1 Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi, 2 Hanggang kailan manghuhuli kayo ng mga salita? Inyong bulayin, at pagkatapos ay magsasalita kami. 3 Bakit kami nangabibilang na parang mga hayop, at naging marumi sa iyong paningin? 4 Ikaw na nagpapakabagbag sa iyong galit, pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo? O babaguhin ba ang bato mula sa kinaroroonan? 5 Oo, ang ilaw ng masama ay papatayin, at ang liyab ng kaniyang apoy ay hindi liliwanag. 6 Ang ilaw ay magdidilim sa kaniyang tolda, at ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin. 7 Ang mga hakbang ng kaniyang kalakasan ay mapipigil, at ang kaniyang sariling payo ang magbabagsak sa kaniya. 8 Sapagka't siya'y inihagis sa lambat ng kaniyang sariling mga paa, at siya'y lumalakad sa mga silo. 9 Isang panghuli ang huhuli sa kaniya sa mga sakong. At isang silo ay huhuli sa kaniya. 10 Ang panali ay nakakubli ukol sa kaniya sa lupa, at isang patibong na ukol sa kaniya ay nasa daan. 11 Mga kakilabutan ay tatakot sa kaniya sa lahat ng dako, at hahabol sa kaniya sa kaniyang mga sakong. 12 Ang kaniyang kalakasan ay manglalata sa gutom, at ang kapahamakan ay mahahanda sa kaniyang tagiliran. 13 Susupukin ang mga sangkap ng kaniyang katawan, Oo, lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga sangkap. 14 Siya'y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan; at siya'y dadalhin sa hari ng mga kakilabutan. 15 Tatahan sa kaniyang tolda yaong di niya kaanoano: azufre ay makakalat sa kaniyang tahanan. 16 Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo sa ilalim, at sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga. 17 Ang alaala sa kaniya ay mawawala sa lupa, at siya'y mawawalan ng pangalan sa lansangan. 18 Siya'y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag, at itatapon sa labas ng sanglibutan. 19 Siya'y hindi magkakaroon kahit anak, ni anak man ng anak sa gitna ng kaniyang bayan, ni anomang nalabi sa kaniyang pinakipamayanan. 20 Silang nagsisidating pagkatapos ay mangatitigilan sa kaniyang kaarawan, gaya ng nangauna na nangatakot. 21 Tunay na ganyan ang mga tahanan ng mga liko, at ito ang kalalagyan niya na hindi nakakakilala sa Dios.
1 Then answered Bildad the Shuhite, and said,2 How long will it be before you make an end of words? consider, and afterwards we will speak.3 Why are we counted as beasts, and regarded as vile in your sight?4 He tears himself in his anger: shall the earth be forsaken for you? and shall the rock be removed out of its place?5 Yea, the light of the wicked shall be put out, and the flame of his fire shall not shine.6 The light shall be dark in his tent, and his lamp shall be put out with him.7 The steps of his strength shall be shortened, and his own counsel shall cast him down.8 For he is cast into a net by his own feet, and he walks upon a snare.9 The trap shall take him by the heel, and a snare shall lay hold of him.10 The noose is laid for him on the ground, and a trap for him in the way.11 Terrors shall make him afraid on every side, and shall drive him to his feet.12 His strength shall be hunger-bitten, and destruction shall be ready at his side.13 It shall devour patches of his skin: even the firstborn of death shall devour his strength.14 His confidence shall be rooted out of his tent, and it shall bring him to the king of terrors.15 They shall dwell in his tent, who are none of his: brimstone shall be scattered upon his habitation.16 His roots shall be dried up beneath, and above shall his branch be cut off.17 His memory shall perish from the earth, and he shall have no name in the street.18 He shall be driven from light into darkness, and chased out of the world.19 He shall neither have son nor nephew among his people, nor any remaining in his dwellings.20 They that come after him shall be astounded at his day, as they that went before were frightened.21 Surely such are the dwellings of the wicked, and this is the place of him that knows not God.