Publicidade

Agradecimento a Deus

Por Bíblia Online

Agradecer a Deus é louvor, adoração e reconhecimento da sua soberania. Dai graças ao Senhor porque Ele é bom — a sua misericórdia dura para sempre!

Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat,

at masaya nating isigaw ang mga awit

ng papuri sa kanya.

Pumasok kayo sa kanyang Templo

nang may pagpapasalamat at pagpupuri.

Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya.

Purihin nʼyo ang Panginoon!

Magpasalamat kayo sa kanya

dahil siyaʼy mabuti;

ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.

Panginoon, kayo ang aking Diyos;

nagpapasalamat ako at nagpupuri sa inyo.

Umawit kayo ng pasasalamat sa Panginoon.

Tumugtog kayo ng alpa

para sa ating Diyos.

Pupurihin ko ang Diyos

sa pamamagitan ng awit.

Pararangalan ko siya sa pamamagitan ng pasasalamat.

Kayo ang nagpapalakas

at nag-iingat sa akin.

Nagtitiwala ako sa inyo nang buong puso.

Tinutulungan nʼyo ako,

kaya nagagalak ako at umaawit ng pasasalamat.

Ngayon, O aming Diyos, pinasasalamatan namin kayo

at pinupuri ang inyong kagalang-galang na pangalan."

Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong pangangailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

Ang Panalangin ni Pablo para sa mga Taga-Filipos

Tuwing naaalala ko kayo, nagpapasalamat ako sa Diyos.

At anuman ang inyong gawin, sa salita man o sa gawa, gawin ninyo sa pangalan ng Panginoong Hesus nang may pasasalamat sa Diyos Ama sa pamamagitan niya.

Ang Pananampalataya ng mga taga-Tesalonica

Palagi kaming nagpapasalamat sa Diyos para sa inyong lahat at palagi namin kayong binabanggit sa aming mga panalangin. Inaalala namin sa harapan ng ating Diyos at Ama ang inyong gawa na bunga ng pananampalataya, ang pagpapagal ninyong mula sa pag-ibig, at ang inyong pagtitiis na mula sa inyong pag-asa sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Pasasalamat

Palagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapalang ibinigay niya sa inyo sa pamamagitan ng inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus.

Ngunit salamat sa Diyos dahil binigyan niya tayo ng tagumpay sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Ngunit salamat sa Diyos dahil palagi siyang nangunguna sa ating parada ng tagumpay dahil tayoʼy nakay Kristo. At ngayon ginagamit kami ng Diyos para ipakilala si Kristo sa mga tao. Itoʼy ipinapalaganap namin na parang halimuyak ng pabango.

Ang Diyos na nagbibigay ng binhi sa magsasaka at tinapay na makakain, ang siya ring magbibigay ng inyong mga pangangailangan upang lalo pa kayong makatulong sa iba. Pasasaganain kayo ng Diyos sa lahat ng bagay upang palagi kayong makatulong sa iba. At marami ang magpapasalamat sa Diyos dahil sa tulong na ipinapadala ninyo sa kanila sa pamamagitan namin.

Mag-usap-usap kayo gamit ang mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal. Buong puso kayong umawit at magpuri sa Panginoon. Palagi kayong magpasalamat sa Diyos Ama sa lahat ng bagay bilang mananampalataya ng ating Panginoong Hesu-Kristo.

Aral sa mga Mag-asawa

Magpasakop kayo sa isaʼt isa bilang paggalang kay Kristo.

Kinuha ni Hesus ang limang tinapay at dalawang isda; tumingala sa langit at nagpasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang tinapay at ibinigay sa mga alagad niya para ipamahagi sa mga tao. Pinagpira-piraso niya rin ang dalawang isda at ipinamahagi rin nila. Kumain silang lahat at nabusog, at nang tipunin ng mga alagad ang natirang tinapay at isda ay nakapuno sila ng labindalawang kaing.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-