1 Nang magkagayo'y nanalangin si Jonas sa Panginoon niyang Dios mula sa tiyan ng isda. 2 At kaniyang sinabi, Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati, At siya'y sumagot sa akin; Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw, At iyong dininig ang aking tinig. 3 Sapagka't inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat, At ang tubig ay nasa palibot ko; Ang lahat ng iyong alon at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin. 4 At aking sinabi, Ako'y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata; Gayon ma'y titingin ako uli sa iyong banal na templo. 5 Kinukulong ako ng tubig sa palibot hanggang sa kaluluwa; Ang kalaliman ay nasa palibot ko; Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo. 6 Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man: Gayon may isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios. 7 Nang ang aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko; naaalaala ko ang Panginoon; At ang aking dalangin ay umabot sa loob ng iyong banal na templo. 8 Ang nagsisilingap ng mga walang kabuluhang magdaraya Binabayaan ang kanilang sariling kaawaan. 9 Nguni't ako'y maghahain sa iyo ng tinig ng pasasalamat; Aking tutuparin yaong aking ipinanata. Kaligtasa'y sa Panginoon. 10 At ang Panginoon ay nagsalita sa isda, at iniluwa si Jonas sa tuyong lupa.
1 Then Jonah prayed unto the LORD his God out of the fish's belly,2 And said, I cried by reason of my affliction unto the LORD, and he heard me; out of the belly of sheol cried I, and you heard my voice.3 For you had cast me into the deep, in the midst of the seas; and the floods surrounded me: all your billows and your waves passed over me.4 Then I said, I am cast out of your sight; yet I will look again toward your holy temple.5 The waters surrounded me, even to the soul: the deep closed me round about, the weeds were wrapped about my head.6 I went down to the foundations of the mountains; the earth with her bars closed about me forever: yet have you brought up my life from the pit, O LORD my God.7 When my soul fainted within me I remembered the LORD: and my prayer came in unto you, into your holy temple.8 They that regard vain idols forsake their own mercy.9 But I will sacrifice unto you with the voice of thanksgiving; I will pay that that I have vowed. Salvation is of the LORD.10 And the LORD spoke unto the fish, and it vomited out Jonah upon the dry land.