1 Saan nagbubuhat ang mga pagbabaka at saan nagbubuhat ang mga pagaaway sa inyo? hindi baga nagbubuhat dito, sa inyong mga kalayawan na bumabaka sa inyong mga sangkap? 2 Kayo'y nangagiimbot, at kayo'y wala: kayo'y nagsisipatay, at kayo'y nangaiinggit, at hindi maaaring kamtan: kayo'y nangakikipagaway at nangakikipagbaka; kayo'y wala, sapagka't hindi kayo nagsisihingi. 3 Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan. 4 Kayong mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios. 5 O iniisip baga ninyo na ang kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan? Ang Espiritu baga na pinatira sa atin ay nagnanais hanggang sa kapanaghilian? 6 Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba. 7 Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo. 8 Magsilapit kayo sa Dios, at siya'y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga may dalawang akala. 9 Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan. 10 Mangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo. 11 Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, o humahatol sa kaniyang kapatid, ay nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom. 12 Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, sa makatuwid baga'y ang makapagliligtas at makapagwawasak: datapuwa't sino ka na humahatol sa iyong kapuwa? 13 Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi, Ngayon o bukas ay magsisiparoon kami sa gayong bayan, at titira kami doong isang taon, at mangangalakal, at magtutubo: 14 Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi. 15 Sapagka't ang dapat ninyong sabihin ay, Kung loloobin ng Panginoon ay mangabubuhay kami, at gagawin namin ito o yaon. 16 Datapuwa't ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga pagpapalalo: ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay masama. 17 Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya.
1 Hvorfra kommer all ufreden, og hvorfra kommer all striden iblandt eder? Er det ikke av eders lyster, som fører krig i eders lemmer?2 I attrår, og har ikke; I slår ihjel og bærer avind, og kan ikke få; I ligger i strid og ufred. I har ikke, fordi I ikke beder;3 I beder og får ikke, fordi I beder ille, for å øde det i eders lyster.4 I utro! vet I ikke at vennskap med verden er fiendskap mot Gud? Den altså som vil være verdens venn, han blir Guds fiende.5 Eller mener I at Skriften taler fåfengt? Med nidkjærhet attrår han den ånd han lot bo i oss, men dess større er den nåde han gir.6 Derfor heter det: Gud står de stolte imot, men de ydmyke gir han nåde.7 Vær derfor Gud undergitt! Men stå djevelen imot, og han skal fly fra eder;8 hold eder nær til Gud, og han skal holde sig nær til eder! Tvett hendene, I syndere, og rens hjertene, I tvesinnede!9 Kjenn eders nød og sørg og gråt! Eders latter vende sig til sorg, og gleden til bedrøvelse!10 Ydmyk eder for Herren, og han skal ophøie eder!11 Baktal ikke hverandre, brødre! Den som baktaler en bror eller dømmer sin bror, han baktaler loven og dømmer loven; men dømmer du loven, da er du ikke lovens gjører, men dens dommer.12 Én er lovgiveren og dommeren, han som er mektig til å frelse og til å ødelegge; men du, hvem er du som dømmer din neste?13 Og nu, I som sier: Idag eller imorgen vil vi dra til den by og bli der et år og kjøpslå og ha vinning,14 I som ikke vet hvad som skal hende imorgen! For hvad er eders liv? I er jo en røk som viser sig en liten stund og så blir borte!15 Istedenfor at I skulde si: Om Herren vil, så blir vi i live, og vi skal gjøre dette eller hint.16 Men nu roser I eder i eders overmot. All sådan ros er ond.17 Den som altså vet å gjøre godt og ikke gjør det, han har synd av det.