1 Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo. 2 Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya. 3 At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na parang huling ulan na dumidilig ng lupa. 4 Oh Ephraim, ano ang gagawin ko sa iyo? Oh Juda, ano ang gagawin ko sa iyo? sapagka't ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga, at parang hamog na lumalabas na maaga. 5 Kaya't aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas. 6 Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin. 7 Nguni't sila gaya ni Adan ay sumalangsang sa tipan: doo'y nagsigawa silang may paglililo laban sa akin. 8 Ang Galaad ay bayang gumagawa ng kasamaan; tigmak sa dugo. 9 At kung paanong ang mga pulutong ng mga tulisan na nagsisiabang sa isang tao, ay gayon ang pulutong ng mga saserdote na nagsisipatay sa daan na dakong Sichem; Oo, sila'y gumawa ng kahalayan. 10 Sa sangbahayan ni Israel ay nakakita ako ng kakilakilabot na bagay: doo'y nagpatutot ang Ephraim, ang Israel ay napahamak. 11 Sa iyo man, Oh Juda, may takdang paggapas, pagka aking ibabalik ang nangabihag sa aking bayan.
1 Kom, la oss vende om til Herren! For det er han som har sønderrevet, men han vil også læge oss; han slo, men han vil også forbinde oss.2 Han vil gjøre oss levende efter to dager; på den tredje dag vil han opreise oss, og vi skal leve for hans åsyn.3 Så la oss lære å kjenne Herren, la oss med iver søke å lære ham å kjenne! Hans opgang er så viss som morgenrøden, og han kommer til oss som regnet, som et vårregn som væter jorden.4 Hvad skal jeg gjøre med dig, Efra'im? Hvad skal jeg gjøre med dig, Juda? For eders kjærlighet er som en morgensky, lik duggen som tidlig går bort.5 Derfor har jeg hugget løs på dem ved profetene, drept dem ved min munns ord, og dommene over dig fór ut som et lyn.6 For jeg har lyst til kjærlighet og ikke til slaktoffer, og til gudskunnskap mere enn til brennoffer.7 Men de har brutt pakten, likesom Adam; der har de vært troløse mot mig.8 Gilead er en by med ugjerningsmenn, full av blodspor.9 Og lik en røverskare som lurer på folk, er hele presteflokken; de myrder på veien til Sikem; ja, skammelige ting har de gjort.10 I Israels hus har jeg sett grufulle ting; der driver Efra'im hor, der er Israel blitt urent.11 Også for dig, Juda, er det fastsatt en høst, når jeg gjør ende på mitt folks fangenskap.