Publicidade

2 Crônicas 20

1 At nangyari, pagkatapos nito, na ang mga anak ni Moab, at ang mga anak ni Ammon, at pati ng iba sa mga Ammonita, ay naparoon laban kay Josaphat upang makipagbaka. 2 Nang magkagayo'y nagsiparoon ang iba na nagsipagsaysay kay Josaphat, na nagsasabi, May lumalabas na isang lubhang karamihan laban sa iyo na mula sa dako roon ng dagat na mula sa Siria; at, narito, sila'y nangasa Hasason-tamar (na siyang Engedi). 3 At si Josaphat ay natakot, at tumalagang hanapin ang Panginoon; at siya'y nagtanyag ng ayuno sa buong Juda. 4 At ang Juda'y nagpipisan, upang huminging tulong sa Panginoon: sa makatuwid baga'y mula sa lahat na bayan ng Juda ay nagsiparoon upang hanapin ang Panginoon. 5 At si Josaphat ay tumayo sa kapisanan ng Juda at Jerusalem, sa bahay ng Panginoon, sa harap ng bagong looban; 6 At kaniyang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng aming mga magulang, di ba ikaw ay Dios sa langit? at di ba ikaw ay puno sa lahat na kaharian ng mga bansa? at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at lakas, na anopa't walang makahaharap sa iyo. 7 Di mo ba pinalayas, Oh aming Dios, ang mga nananahan sa lupaing ito sa harap ng iyong bayang Israel, at iyong ibinigay sa binhi ni Abraham na iyong kaibigan magpakailan man? 8 At nagsitahan sila roon at ipinagtayo ka ng santuario roon na ukol sa iyong pangalan, na sinasabi, 9 Kung ang kasamaan ay dumating sa amin, ang tabak ng kahatulan, o salot, o kagutom, kami ay magsisitayo sa harap ng bahay na ito, at sa harap mo, (sapagka't ang iyong pangalan ay nasa bahay na ito,) at kami ay dadaing sa iyo sa aming pagdadalamhati, at kami ay iyong didinggin at ililigtas. 10 At ngayon, narito, ang mga anak ni Ammon at ni Moab, at ng sa bundok ng Seir na hindi mo ipinalusob sa Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, kundi kanilang nilikuan sila, at hindi sila nilipol; 11 Tingnan mo, kung paanong sila'y gumaganti sa amin, na nagsisiparito upang palayasin kami sa iyong pag-aari, na iyong ibinigay sa amin upang manahin. 12 Oh aming Dios, hindi mo ba hahatulan sila? sapagka't wala kaming kaya laban sa malaking pulutong na ito na naparirito laban sa amin, ni hindi man nalalaman namin kung anong marapat gawin; nguni't ang aming mga mata ay nasa iyo. 13 At ang buong Juda ay tumayo sa harap ng Panginoon, pati ang kanilang mga bata, ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak. 14 Nang magkagayo'y dumating kay Jahaziel na anak ni Zacharias, na anak ni Benaias, na anak ni Jeiel, na anak ni Mathanias na Levita, sa mga anak ni Asaph ang Espiritu ng Panginoon sa gitna ng kapisanan; 15 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, buong Juda, at ninyong mga taga Jerusalem, at ikaw na haring Josaphat: ganito ang sabi ng Panginoon sa inyo, Huwag kayong mangatakot, o manglupaypay man dahil sa malaking karamihang ito; sapagka't ang pakikipagbaka ay hindi inyo, kundi sa Dios. 16 Bukas ay magsilusong kayo laban sa kanila: narito, sila'y nagsiahon sa ahunan ng Sis; at inyong masusumpungan sila sa dulo ng libis, sa harap ng ilang ng Jeruel. 17 Kayo'y hindi magkakailangan na makipaglaban sa pagbabakang ito: magsilagay kayo, magsitayo kayong panatag, at tingnan ninyo ang pagliligtas, ng Panginoon na kasama ninyo, Oh Juda at Jerusalem: huwag kayong mangatakot, o manganglupaypay man: bukas ay magsilabas kayo laban sa kanila; sapagka't ang Panginoon ay sumasa inyo. 18 At itinungo ni Josaphat ang kaniyang ulo sa lupa: at ang buong Juda at ang mga taga Jerusalem ay nangagpatirapa sa harap ng Panginoon, na nagsisamba sa Panginoon. 19 At ang mga Levita, sa mga anak ng mga Coathita at sa mga anak ng mga Coraita; ay nagsitayo upang purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ng totoong malakas na tinig. 