1 Ang aking kaluluwa ay nalulunos sa aking buhay; aking palalayain ang aking daing; ako'y magsasalita sa kapaitan ng aking kaluluwa. 2 Sasabihin ko sa Dios: Huwag mo akong hatulan; ipakilala mo sa akin kung bakit nakikipagtalo ka sa akin. 3 Mabuti ba sa iyo na ikaw ay mamighati, na iyong itakuwil ang gawa ng iyong mga kaaway, at iyong pasilangin ang payo ng masama? 4 Ikaw ba'y may mga matang laman, o nakakakita ka bang gaya ng pagkakita ng tao? 5 Ang iyo bang mga kaarawan ay gaya ng mga kaarawan ng tao, o ang iyong mga taon ay gaya ng mga kaarawan ng tao, 6 Upang ikaw ay magsiyasat ng aking kasamaan, at magusisa ng aking kasalanan, 7 Bagaman iyong nalalaman na ako'y hindi masama; at walang makapagliligtas sa iyong kamay? 8 Ang iyong mga kamay ang siyang lumalang at nagbigay anyo sa akin sa buong palibot; gayon ma'y pinahihirapan mo ako. 9 Iyong alalahanin, isinasamo ko sa iyo, na ako'y iyong binigyang anyo na gaya ng putik; at iuuwi mo ba ako uli sa pagkaalabok? 10 Hindi mo ba ako ibinuhos na parang gatas, at binuo mo akong parang keso? 11 Ako'y binihisan mo ng balat at laman, at sinugpong mo ako ng mga buto at mga litid. 12 Ako'y pinagkalooban mo ng buhay at kagandahang-loob, at pinamalagi ang aking diwa ng iyong pagdalaw. 13 Gayon ma'y ang mga bagay na ito ay iyong ikinubli sa iyong puso; talastas ko na ito'y sa iyo: 14 Kung ako'y magkasala, iyo nga akong tinatandaan, at hindi mo ako patatawarin sa aking kasamaan. 15 Kung ako'y maging masama, sa aba ko; at kung ako'y maging matuwid, hindi ko man itataas ang aking ulo; yamang puspos ng kakutyaan, at ng pagmamasid niring kadalamhatian. 16 At kung ang aking ulo ay mataas, iyong hinuhuli akong parang leon: at napakikita ka uling kagilagilalas sa akin. 17 Iyong binabago ang iyong mga pagsaksi laban sa akin, at dinaragdagan mo ang iyong galit sa akin; paninibago at pakikipagbaka ang sumasaakin. 18 Bakit mo nga ako inilabas mula sa bahay-bata? Napatid sana ang aking hininga, at wala nang matang nakakita pa sa akin. 19 Ako sana'y naging parang hindi nabuhay; nadala sana ako mula sa bahay-bata hanggang sa libingan, 20 Hindi ba kaunti ang aking mga araw? paglikatin mo nga, at ako'y iyong bayaan, upang ako'y maginhawahan ng kaunti, 21 Bago ako manaw doon na hindi ako babalik, sa lupain ng kadiliman at ng lilim ng kamatayan; 22 Ang lupain na dilim, na gaya ng salimuot na kadiliman; lupain ng lilim ng kamatayan, na walang anomang ayos, at doon sa ang liwanag ay gaya ng salimuot na kadiliman.
1 My soul is weary of my life; I will leave my complaint upon myself; I will speak in the bitterness of my soul.2 I will say unto God, Do not condemn me; show me why you contend with me.3 Is it good unto you that you should oppress, that you should despise the work of your hands, and smile upon the counsel of the wicked?4 Have you eyes of flesh? or see you as man sees?5 Are your days as the days of man? are your years as man’s days,6 That you inquire after my iniquity, and search after my sin?7 You know that I am not wicked; and there is none that can deliver out of your hand.8 Your hands have made me and fashioned me together totally; yet you do destroy me.9 Remember, I beseech you, that you have made me as the clay; and will you bring me into dust again?10 Have you not poured me out as milk, and curdled me like cheese?11 You have clothed me with skin and flesh, and have knit me together with bones and sinews.12 You have granted me life and favor, and your care has preserved my spirit.13 And these things have you hid in your heart: I know that this is with you.14 If I sin, then you mark me, and you will not acquit me from my iniquity.15 If I am wicked, woe unto me; and if I am righteous, yet can I not lift up my head. I am full of disgrace; therefore see my affliction;16 For it increases. You hunt me as a fierce lion: and again you show yourself awesome against me.17 You renew your witnesses against me, and increase your indignation upon me; changes and war are ever with me.18 Why then have you brought me forth out of the womb? Oh that I had died, and no eye had seen me!19 I would have been as though I had not been; I would have been carried from the womb to the grave.20 Are not my days few? cease then, and let me alone, that I may take comfort a little,21 Before I go where I shall not return, even to the land of darkness and the shadow of death;22 A land of darkness, as darkness itself; and of the shadow of death, without any order, and where the light is as darkness.