1 Datapuwa't ito'y ipinasiya ko sa aking sarili, na hindi na ako muling paririyan sa inyo na may kalumbayan. 2 Sapagka't kung kayo'y palulumbayin ko, sino nga ang sa akin ay magpapagalak, kundi yaong pinalulumbay ko? 3 At aking isinulat ang bagay ring ito, upang pagdating ko ay huwag akong magkaroon ng kalumbayan doon sa mga nararapat kong ikagalak; sa pagkakatiwala sa inyong lahat, na ang aking kagalakan ay kagalakan ninyong lahat. 4 Sapagka't sa malaking kapighatian at hapis ng puso ay sinulatan ko kayo na may maraming luha; hindi upang kayo'y palumbayin, kundi upang inyong makilala ang pagibig kong napakasagana sa inyo. 5 Datapuwa't kung ang sinoman ay nakapagpalumbay, hindi ako ang pinalumbay niya, kundi sa isang paraan ay kayong lahat (upang huwag kong higpitang totoo). 6 Sukat na sa gayon ang kaparusahang ito na ipinarusa ng marami; 7 Upang bagkus ninyong patawarin siya at aliwin siya, baka sa anomang paraan ay madaig ang gayon ng kaniyang malabis na kalumbayan. 8 Dahil dito'y ipinamamanhik ko sa inyo na papagtibayin ninyo ang pagibig sa kaniya. 9 Sapagka't dahil din sa bagay na ito ay sumulat ako, upang aking makilala ang katunayan tungkol sa inyo, kung kayo'y mga matalimahin sa lahat ng mga bagay. 10 Datapuwa't ang inyong pinatatawad ng anoman ay pinatatawad ko rin naman: sapagka't ang aking ipinatawad naman, kung ako'y nagpapatawad ng anoman, ay dahil sa inyo, sa harapan ni Cristo; 11 Upang huwag kaming malamangan ni Satanas: sapagka't kami ay hindi hangal sa kaniyang mga lalang. 12 Nang ako'y dumating nga sa Troas dahil sa evangelio ni Cristo, at nang mabuksan sa akin ang isang pinto sa Panginoon, 13 Ay hindi ako nagkaroon ng katiwasayan sa aking espiritu, sapagka't hindi ko nasumpungan si Tito na kapatid ko: datapuwa't pagkapagpaalam ko sa kanila, ako'y napasa Macedonia. 14 Datapuwa't salamat sa Dios, na laging pinapagtatagumpay tayo kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawa't dako. 15 Sapagka't sa mga inililigtas, at sa mga napapahamak ay masarap tayong samyo ni Cristo sa Dios; 16 Sa isa ay samyo mula sa kamatayan sa ikamamatay; at sa iba ay samyong mula sa kabuhayan sa ikabubuhay. At sino ang sapat sa mga bagay na ito? 17 Sapagka't hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo.
1 But I determined this with myself, that I would not come again to you in heaviness.2 For if I make you sorry, who is he then that makes me glad, but the same who is made sorry by me?3 And I wrote this same unto you, lest, when I came, I should have sorrow from them of whom I ought to rejoice; having confidence in you all, that my joy is the joy of you all.4 For out of much affliction and anguish of heart I wrote unto you with many tears; not that you should be grieved, but that you might know the love which I have more abundantly unto you.5 But if any has caused grief, he has not grieved me, but in part: that I may not overburden you all.6 Sufficient to such a man is this punishment, which was inflicted of many.7 So that instead you ought rather to forgive him, and comfort him, lest perhaps such a one should be swallowed up with too much sorrow.8 Therefore I beseech you that you would confirm your love toward him.9 For to this end also did I write, that I might know the proof of you, whether you be obedient in all things.10 To whom you forgive anything, I forgive also: for if I forgave anything, to whom I forgave it, for your sakes I forgave it in the person of Christ;11 Lest Satan should get an advantage of us: for we are not ignorant of his devices.12 Furthermore, when I came to Troas to preach Christ's gospel, and a door was opened unto me of the Lord,13 I had no rest in my spirit, because I found not Titus my brother: but taking my leave of them, I went from there into Macedonia.14 Now thanks be unto God, who always causes us to triumph in Christ, and makes manifest the fragrance of his knowledge by us in every place.15 For we are unto God a sweet fragrance of Christ, in them that are saved, and in them that perish:16 To the one we are the fragrance of death unto death; and to the other the fragrance of life unto life. And who is sufficient for these things?17 For we are not as many, who corrupt the word of God: but as of sincerity, but as of God, in the sight of God speak we in Christ.