1 At ngayon, Oh kayong mga saserdote, ang utos na ito'y sa inyo. 2 Kung hindi ninyo didinggin, at kung hindi ninyo ilalagak sa inyong puso upang bigyang kaluwalhatian ang aking pangalan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, magpapasapit nga ako ng sumpa sa inyo, at aking susumpain ang inyong kapalaran; oo, akin na silang sinumpa, sapagka't hindi ninyo inilagak sa inyong puso. 3 Narito, aking sisirain ang inyong binhi, at magsasabog ako ng dumi sa harap ng inyong mga mukha, sa makatuwid baga'y ng dumi ng inyong mga kapistahan; at kayo'y pawang ilalabas na kasama niyaon. 4 At inyong malalaman na aking ipinasugo ang utos na ito sa inyo, upang ang aking tipan kay Levi ay manatili, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 5 Ang aking tipan ay buhay at kapayapaan sa kaniya; at aking mga ibinigay sa kaniya upang siya'y matakot; at siya'y natakot sa akin, at siya'y nagpakababa sa aking pangalan. 6 Ang kautusan tungkol sa katotohanan ay nasa kaniyang bibig, at ang kalikuan ay hindi nasumpungan sa kaniyang mga labi: siya'y lumakad na kasama ko sa kapayapaan at katuwiran, at inilayo sa kasamaan ang marami. 7 Sapagka't ang mga labi ng saserdote ay dapat mangagingat ng kaalaman, at kanilang marapat hanapin ang kautusan sa kaniyang bibig; sapagka't siya ang sugo ng Panginoon ng mga hukbo. 8 Nguni't kayo'y nagsilihis sa daan; inyong itinisod ang marami sa kautusan; inyong sinira ang tipan ni Levi, sabi ng Panginoon ng mga hukbo. 9 Kaya't kayo'y ginawa ko namang hamak at pinakamababa sa harap ng buong bayan, ayon sa hindi ninyo pagkaingat ng aking mga daan, kundi tumangi kayo ng mga pagkatao sa kautusan. 10 Wala baga tayong lahat na isang ama? hindi baga isang Dios ang lumalang sa atin? bakit tayo nagsisigawa ng paglililo bawa't isa laban sa kaniyang kapatid, na nilalapastangan ang tipan ng ating mga magulang? 11 Ang Juda'y gumawa ng paglililo, at ang kasuklamsuklam ay nagawa sa Israel at sa Jerusalem; sapagka't nilapastangan ng Juda ang santuario ng Panginoon, na kaniyang iniibig, at nagasawa sa anak na babae ng ibang dios. 12 Ihihiwalay ng Panginoon ang taong gumawa nito, ang gumigising at ang sumasagot, mula sa mga tolda ng Jacob, at ang naghahandog ng handog sa Panginoon ng mga hukbo. 13 At ito'y muli ninyong ginagawa: inyong tinatakpan ang dambana ng Panginoon ng mga luha, ng tangis, at ng buntong hininga, na anopa't hindi na niya nililingap ang handog ni tinatanggap man sa inyong kamay na may lugod. 14 Gayon ma'y inyong sinasabi, Bakit? Sapagka't ang Panginoon ay naging saksi sa iyo at sa asawa ng iyong kabataan, na ginawan mo ng paglililo, bagaman siya'y iyong kasama, at siyang asawa ng iyong tipan. 15 At di baga siya'y gumawa ng isa, bagaman siya'y may labis na Espiritu? At bakit isa? Kaniyang hinanap ang lahing maka Dios. Kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban, at huwag nang manglilo laban sa asawa ng kaniyang kabataan. 16 Sapagka't aking kinapopootan ang paghihiwalay, sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, at siya na nagtatakip ng kaniyang damit na may karahasan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: kaya't ingatan ninyo ang inyong kalooban na huwag kayong magsalita na may paglililo. 17 Inyong niyamot ang Panginoon ng inyong mga salita. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano namin niyamot siya? Na inyong sinasabi, Bawa't gumagawa ng kasamaan ay mabuti sa paningin ng Panginoon, at kaniyang kinalulugdan sila; o saan nandoon ang Dios ng kahatulan.
1 And now, O you priests, this commandment is for you.2 If you will not hear, and if you will not lay it to heart, to give glory unto my name, says the LORD of hosts, I will even send a curse upon you, and I will curse your blessings: yea, I have cursed them already, because you do not lay it to heart.3 Behold, I will rebuke your offspring, and spread refuse upon your faces, even the refuse of your solemn feasts; and one shall take you away with it.4 And you shall know that I have sent this commandment unto you, that my covenant might be with Levi, says the LORD of hosts.5 My covenant was with him of life and peace; and I gave them to him for the fear with which he feared me, and was afraid before my name.6 The law of truth was in his mouth, and iniquity was not found in his lips: he walked with me in peace and equity, and did turn many away from iniquity.7 For the priest's lips should preserve knowledge, and they should seek the law from his mouth: for he is the messenger of the LORD of hosts.8 But you have departed out of the way; you have caused many to stumble at the law; you have corrupted the covenant of Levi, says the LORD of hosts.9 Therefore have I also made you contemptible and base before all the people, according as you have not kept my ways, but have been partial in the law.10 Have we not all one father? has not one God created us? why do we deal treacherously every man against his brother, by profaning the covenant of our fathers?11 Judah has dealt treacherously, and an abomination is committed in Israel and in Jerusalem; for Judah has profaned the holiness of the LORD which he loved, and has married the daughter of a foreign god.12 The LORD will cut off the man that does this, the master and the scholar, out of the tabernacles of Jacob, and him that offers an offering unto the LORD of hosts.13 And this have you done again, covering the altar of the LORD with tears, with weeping, and with crying out, because he regards not the offering any more, or receives it with good will at your hand.14 Yet you say, Why? Because the LORD has been witness between you and the wife of your youth, against whom you have dealt treacherously: yet is she your companion, and the wife of your covenant.15 And did not he make them one? Yet had he the remnant of the spirit. And why one? That he might seek a godly offspring. Therefore take heed to your spirit, and let none deal treacherously against the wife of his youth.16 For the LORD, the God of Israel, says that he hates putting away:For one covers violence with his garment, says the LORD of hosts: therefore take heed to your spirit, that you deal not treacherously.17 You have wearied the LORD with your words. Yet you say, How have we wearied him? When you say, Every one that does evil is good in the sight of the LORD, and he delights in them; or, Where is the God of judgment?