangan; nangagkakabanggang isa't isa sa mga daan: ang anyo ng mga yaon ay gaya ng mga sulo; nagsisitakbong parang mga kidlat. 5 Naaalaala niya ang kaniyang mga bayani: sila'y nangatitisod sa kanilang paglakad; sila'y nangagmamadali sa kuta niyaon, at ang panakip ay handa. 6 Ang mga pintuan ng mga ilog ay bukas, at ang palacio ay nalansag. 7 At si Huzab ay nahubdan; siya'y dinala; at ang kaniyang mga alilang babae ay nananaghoy na parang huni ng mga kalapati, na nagsisidagok sa kanilang mga dibdib. 8 Datapuwa't ang Ninive mula nang una ay naging parang lawa ng tubig: gayon ma'y nagsisitakas. Tigil kayo, tigil kayo, isinisigaw nila; nguni't walang lumilingon. 9 Kunin ninyo ang samsam na pilak, kunin ninyo ang samsam na ginto; sapagka't walang katapusang kayamanan, na kaluwalhatian sa lahat ng maligayang kasangkapan. 10 Siya'y tuyo, at walang laman, at wasak; at ang puso ay natutunaw, at ang mga tuhod ay nagkakaumpugan, at ang pagdaramdam ay nasa lahat ng mga balakang, at ang mga mukha nilang lahat ay nangamumutla. 11 Saan nandoon ang yungib ng mga leon, at ang dakong sabsaban ng mga batang leon, na nililibutan ng leon at ng babaeng leon, ng batang leon, at walang tumatakot sa kanila? 12 Ang leon ay kumakatay ng sagana para sa kaniyang mga anak, at lumalapa para sa kaniyang mga babaeng leon, at pinupuno ng huli ang kaniyang mga cueba, at ng tangay ang kaniyang mga yungib. 13 Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking susunugin ang kaniyang mga karo sa usok, at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon; at aking ihihiwalay ang iyong huli sa lupa, at ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig.
1 Se der på fjellene dens føtter som kommer med godt budskap - som forkynner fred! Hold dine høitider, Juda, opfyll dine løfter! For de ugudelige skal ikke mere trenge inn i ditt land, de er alle utryddet.2 Det drar op mot dig en som vil sprede dig til alle kanter; vokt festningen, sku ut på veien, styrk dine lender, samle all din kraft!3 For Herren fører Jakobs høihet tilbake likesom Israels høihet, for ransmenn har plyndret dem og ødelagt deres vintrær.4 Hans kjempers skjold er rødfarvede, stridsmennene er klædd i skarlagen, vognene i luende stål på den dag han stiller dem op, og spydene svinges.5 På gatene raser vognene avsted, de styrter frem over torvene; de er som bluss å se til, som lyn farer de frem.6 Han kommer i hu sine gjæve menn; de snubler under sin gang, de haster avsted til bymuren, men skjoldtaket er reist.7 Portene ut mot elvene blir åpnet, og palasset forgår av angst.8 Og det står fast: Hun* blir avklædd, ført bort, og hennes piker kurrer som duer** og slår sig for sitt bryst. / {* Ninive fremstilt som en kvinne.} / {** ESK 7, 16.}9 Og Ninive er som en dam full av vann* like fra de dager det blev til. Men nu flyr de. Stans, stans! Men ingen vender sig om. / {* en folkerik stad.}10 Røv sølv, røv gull! For det er ingen ende på skattene, en overflod av allehånde kostelige ting!11 Tomt, tømt, uttømt! - forferdede hjerter og vaklende knær og verk i alle lender, og alles ansikter er blussende røde.12 Hvor er nu løvenes bolig, det sted hvor de unge løver fortærte sitt rov, hvor løven og løvinnen ferdedes og løveungen, og det var ingen som skremte dem?13 Hvor er løven, som røvet til dens unger hadde nok, og myrdet for sine løvinner og fylte sine huler med rov og sine boliger med det den hadde sønderrevet?14 Se, jeg kommer over dig, sier Herren, hærskarenes Gud, og jeg vil brenne dine vogner så de går op i røk, og dine unge løver skal sverdet fortære; og jeg vil utrydde ditt rov av jorden, og dine sendebuds røst skal ikke mere høres.