Publicidade

Ajuda ao próximo

Por Bíblia Online

Ajudar o próximo é mandamento de Deus e expressão prática da fé. A Bíblia ensina que a fé sem obras é morta — e que servir ao menor dos irmãos é servir a Cristo.

Sapagkat nang nagutom ako ay pinakain ninyo ako, at nang nauhaw ako ay pinainom ninyo. Nang naging dayuhan ako ay pinatuloy ninyo ako sa inyong tahanan, at nang wala akong maisuot ay binihisan ninyo ako. Nang may sakit ako ay inalagaan ninyo ako, at nang nasa kulungan ako ay dinalaw ninyo ako.

"Sasagot ang mga matuwid, Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? Kailan namin kayo nakitang naging dayuhan at aming pinatuloy o walang maisuot at aming binihisan? Kailan namin kayo nakitang may sakit o nasa kulungan at aming binisita?

"At sasagot ang Hari, Sinasabi ko sa inyo ang totoo, nang ginawa nʼyo ito sa pinakahamak kong mga kapatid, ginawa ninyo ito para sa akin.

Bigyan mo ang sinumang nanghihingi sa iyo, at huwag mong talikuran ang sinumang nanghihiram sa iyo."

Gayundin naman, pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw upang makita ito ng lahat. Sa gayon, masaksihan nila ang inyong mga mabubuting gawa at luluwalhatiin nila ang inyong Amang nasa langit.

Magbigay kayo upang bigyan din kayo – hustong takal, siniksik, niliglig, at umaapaw ang ibubuhos sa inyong sisidlan. Sapagkat ang panukat na ginamit ninyo sa pagbibigay ay siya ring gagamiting panukat ng ibibigay sa inyo."

Tinanong ng mga tao si Juan, "Ano ngayon ang dapat naming gawin?"

Sumagot siya, "Kung mayroon kayong dalawang damit, ibigay ninyo ang isa sa taong walang damit. At kung may pagkain kayo, magbigay kayo sa mga walang makain."

Ipagbili ninyo ang mga ari-arian ninyo at ipamigay ang pera sa mga mahihirap, upang makaipon kayo ng kayamanan sa langit. Doon, ang maiipon ninyong kayamanan ay hindi maluluma o mauubos, sapagkat doon ay walang makakalapit na magnanakaw o makakapanirang insekto. Sapagkat kung nasaan ang kayamanan ninyo, naroon din ang puso ninyo.

Ito ang aking utos: Magmahalan kayo katulad ng pagmamahal ko sa inyo.

Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.

Ginawa ko ito para maipakita sa inyo na sa ganitong pagsusumikap ay matutulungan natin ang mga mahihina. Palagi nating alalahanin ang sinabi ng Panginoong Hesus na mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap."

Pagkatapos magsalita ni Pablo, lumuhod siyang kasama nila at nanalangin. Umiyak silang lahat, at niyakap nila si Pablo at hinalikan. Labis nilang ikinalungkot ang sinabi ni Pablo na hindi na sila magkikitang muli. Pagkatapos, inihatid nila si Pablo sa barko.

Tulungan ninyo ang mga hinirang ng Diyos na nangangailangan, at patuluyin ninyo sa inyong mga tahanan ang walang matutuluyan.

Tayong malalakas sa pananampalataya ay dapat tumulong sa mga kapatid nating mahihina. Hindi lang ang sarili nating kapakanan ang dapat nating isipin,

Tulungan ninyo ang isaʼt isa sa mga problema, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Kristo.

Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw, sa halip ay maghanapbuhay siya nang marangal para makatulong din siya sa mga nangangailangan.

Huwag lang ang sarili ninyong kapakanan ang isipin ninyo kundi ang kapakanan din ng iba.

Ang Pananampalataya at Mabuting Gawa

Mga kapatid, ano ba ang mapapala ng isang tao kung sabihin niyang mayroon siyang pananampalataya, ngunit wala naman siyang mabubuting gawa? Maliligtas ba siya ng ganyang pananampalataya? Halimbawa, walang maisuot at walang makain ang isang kapatid, at sasabihan mo, "Pagpalain ka ng Diyos at hindi ka sana ginawin at gutumin," ngunit hindi mo naman siya binigyan ng kailangan niya, may nagawa ba itong mabuti? Ganito rin naman ang pananampalataya; kung hindi ito kinakikitaan ng mabuting gawa, wala itong kabuluhan.

Kung sinuman ang nasa maayos na pamumuhay at nakikita ang isang kapatid na nangangailangan ngunit hindi naman niya ito tinutulungan, masasabi ba nating sumasakanya ang pag-ibig ng Diyos?

Ang tumutulong sa mahirap

ay parang nagpapautang sa Panginoon,

dahil ang Panginoon ang magbabayad

sa kabutihang ginawa niya.

Hindi maiiwasan na may mahihirap sa inyong bayan, kaya inuutusan ko kayong maging lubos na mapagbigay sa kanila.

Seja o primeiro
Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-29_22-07-56-