Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Salmo 95

1 Halikayo, magsiawit tayo

nang may kagalakan!

Sumigaw tayo sa pagpupuri sa Panginoon

na ating Batong kanlungan at tagapagligtas.

2 Lumapit tayo sa kanya nang may pasasalamat,

at masaya nating isigaw ang mga awit

ng papuri sa kanya.

3 Dahil ang Panginoon

ay dakilang Diyos.

Makapangyarihang Hari sa lahat ng mga diyos-diyosan.

4 Hawak niya ang kailaliman ng lupa

maging ang tuktok ng mga bundok ay sa kanya.

5 Sa kanya rin ang dagat pati ang lupain

na kanyang ginawa.

6 Halikayo, lumuhod tayo at sumamba

sa Panginoon na lumikha sa atin.

7 Dahil siya ang ating Diyos

at tayo ang kanyang mga mamamayan;

tulad natiʼy mga tupa sa kanyang kawan

na kanyang binabantayan at inaalagaan.

Kung maririnig nʼyo lang sana ang tinig niya!

8 Sinasabi ng Panginoon,

"Huwag ninyong patigasin ang inyong puso,

tulad ng ginawa noon ng inyong mga ninuno

doon sa Meriba at sa ilang ng Masa.

9 Sinubok nila ako doon,

kahit na nakita nila ang mga ginawa ko.

10 Sa loob ng apatnapung taon,

lubha akong nagalit sa kanila.

At sinabi kong silaʼy mga taong naligaw ng landas

at hindi sumusunod sa aking mga itinuturo.

11 Kaya sa galit koʼy sumumpa ako

na hinding-hindi nila mararanasan

ang kapahingahang inilaan ko sa kanila."

Todos os capítulos de Mga Salmo 150
  1. 1
  2. 2
  3. 3
  4. 4
  5. 5
  6. 6
  7. 7
  8. 8
  9. 9
  10. 10
  11. 11
  12. 12
  13. 13
  14. 14
  15. 15
  16. 16
  17. 17
  18. 18
  19. 19
  20. 20
  21. 21
  22. 22
  23. 23
  24. 24
  25. 25
  26. 26
  27. 27
  28. 28
  29. 29
  30. 30
  31. 31
  32. 32
  33. 33
  34. 34
  35. 35
  36. 36
  37. 37
  38. 38
  39. 39
  40. 40
  41. 41
  42. 42
  43. 43
  44. 44
  45. 45
  46. 46
  47. 47
  48. 48
  49. 49
  50. 50
  51. 51
  52. 52
  53. 53
  54. 54
  55. 55
  56. 56
  57. 57
  58. 58
  59. 59
  60. 60
  61. 61
  62. 62
  63. 63
  64. 64
  65. 65
  66. 66
  67. 67
  68. 68
  69. 69
  70. 70
  71. 71
  72. 72
  73. 73
  74. 74
  75. 75
  76. 76
  77. 77
  78. 78
  79. 79
  80. 80
  81. 81
  82. 82
  83. 83
  84. 84
  85. 85
  86. 86
  87. 87
  88. 88
  89. 89
  90. 90
  91. 91
  92. 92
  93. 93
  94. 94
  95. 95
  96. 96
  97. 97
  98. 98
  99. 99
  100. 100
  101. 101
  102. 102
  103. 103
  104. 104
  105. 105
  106. 106
  107. 107
  108. 108
  109. 109
  110. 110
  111. 111
  112. 112
  113. 113
  114. 114
  115. 115
  116. 116
  117. 117
  118. 118
  119. 119
  120. 120
  121. 121
  122. 122
  123. 123
  124. 124
  125. 125
  126. 126
  127. 127
  128. 128
  129. 129
  130. 130
  131. 131
  132. 132
  133. 133
  134. 134
  135. 135
  136. 136
  137. 137
  138. 138
  139. 139
  140. 140
  141. 141
  142. 142
  143. 143
  144. 144
  145. 145
  146. 146
  147. 147
  148. 148
  149. 149
  150. 150

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.