20 At sila'y nagsibangong maaga sa kinaumagahan, at nagsilabas sa ilang ng Tecoa: at habang sila'y nagsisilabas, si Josaphat ay tumayo, at nagsabi, Dinggin ninyo ako, Oh Juda, at ninyong mga taga Jerusalem; sumampalataya kayo sa Panginoon ninyong Dios, sa gayo'y matatatag kayo; sumampalataya kayo sa kaniyang mga propeta, sa gayo'y giginhawa kayo. 21 At nang siya'y makakuhang payo sa bayan, kaniyang inihalal sa kanila ang magsisiawit sa Panginoon at magsisipuri sa ganda ng kabanalan habang sila'y nagsisilabas na nagpapauna sa hukbo at magsipagsabi, Mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man. 22 At nang sila'y mangagpasimulang magsiawit at magsipuri, ang Panginoon ay naglagay ng mga bakay laban sa mga anak ni Ammon, ni Moab, at ng sa bundok ng Seir, na nagsiparoon laban sa Juda; at sila'y nangasugatan. 23 Sapagka't ang mga anak ni Ammon at ni Moab ay nagsitayo laban sa mga taga bundok ng Seir, upang lubos na magsipatay at lipulin sila: at nang sila'y makatapos sa mga taga bundok ng Seir, bawa't isa'y tumulong na lumipol sa iba. 24 At nang ang Juda ay dumating sa bantayang moog sa ilang, sila'y nagsitingin sa karamihan; at, narito, mga bangkay na nangakabuwal sa lupa, at walang nakatanan. 25 At nang si Josaphat at ang kaniyang bayan ay magsiparoon upang kunin ang samsam sa kanila, kanilang nasumpungan sa kanila na sagana ay mga kayamanan at mga bangkay, at mga mahahalagang hiyas na kanilang mga sinamsam para sa kanilang sarili, na higit kay sa kanilang madala: at sila'y nagsidoon na tatlong araw, sa pagkuha ng samsam, na totoong marami. 26 At nang ikaapat na araw, sila'y nagpupulong sa libis ng Baracah; sapagka't doo'y kanilang pinuri ang Panginoon: kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Libis ng Baracah, hanggang sa araw na ito. 27 Nang magkagayo'y nagsibalik sila, bawa't lalake sa Juda, at sa Jerusalem, at si Josaphat ay sa unahan nila, upang bumalik sa Jerusalem na may kagalakan; sapagka't sila'y pinapagkatuwa ng Panginoon sa kanilang mga kaaway. 28 At sila'y nagsiparoon sa Jerusalem na may mga salterio at mga alpa, at mga pakakak sa bahay ng Panginoon. 29 At ang takot sa Dios ay napasa lahat na kaharian ng mga lupain, nang kanilang mabalitaang ang Panginoon ay nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel. 30 Sa gayo'y ang kaharian ni Josaphat ay natahimik: sapagka't binigyan siya ng kaniyang Dios ng kapahingahan sa palibot. 31 At si Josaphat ay naghari sa Juda: siya'y may tatlong pu't limang taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang pu't limang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba na anak ni Silhi. 32 At siya'y lumakad ng lakad ni Asa na kaniyang ama, at hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon. 33 Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis; ni inilagak pa man ng bayan ang kanilang puso sa Dios ng kanilang mga magulang. 34 Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat, na una at huli, narito, nangakasulat sa kasaysayan ni Jehu na anak ni Hanani, na nasusulat sa aklat ng mga hari sa Israel. 35 At pagkatapos nito ay nakipisan si Josaphat na hari sa Juda kay Ochozias na hari sa Israel; na siyang gumawa ng totoong masama: 36 At siya'y nakipisan sa kaniya upang gumawa ng mga sasakyang dagat na magsisiparoon sa Tharsis: at kanilang ginawa ang mga sasakyan sa Esion-geber. 37 Nang magkagayo'y si Eliezer na anak ni Dodava sa Mareosah ay nanghula laban kay Josaphat, na kaniyang sinabi, Sapagka't ikaw ay nakipisan kay Ochozias, giniba ng Panginoon ang iyong mga gawa. At ang mga sasakyan ay nangabasag, na anopa't sila'y hindi na makaparoon sa Tharsis.

