Publicidade

Romanos 7

1 O hindi baga ninyo nalalaman mga kapatid (sapagka't nagsasalita ako sa mga taong nakakaalam ng kautusan), na ang kautusan ay naghahari sa tao samantalang siya'y nabubuhay? 2 Sapagka't ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa't kung ang asawa'y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa. 3 Kaya nga kung, samantalang nabubuhay ang asawa, siya'y makikisama sa ibang lalake, siya'y tatawaging mangangalunya: datapuwa't kung mamatay ang asawa, ay laya na siya sa kautusan, ano pa't siya'y hindi na mangangalunya, bagaman siya'y makisama sa ibang lalake. 4 Gayon din naman, mga kapatid ko, kayo'y nangamatay rin sa kautusan sa pamamagitan ng katawan ni Cristo; upang kayo'y makisama sa iba, sa makatuwid baga'y doon sa nabuhay na maguli, upang tayo'y magsipagbunga sa Dios. 5 Sapagka't nang tayo'y nangasa laman, ang mga pitang salarin na pawang sa pamamagitan ng kautusan, ay nagsigawa sa ating mga sangkap upang magsipagbunga sa kamatayan. 6 Datapuwa't ngayon tayo'y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo'y nangamatay doon sa nakatatali sa atin; ano pa't nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat. 7 Ano nga ang ating sasabihin? Ang kautusan baga'y kasalanan? Huwag nawang mangyari. Datapuwa't, hindi ko sana nakilala ang kasalanan, kundi sa pamamagitan ng kautusan: sapagka't hindi ko sana nakilala ang kasakiman, kung hindi sinasabi ng kautusan, Huwag kang mananakim: 8 Datapuwa't ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay gumawa sa akin sa pamamagitan ng utos ng sarisaring kasakiman: sapagka't kung walang kautusan ang kasalanan ay patay. 9 At nang isang panahon ako'y nabubuhay na walang kautusan: datapuwa't nang dumating ang utos, ay muling nabuhay ang kasalanan at ako'y namatay; 10 At ang utos na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito'y sa ikamamatay; 11 Sapagka't ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako. 12 Kaya nga ang kautusan ay banal, at ang utos ay banal, at matuwid, at mabuti. 13 Ang mabuti nga baga ay naging kamatayan sa akin? Huwag nawang mangyari. Kundi ang kasalanan, upang maipakilalang kasalanan, sa pamamagitan ng mabuti ay gumawa sa akin ng kamatayan; na sa pamamagitan ng utos ang kasalanan ay maging lalong sala. 14 Sapagka't nalalaman natin na ang kautusa'y sa espiritu: nguni't ako'y sa laman, na ipinagbili sa ilalim ng kasalanan. 15 Sapagka't ang ginagawa ko'y hindi ko nalalaman: sapagka't ang hindi ko ibig, ang ginagawa ko; datapuwa't ang kinapopootan ko, yaon ang ginagawa ko. 16 Nguni't kung ang hindi ko ibig, ang siyang ginagawa ko, ay sumasangayon ako na mabuti ang kautusan. 17 Kaya ngayo'y hindi ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin. 18 Sapagka't nalalaman ko na sa akin, sa makatuwid ay sa aking laman, ay hindi tumitira ang anomang bagay na mabuti: sapagka't ang pagnanasa ay nasa akin, datapuwa't ang paggawa ng mabuti ay wala. 19 Sapagka't ang mabuti na aking ibig, ay hindi ko ginagawa: nguni't ang masama na hindi ko ibig, ay siya kong ginagawa. 20 Datapuwa't kung ang hindi ko ibig, ang siya kong ginagawa, ay hindi na ako ang gumagawa nito, kundi ang kasalanang tumitira sa akin. 21 Kaya nga nasumpungan ko ang isang kautusan na, kung ibig kong gumawa ng mabuti, ang masama ay nasa akin. 22 Sapagka't ako'y nagagalak sa kautusan ng Dios ayon sa pagkataong loob: 23 Datapuwa't nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap. 24 Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan? 25 Nagpapasalamat ako sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo na Panginoon natin. Kaya nga tunay kong ipinaglilingkod ang aking pagiisip, sa kautusan ng Dios; datapuwa't ang laman ay sa kautusan ng kasalanan.

1 Eller vet I ikke, brødre - jeg taler jo til slike som kjenner loven - at loven hersker over mennesket så lenge det lever?2 Den gifte kvinne er jo ved loven bundet til sin mann så lenge han lever; men dersom mannen dør, er hun løst fra loven som bandt henne til mannen.3 Derfor skal hun kalles en horkvinne om hun, mens mannen lever, ekter en annen mann; men dersom mannen dør, er hun fri fra loven, så hun ikke blir en horkvinne om hun ekter en annen mann.4 Derfor, mine brødre, døde også I fra loven ved Kristi legeme, forat I skulde høre en annen til, ham som er opstanden fra de døde, så vi kan bære frukt for Gud.5 For da vi var i kjødet, virket de syndige lyster, som vaktes ved loven, således i våre lemmer at vi bar frukt for døden;6 men nu er vi løst fra loven, idet vi er død fra det som vi var fanget under, så vi tjener i Åndens nye vesen, og ikke i bokstavens gamle vesen.7 Hvad skal vi da si? er loven synd? Langt derifra! men jeg kjente ikke synden uten ved loven; for begjærligheten kjente jeg ikke dersom ikke loven hadde sagt: Du skal ikke begjære.8 Men synden tok anledning av budet og virket alskens begjærlighet i mig; for uten lov er synden død.9 Jeg levde en tid uten lov; men da budet kom, blev synden levende igjen,10 jeg derimot døde; og budet, som var til liv, det blev funnet å være mig til død;11 for synden tok anledning av budet og dåret og drepte mig ved det.12 Så er da loven hellig, og budet hellig og rettferdig og godt.13 Er da det som er godt, blitt mig til død? Langt derifra! men det var synden, forat den skulde vise sig som synd, idet den voldte mig døden ved det som er godt - forat synden skulde bli overvettes syndig ved budet.14 For vi vet at loven er åndelig; jeg derimot er kjødelig, solgt under synden;15 for hvad jeg gjør, vet jeg ikke; for jeg gjør ikke det som jeg vil; men det som jeg hater, det gjør jeg.16 Men gjør jeg det som jeg ikke vil, da vidner jeg jo med loven at den er god;17 men nu er det ikke mere jeg som gjør det, men synden, som bor i mig.18 For jeg vet at i mig, det er i mitt kjød, bor intet godt; for viljen har jeg, men å gjøre det gode makter jeg ikke;19 for jeg gjør ikke det gode som jeg vil, men det onde som jeg ikke vil, det gjør jeg.20 Men gjør jeg det som jeg ikke vil, da er det ikke mere jeg som gjør det, men synden, som bor i mig.21 Så finner jeg da den lov for mig, jeg som vil gjøre det gode, at det onde ligger mig for hånden;22 for jeg har lyst til Guds lov efter mitt innvortes menneske,23 men jeg ser en annen lov i mine lemmer, som strider mot loven i mitt sinn og tar mig til fange under syndens lov, den som er i mine lemmer.24 Jeg elendige menneske! hvem skal fri mig fra dette dødens legeme?25 Gud være takk ved Jesus Kristus, vår Herre! - Så tjener da jeg Guds lov med mitt sinn, men syndens lov med mitt kjød.

Veja também

Publicidade
Romanos
Ver todos os capítulos de Romanos
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-10_01-11-40-