1 It came to pass after this also, that the children of Moab, and the children of Ammon, and with them others besides the Ammonites, came against Jehoshaphat to battle.2 Then there came some that told Jehoshaphat, saying, There comes a great multitude against you from beyond the sea on this side of Edom; and, behold, they are in Hazazon-tamar, which is En-gedi.3 And Jehoshaphat feared, and set his face to seek the LORD, and proclaimed a fast throughout all Judah.4 And Judah gathered themselves together, to ask help of the LORD: even out of all the cities of Judah they came to seek the LORD.5 And Jehoshaphat stood in the congregation of Judah and Jerusalem, in the house of the LORD, before the new court,6 And said, O LORD God of our fathers, are not you God in heaven? and rule you not over all the kingdoms of the nations? and in your hand is there not power and might, so that none is able to withstand you?7 Are not you our God, who did drive out the inhabitants of this land before your people Israel, and gave it to the descendants of Abraham your friend forever?8 And they dwelt in it, and have built you a sanctuary in it for your name, saying,9 If, when evil comes upon us, as the sword, judgment, or pestilence, or famine, we stand before this house, and in your presence, (for your name is in this house,) and cry unto you in our affliction, then you will hear and help.10 And now, behold, the children of Ammon and Moab and mount Seir, whom you would not let Israel invade, when they came out of the land of Egypt, but they turned from them, and destroyed them not;11 Behold, I say, how they reward us, to come to cast us out of your possession, which you have given us to inherit.12 O our God, will you not judge them? for we have no might against this great company that comes against us; neither know we what to do: but our eyes are upon you.13 And all Judah stood before the LORD, with their little ones, their wives, and their children.14 Then upon Jahaziel the son of Zechariah, the son of Benaiah, the son of Jeiel, the son of Mattaniah, a Levite of the sons of Asaph, came the spirit of the LORD in the midst of the congregation;15 And he said, Hearken you, all Judah, and you inhabitants of Jerusalem, and you king Jehoshaphat, Thus says the LORD unto you, Be not afraid nor dismayed by reason of this great multitude; for the battle is not yours, but God’s.16 Tomorrow go you down against them: behold, they come up by the cliff of Ziz; and you shall find them at the end of the valley, before the wilderness of Jeruel.17 You shall not need to fight in this battle: set yourselves, stand you still, and see the salvation of the LORD with you, O Judah and Jerusalem: fear not, nor be dismayed; tomorrow go out against them: for the LORD will be with you.18 And Jehoshaphat bowed his head with his face to the ground: and all Judah and the inhabitants of Jerusalem fell before the LORD, worshiping the LORD.19 And the Levites, of the children of the Kohathites, and of the children of the Korahites, stood up to praise the LORD God of Israel with a loud voice on high.20 And they rose early in the morning, and went forth into the wilderness of Tekoa: and as they went forth, Jehoshaphat stood and said, Hear me, O Judah, and you inhabitants of Jerusalem; Believe in the LORD your God, so shall you be established; believe his prophets, so shall you prosper.21 And when he had consulted with the people, he appointed singers unto the LORD, that should praise the beauty of holiness, as they went out before the army, and to say, Praise the LORD; for his mercy endures forever.22 And when they began to sing and to praise, the LORD set ambushes against the children of Ammon, Moab, and mount Seir, who were come against Judah; and they were defeated.23 For the children of Ammon and Moab stood up against the inhabitants of mount Seir, to slay and destroy them utterly: and when they had made an end of the inhabitants of Seir, everyone helped to destroy one another.24 And when Judah came to the watchtower in the wilderness, they looked toward the multitude, and, behold, they were dead bodies fallen to the earth, and none escaped.25 And when Jehoshaphat and his people came to take away the spoil of them, they found among them in abundance both riches with the dead bodies, and precious jewels, which they stripped off for themselves, more than they could carry away: and they were three days in the gathering of the spoil, it was so much.26 And on the fourth day they assembled themselves in the valley of Beracah; for there they blessed the LORD: therefore the name of the same place was called, The valley of Beracah, unto this day.27 Then they returned, every man of Judah and Jerusalem, and Jehoshaphat in front of them, to go again to Jerusalem with joy; for the LORD had made them to rejoice over their enemies.28 And they came to Jerusalem with lyres and harps and trumpets unto the house of the LORD.29 And the fear of God was on all the kingdoms of those countries, when they had heard that the LORD fought against the enemies of Israel.30 So the realm of Jehoshaphat was quiet: for his God gave him rest round about.31 And Jehoshaphat reigned over Judah: he was thirty and five years old when he began to reign, and he reigned twenty and five years in Jerusalem. And his mother’s name was Azubah the daughter of Shilhi.32 And he walked in the way of Asa his father, and departed not from it, doing that which was right in the sight of the LORD.33 However the high places were not taken away: for as yet the people had not prepared their hearts unto the God of their fathers.34 Now the rest of the acts of Jehoshaphat, from first to last, behold, they are written in the book of Jehu the son of Hanani, which is mentioned in the book of the kings of Israel.35 And after this did Jehoshaphat king of Judah join himself with Ahaziah king of Israel, who did very wickedly:36 And he joined himself with him to make ships to go to Tarshish: and they made the ships in Ezion-geber.37 Then Eliezer the son of Dodavahu of Mareshah prophesied against Jehoshaphat, saying, Because you have joined yourself with Ahaziah, the LORD has broken your works. And the ships were broken, that they were not able to go to Tarshish.

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-04-20_11-41-06-